Chapter 13

105 7 0
                                    

Day 1: Check!

Wednesday at unang araw ng prelims ngayon. Buti nalang at nakaraos ang isang araw!

Bukas, sa PE naman. Yung basketball. Hi di pa nga ako nakakapag-practice kasi wala pang time. Nag-review ako nung tuesday tapos nung lunes naman yung nag-spy ako. Tsk, saan ko pa isisingit yun?

Tumingin ako sa likod ko para tingnan nung nandon pa sila. Pero iisa naman ang natira. Agad akong lumapit don.

"Nasan na sila Drew?" tanong ko.

"Umuwi na. Pati sila Matt at yung Hana ba yun?" sabi nito at kinabigla ko.

"Pwede na bang umuwi?"

"Oo, wala namang gagawin tapos half day naman talaga ngayon. Ayaw mo?" sabi nya. Tiningnan ko nalang sya bilang sagot.

"Oh, ganon. Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko ulit at umiwas naman sya ng tingin sa akin.

"Syempre, hinihintay kita eh." sabi nya at parang may gumalaw sa sikmura ko. Tae, nagpapapurga naman ako ah!

"Tara na nga." nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. "San...san tayo pupunta?" tawa lang ang naisagot nya.

"Makakalimutin ka talaga, diba sabi ko tuturuan kita sa basketball? Okay lang naman kung ayaw mo." hinampas ko naman iyong braso nya at tinawan sya. Yun pala yun. Nakalimutan ko na nga.

Hindi ako sanay na nag-aasaran na ulit kami ni Lucas. Ngayon lang naman kami muli nagkita magmula nung nagkaayos kami. Remember nung umiral ang kapabebehan nya, tss.

"Wait lang." saad ko at napatigil naman sya sa paghila ng kamay ko. Oo, hinihila nga lang ako kasi tumatakbo sya. Para namang may hinahabol eh.

"Wala akong dalang damit. Alangan namang naka-palda akong maglalaro?" sabi ko. Tiningnan nya lang ako saka sinabing, "Edi umuwi ka muna sa inyo. Dun lang naman sa court na malapit sa inyo tayo magpapractice. Hihintayin nalang kita." napatango nalang ako sa sinabi nya.

Akmang kukuhanin na naman nya yung kamay ko pero agad ko iyong iniwas sa kanya.

"Please lang, wag mo na akong hilahin! Feel ko mapuputol ang kamay ko eh, saka bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko. Inilagay nalang nya yung kamay nya sa kanyang likod.

"Syempre sayang ang oras ha. Saka uulan daw ngayon eh kaya bilisan mo na para makapag-umpisa na tayo." hinawakan na nya muli iyong kamay ko at hinila na naman ako. Sana talaga hindi mapahiwalay iyong kamay ko sa katawan ko ayaw ko naman na iisa nalang ang aking kamay.

Nagpalit lang ako ng tshirt tapos shirt. Pinuyod ko lang ang buhok ko at nag headband na rin. Lakas makaprofessional basketball player!

Walang tao ngayon sa bahay kasi may pasok kaming lahat, umalis na ulit si Papa para magtrabaho tapos si Mama naman...hindi ko alam. Baka may inaasikaso sa mga paorder namin.

Pagkasarado ko ng pinto luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Lucas. Saan naman sumuot yung lalaking yun?

Lumabas na ako at isasara na ang gate namin—

"Wah!"

"ANAK NG LABING DALAWANG KAMBING!" hinawakan ang bandang dibdib ko, ang lakas ng tibok. Magugulatin akong tao buti nalang di ako inatake sa puso. Tiningnan ko naman sya ng masama habang sya naman ay tawa ng tawa. Grr.

"Ang saya mo naman." sabi ko at inirapan sya. Umuna na ako sa paglalakad, nakakainis ang ugok na yun.

"Huy, hindi ko naman alam na magugulatin ka hanggang ngayon." sabi nya at sinabayan na nya ako sa paglakad.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon