Chapter 11

118 9 1
                                    

Sunday, at finally nakapagsimba kami ng buo ang pamilya namin. Si Papa ang nagdadrive, si Mama yung nasa tabi nya at ang nasa likod...

"Kuya kasi!! Akin na ang cellphone ko!!" sigaw ni Abi habang inaagaw kay Kuya yung cellphone nya. Napapagitnaan namin si Abi gaya ng nangyayari dati.

"Sino 'tong Clifford...baby? Ano 'to tapos...Gail? Ma! Pa! Yung baby nyo may iba ng bina-baby!!" sigaw ni Kuya at tumawa naman sila Mama at Papa. Napatawa na rin ako. Si Abi naman ang halos umusok ang ilong sa inis. Pinalo-palo pa nya si Kuya. Ngayon, narealize ko na parang sabit lang ako sa pamilyang ito. Eh..hindi naman kasi maiiwasan yan. Kasi si Kuya at si Abi close tapos close silang dalawa kina Mama, ako naman...hindi kami masyadong close ni Mama tapos si Papa lang ang madalas kong nakaka-usap sa bahay kapag nauwi sya.

Nagpatuloy lang sa pag-aasaran sila Abi at Kuya hanggang makarating kami sa bahay. Walang pa-order si Mama ngayon kaya stay lang ako ngayon sa bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto. Nakahiga lang ako at nag checheck ng social media ko. Hindi naman ako active sa online world yown. Busy naman ako lagi. Ngayon nalang ulit kasi wala naman akong magawa.

Oo nga pala, tinadtad ako ni Lori ng text tungkol sa nangyari kahapon. Kesyo iniwan ko raw sya..na nakakainis daw ako kasi sinama ko pa sya. Napatawa nalang ako at piniling wag nalang magreply sa kanya. Kay Andrew ko nalang itatanong kung anong nangyari sa kanila  kahapon.

Binuksan ko na lahat ng account ko maliban sa twitter. Makapag-twitter nga muna para makita ang mga chika ng finafallow ko.

Di naman ako ma-tweet na tao kasi wala naman akong maishashare sa life kaya puro retweet ang makikita sa profile ko.

Scroll..scroll..scroll..

Hala! Bakit pare-pareho ang tweets nila?

@ michychy omygosh! Sa wednesday na pala ang prelims!

@ wilreb10 AY PUTA IREADY NG MAKITA ANG SINGKO LINTEK HINDI NAMAN NAGTUTURO ANG MGA PROF EH!!!!

@ kuletkat ANG DAMING HANASH SA TWEET HINDI NALANG MAG-ARAL PARA MAKAPASA SA PRELIMS! #STUDYisLIFER #TweetLESS #PAPASAAQIKAWBAH

PRELIMS NA PALA??!

Binitawan ko na ang cellphone ko at agad akong napabalikwas sa kama ko. Tanungin ko muna si Kuya kung totoo nga yung balita.

"KUYA!!!!" Sigaw ko at kinakatakot ang pinto nya. Binuksan ko na ng tuluyan at naabutan kong nagbabalot sya ng ..regalo? Halata namang nagulat si Kuya ng naabutan ko sya.

"A..no ba yun? Bakit basta-basta ka pumapasok sa kwarto ko, ha?" inis na sabi ni Kuya sabay bato nung binabalot nya sa kama nya.

"Prelims na ba talaga ngayong week?" tanong ko at nagtataka syang tumingin sa akin.

"Aba, malay ko! Ikaw ang napasok hindi mo alam? Saka magkaiba kaya tayo ng department." sabi nito. Grr! Bakit hindi ko nga naman alam? Nakikinig naman ako eh wala naman inaannouce.

Napanguso nalang ako sa sinabi ni Kuya, napatingin naman ako sa kanya habang hawak na nya yung regalo.

"Wow, improving..dapat hindi lang si Abi ang sinusumbong eh, ikaw din dapat." sabi ko at ngumisi sa kanya. Binato naman ako ni Kuya ng unan. "Lumayas ka na nga rito!" agad naman akong lumabas ng kwarto nya. Si Kuya talaga kahit kailan.

I dialed Hana's number para matawagan sya. Agad naman nya iyong sinagot.

"Oh, hi there anong ganap?" kaswal nyang tanong sa akin.

"Prelims na ba talaga natin ngayong week?" tanong ko naman. Kinuha ko na rin yung bag ko para ilabas na ang mga notes.

"Ha? Ah, oo. Pero yung ilang subject lang tapos yung PE. Kinakabahan na nga ako sa Basketball gosh. Buti nalang dumating yung pinsan ko at tuturuan daw nya ako. Ikaw ba? Don't tell me hindi mo alam na prelims na?"

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon