Chapter 26

84 7 0
                                    

"Lintek na bata ka! Ano bang ginawa mo at hinayaan mo ang sarili mong magkaganyan ha?! Sinong gumawa sayo niyan?! Halika sa police station ipapa-blatter natin!" sigaw ni Mama at akmang lalabas na papuntang police station. Hinawakan ko namna ang balikat niya. Tumingin ako kay kuya. Maayos na ang itsura niya. Nagbihis na rin kasi siya eh. Dinadampian ni Abi ng yelo ang mga sugat ni Kuya.

Napatikhim naman si Kuya sa sinabi ni Mama. "Di na po kailangan Ma, baka mabaliktad lang tayo. Baka rin balikan pa tayo ng mga yun. Wag na po nating pag-aksayahan ng oras." sabi ni Kuya. Nag-iba naman ng aura si Mama. Kung galit na kanina ngayon galit na galit na.

"Anong huwag nang pagaksayahan ng oras?! Hoy ikaw Alejandro pinagtatakpan mo ba yang mga gumawa sa iyo niyan? At sino ba yang mga kinalaban mo at ganyan ang nangyari sayo ha?" tanong ulit ni Mama. Nakatungo pa rin si Kuya, kung kanina ay may gana pa siyang sumagot, ngayon ay wala na. Tinabihan naman siya ni Mama.

"Hoy Aji kinakausap kita! Sino bang gumawa niyan sayo? Sumagot ka naman anak! Hindi ko na alam ang nangyayare sayo ngayon. Sabihin mo naman sa amin 'nak." nagmamakaawang tono na ngayon ni Mama. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan hanggang sa wakas ay nagsalita na si kuya.

"Ma..." nanginginig na sabi niya. Umalis sa pagkakatabi ni Kuya si Abi at lumapit sa akin. Kapwa naming di alam kung anong nangyayare.

"M–ma sorry..." umiiyak na ngayon si Kuya. Ngayon ko nalang ulit nakitang umiiyak si Kuya. Si Mama naman, nakatingin lang kay Kuya. Wala pang ideya kung bakit umiiyak at humihingi ng tawad si Kuya.

"Hindi ko naman po sinasadya, patawarin nyo po ako kung nagawa ko man 'to. Alam kong ako ang inaasahan nyo kasi ako ang panganay, ako dapat ang mag-aangat sa atin pero parang ako pa ata ang mag-bababagsak. S-sorry Ma..." dagdag ni Kuya. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ni Mama at tila naghihintay kung ano ang pinupunto ni Kuya sa kanyang pahayag.

"Nag-aaral po kasi ako non sa library, tapos nagulat ako ng may biglang lumapit sa aking hindi pamilyar sa akin. Sumama raw ako sa kanila. Pinapatawag daw ako ni Krista. Tapos sumama ako ron kasi kilala ko naman si Krista. Hanggang nakarating kami sa isang di pamilyar na lugar pero alam kong nasa campus pa rin yon. May sumalubong sa aming mga lalaki at don na ako naghinala. Binusalan ako nung kasama ko at hindi na ako nakapalag don kasi agad na lumapit yung mga sumalubong sa amin para tulungan yung kasama ko. Pinilit kong sipain sila pero sinikmuraan lang nila ako..." napahawak ako sa aking bibig sa kwento ni Kuya. Tumingin ako sa mga kamay nyang mahigpit ang pagkakayukom.

"Tapos hinila ako papunta doon sa hide-out nila. Marami pang sumalubong na lalaki sa amin na may hawak ng paddle. Itinalikod ako nung may hawak sa akin para mapalo ako ng mga may hawak na paddle. Wala akong maintindihan non kung ano bang nangyayari kasi ang alam ko pinapatawag lang ako ni Krista. Sumisigaw nalang ako hawak patuloy lang ang paghampas sa akun ng paddle ng mga lalaking yun. Pagkatapos ng ilang beses nilang paghampas, napaluhod nalang ako non. Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Para akong malulumpo. Nagtawanan lang ang mga lalaking yon. Napatigil sila nang tawagin nila yung boss nila. Pinaharap ako nung mga lalaking yon at sumalubong sa akin ang kamao nung sinasabi nilang boss nila..." napahinto si Kuya ng biglang bumuhos muli ang luha niya.

"Sinabi nito na bakit ko raw ginago ang kapatid nya, bakit ko raw sinira ang kinabukasan ni Krista. Panagutan ko raw yun kasi ako raw ang ama—" hindi na naituloy ni Kuya ang mga sinasabi niya ng humalik sa pisngi nya ang sampal ni Mama.

"Ma!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong lumaput kay Mama para pigilan na siya sa pagsampal muli kay Kuya. Napatungo si Kuya matapos ng lahat ng nangyari.

"So kagagawan mo lahat ng nangyaring ito?! Ikaw rin ang may dahilan kung bakit ka nagkaganyan ha? Alejandro? Paano mo nagawa sa akin to? Pinalaki ba kitang ganyan ha? Hindi naman ako tutol sa pag nonobyang nobya na yan pero hindi ko alam na gantong kapusok ang papasukin mo? Tapos, kaya ka nabugbog dahil ano iiwan mo yung babae kaya iginanti siya ng Kuya niya ha? Ganon ba?"

"Ma wag nyo na lang po dagdagan. Si Kuya na nga yung nasaktan eh. Dapat si Kuya ang kinakampihan natin, Ma."

"Tumahimik ka diyan, Alandria! Hindi ka kasali rito. Paakyatin mo na yang si Abigail." agad kong sinabihan ko si Abigail na matulog na. Hindi muna ako aalis, baka kung anong gawin pa ni Mama kay Kuya.

"Hindi ko naman po alam na buntis siya Ma! Wala po siyang sinasabi sa akin. Hindi ko rin po sigurado kung ako po ba ang ama. Wala po akong matandaan na may nangyari sa amin. Sana po maintindihan nyo yon, Ma." sagot ni Kuya. Agad namang tumayo si Mama at napahilamos na ng kamay at inayos ang kanyang buhok.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo, Alejandro. Ayusin mo yang gulong pinasok mo." sambit ni Mama bago siya umalis at umakyat na papunta sa kwarto niya.

Agad akong lumapit kay Kuya. "Kuya, pagpasensyahan mo na si Mama. Galit yon kaya hindi na rin niya siguro alam ang mga nasasabi niya."

"Naiintindihan ko naman kung bakit ganon nalang ang nasabi niya sa akin. I admit it's my fault too. Hindi ko lang matanggap na parang kinakampihan pa niya yung mga nangbugbog sa akin kesa sa nabugbog niyang anak." sagot ni Kuya. Walang ano ano'y niyakap ko si Kuya. Kahit hindi kami masyadong close, magkapatid pa rin kami. Hindi ko matanggap na ganto ang sinapit ni Kuya. Hindi ko ineexpect na siya pa talaga ang mag kakaganto, makakaroon ng malaking problema gaya nito.  Totoong mataas ang pagtingin ko sa kanya. Tanggap ko na rin na hindi ako kundi siya ang magtataas sa pamilya namin tapos ganito pa ang mangayayari. I felt mad not to him but  about to what happened to him. Sinira nung nangyari sa kanya si Kuya.

"I'm sorry din Ali. Hindi na ako magandang halimbawa sa inyo. I'm such a disappoinment to our family. I'm really really sorry. " kumalas ako sa  yakap at  umiling ako kay Kuya.

"You're not a disappointment Kuya. Maayos pa naman iting gulong to diba? Try to talk to Ate Krista. Pa dna test rin natin for assurance. Wala namang problemang hindi nasusulusyunan." I said. I want to lessen all the worries that he's carrying right now.

Kuya patted my head and he pinched my nose! "Kuya naman!" daing ko at ngumiti naman siya.

"Talino mo na nga ngayon. Lakas naman ng mga advice." biro niya sa akin. Bumalik na ang pang-aasar niya. Inirapan ko naman siya bilang ganti.

"Impressed ka lang kasi Kuya. Admit it." si Kuya naman ngayon ang umirap. Sibling goals yung irapan namin.

To break the irapan gaming, may naalala ako. "Kuya..kanina pala nakita ko si Ate Krista sa cr tapos.." kaya pala! Ate Krista said her apology to me. Iyon ba ay dahil sa nangyari kay Kuya? Kwinento ko iyon kay Kuya at bigla naman nag-iba ang mukha nya.

"Ito pala Kuya yung unang nangyare, may grupo ng mga lalaki na El Brusko raw ang pangalan. Nakita namin na parang nag-uusap sa field. Kilala mo rin yata yun, sa law raw yun na frat." kwento ko pa kay Kuya. Humarap naman ito sa akin na parang may bahid ng pag-aalala.

"Sinaktan ka ba nila, Ali?" napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Kuya.

"Hindi. Bakit naman nila ako sasaktan? Tapos Kuya habang naglalakad ako papuntang room, may nakabunggo akong nakakatakot ang itsura. Malaki siyang tao na may tunnel sa tenga. Ang creepy pa don—" napatigil ako nang nagsalita si Kuya.

"Si Duke yun. Siya yung leader ng El Brusko. Mag-ingat ka, Ali. Huwag ka masyadong mag-ikot sa school. Doon ka lang sa building nyo. Magdala ka lagi ng kasama kung may pupuntahan ka man."My Kuya.. he's acting weird right now maybe I not used to feel that he cares for me kaya naninibago ako. Alam ko naman na kailangan kong mag-ingat dahil baka nga nga balikan ako ng mga nakalaban niya...

"Kuya baka connected yung El Brusko sa mga nangbugbug sayo! Naku dapat talaga pinaba-ban na ang mga fraternity na yan! Ano bang nagagawa niyang mabuti sa mga estyudante?" napasimangot ako matapos kong sabihin yon. Nakakainis kasi tapos mga manyakis pa! Hindi ko malilimutan kung gaano katagal niya tiningnan...

Napatakip naman ako ng unan sa dibdib. Argh nakakainis!

Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya kaya tumingin ulit ako sa kanya. Maigting na naman ang pagkakayukom ng kaniyang kamay ngayon. Seems he reminiscing again what  just happened today.

"Hindi lang konektado,  sila talaga ang may gawa sa akin nito. Si Duke, siya yung Kuya ni Krista. Mag-ingat ka talaga, Ali. Hindi natin alam ang plano ni Duke, pagganti niya. Baka sayo ibalik ang mga kagaguhang hindi ko naman ginawa sa kapatid niya." napatigil ako nang saglit matapos marinig yun.

So...hindi niya pala tiningnan yung dibdib ko para manyakin ako bagkus para makita yung nameplate ko?

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon