Chapter 20

93 9 0
                                    

Ang daming tao ngayon sa school grounds. Ngayon na kasi yung week-long celeb ng foundation day ng Aquarian. Iba't ibang klase na naman ng estyudante ang makikita dahil okay lang kung ano ang isuot at kung ano ang gawin ngayon. Free na free gawin ang lahat ngayon kaya makikita mo 'yung iba na halos makita na iyong kanilang kaluluwa sa sobrang iksi ng suot, mahuhubaran na. Yung kahit saan ka tumingin may makikita kang PDA. Leche ayaw pang mag-hotel. Pero may mga pa rin namang matino gaya ko hmm, yung naeexcite lang sa mga booths at mga pakulo ng school ngayon.

"Dapat pala nagshades ako para di ko maaninag yung mga pesteng PDA. Ewy eh!" reklamo ni Hana. Kanina pa rin kasi kami lakad ng lakad. Mamaya pa ang yung duty namin sa booth.

"Bitterela ka lang."

"Parang hindi s'ya." sagot n'ya naman. Inirapan ko naman s'ya.

Kanina pa rin kami nag-uuli dito. Ewan ko ba naman dito kay Hana, nakaheels pa s'ya n'yan ha. First time raw n'ya sa ganito kasi galing daw s'ya sa catholic school at walang gantong ka-ekekan. Banal pala s'ya.

Naglalakad kami ng biglang may tumawag sa akin. Tiningnan ko naman iyon, galing sa tent ng first aid. Si Lorianne.

"Hey, goshie ha! Buti naman nakita ko kayo." sabi nito. Binati naman s'ya ni Hana.

"Seriously? Ganon lang kayo buong week?" takang tanong ko. Kasama na rin namin si Lori sa pagiikot ngayon. Tumakas s'ya.

"Exactly. Supeer boring diba? Like ano yun kailangan pa naming maghintay ng maaksidente para makagalaw kami? Like we also deserve some fun this week, right? Fun ba 'yung may makikita kang maaaksidente?" she ranted. Napatawa nalang ako sa inasta n'ya. Pati rin si Hana.

"Hey, Lori kalma okay?" then Hana patted her shoulder. Sus, hindi na gagana ang kaartehan n'ya sa akin.

Maglaro kami dun sa isang booth, I think sa crimonology 'yun. Isa kasing shooting game ang laro saka mga maskulado iyong nagbabantay.

"Kuya, how much po?" tanong ni Lori kay Kuyang nagbabantay. Medyo napaawang naman iyong bibig n'ya. Tinawanan s'ya nung katabi n'ya saka tinapik pero nakatitig pa rin s'ya kay Lori. I know na nawe-weirduhan na rin si Lori sa nangyayari.

"Ang bakla nito nakita lang si...Anyways, hello, 20 pesos lang po then kapag napatumba n'yo lahat ng mga figures na yun may prize." sabi ni Kuya katabi ni Kuyang Weird. Umalis na rin pala si Kuyang Weird ewan ko, crush siguro si Lori.

"Gusto n'yong itry?" tanong ni Lori. Agad namang tumango si Hana at syempre no choice ako kaya tumango na rin ako.

Unang naglaro si Lori. Halatang hirap na hirap s'yang mapatumba iyong mga laruang plastik at mauubos na rin iyong bala n'ya. Ang mechanics kasi, may limang human plastic figure na nakatayo, tapos 20 pellets lang ang bala.  Kailangang mapatumba iyong lahat gamit ang baril na 20 pellets lang ang laman, okay possible pero mukhang imposible sa amin.

"Oh..kay. At least I tried. Hana, ikaw na." Lori said and lend her gun to Hana. In the end wala ni isa ang napatumba ni Lori.

Excited na excited naman si Hana. Ikinasa n'ya agad iyong baril at first attempt palang, napatumba na n'ya agad iyong laruan. Napatalon naman s'ya maging ako ay na-amaze na rin...at na pressure.

"OMG!" sigaw ni Hana. Nag-apir naman silang dalawa ni Lori. Mas bagay talaga silang mag-bestfriend.

"Go Girl! Balato ng prize!" Lori giggled. Napairap naman iyong mata ko.

Sa huli, 3 laruan lang iyong napatumba ni Hana. Napatingin naman ako dun kay Kuyang Nagbabantay. Tuwang-tuwa kasi syempre nagkapera na iyong booth nila.

Disappointed naman na inabot sa akin ni Hana iyong baril. Sineryoso n'ya iyong laro. Dapat ba mapatumba ko lahat? O may mapapatumba man lang ba ako?

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon