Chapter 4

221 13 3
                                    

Back to my business again. Ayos na rin na nakapahinga ng ilang araw at pasukan na. Nagbabike ako papunta sa kabilang subdivision nang mapansin kong may nasunod sa akin. Nakapantay ko na rin sya at nakita ko kung sino, si Lucas.

"Ginagawa mo?" bungad ko habang nakafocus pa din sa daan.

"Edi nagbabike, di mo ba nakikita?" sagot nito sa akin. Nilingon ko pa sya para makita ang reaksyon nya. Inirapan ako. Lakas maka-bading ni koya!

Binilisan ko na ang pagpidal para di nya ako maabutan. Agang-aga binibwisit ako eh. Naramdaman ki namang binilisan nya rin. So race pala ang gusto nya.

Medyo nauna sya kaya nagpabagal ako. Bahala syang mauna, ayaw ko syang kasabay at ayaw ko munang makisabay sa trip nya. Kailangan ko pang gawin ang trabaho ko.

Since nauuna sya sa akin, kitang-kita ko ang kalokohan nya habang nagbabike. Pati yung pagsemplang nya. Yan, katangahan.

Natatawa nalang ako sa isip ko. Syempre, kailangan ipakitang wala akong paki.

"Shit!!" rinig kong sabi nya. Medyo binilisan ko naman sa pagpidal para malaman ang drama nung loko. Expose pa ang pagmumura walang manners talaga.

Wala pa akong paki nyan. Tsk.

"Wag ka ngang eskandaloso!" sigaw ko sa kanya at tiningnan nya naman ako.

"Tanga-tanga naman nung naglagay pako sa daan. Flat tuloy." naiiling naman sya.

Tinabi muna nya yung bike nya. Napatingin naman sya sa akin. Paawang tingin. Oh...what?

"Tinitingin-tingin mo? Alis na—"

"Ali...paangkas." sabi ni Lucas at nagpout pa. Yuck!

Hinampas ko naman ang bibig nya. Nadidiri ako sa pagpout.

"Tumigil ka nga dyan, ang bigat mo kaya saka madedeliver pa ako." sabi ko at magpipidal na sana kaya lang...argh! Hinarang nya yung paa nya sa pidal at hawak pa nya manibela. Parang human-break.

"Edi sasama ako, oh kaya ako ang magbibike. Please..dali na Ali..." he said. Napatingin lang ako sa mga mata nya napapa-english na ako.

"Argh!! Oo na, alis na dyan." nagningning naman ang mga mata nya at napapalakpak pa.

Umayos na sya na ako ng posisyon at ramdam kong umayos na rin sya ng upo sa likod ko.

Pinaandar ko na ang bike. Medyo mahirap kasi paahon yung kalsada. Ang bigat kaya dalawa kami!

Nung palusong na ang daan ay mabilis ang takbo ng bike. Narinig kong nagmura si Lucas. Muntik na atang mahulog.

"Hoy, kumapit ka kaya 'no? Kasalanan ko pa pag nagpatak ka dyan." sabi ko at buti nalang di kami na-out of balance. Kasi naman, itong si Lucas! Niyakap ako sa bewang bigla. Medyo nashock ako kasi malakas ang panramdam ko sa bewang saka may kiliti ako dun.

"Hu..y! Bitaw! Wag kang yumakap, kumapit ka nalang sa damit ko."

"Baka masira ang damit mo kaya yakap nalang, mas safe." sabi nito at ramdam ko pa rin ang kamay nya sa bewang ko.

Itinigil ko muna ang bike. "Bibitaw o Bababa?" sabi ko sa kanya at agad naman syang napabitaw.

"Sorry na po, Madam." sabi nya at kumapit na sa dulo ng t-shirt ko.

"Namiss ko lang." may mahina syang sinabi at hindi ko yun narinig.

"Ano yun? Yung sinabi mo? Baka minumura mo na ako ha." naku subukan nya lang itatapon ko sya sa ilog.

"Hindi ah, minamahal lang." What? Minamahal?!

"Tatabasin ko yang dila mo Lucas!" sagot ko at napatawa naman sya.

***

"Grabe naman, last na ba yun?" tanung nung kasama ko. Naglakad nalang sya kasi mas napapagod daw sya sa pag-angkas. Bahala sya choice nya yun.

Inaakay ko nalang din ang bike ko ngayon. Nakakangalay kasi saka ang sakit na rin ng paa ko.

"So, ngayon alam mo na ang ginagawa ko?" tanong ko at napatingin naman sya sa akin.

"Kelan mo pa 'to ginagawa? Pagtulong kay Tita?" pagbabalik nya sa akin ng tanong.

"Uhm, matagal na rin. Mga second year? Una okay lang sa akin parang libangan ko lang talaga. Eh sineryoso ni Mama. Ako nalang lagi ang pinagdeliver nya."

"Wow, bait na anak." di ko alam kung compliment ba yun o insulto.

"Tagal na rin pala ano?" napatingin ulit ako sa kanya sa binitawan nyang salita.

"Tagal na ano?"

Tumingin ito sa akin ng madali tapos sa daan na ulit tumingin habang inaayos ang kanyang buhok.

"Na ano. Ganito. Nakapag-bike ako. Nakasama ka." nabigla naman ako dun.

Oo nga pala, bff talaga ang turingan namin noon, ang naalala ko ay libangan talaga namin talaga ang pagba-bike.

Pero bakit di ko alam kung bakit naputol ang pagkakaibigan naming dalawa?

Ano yun, nagka-amnesia ako tapos yung part lang na yun ang nawala? May ganon ba?

Bumalik naman ako sa katinuan nung inagawa nyasa akin ang bike ko. Tapos sya ang sumakay.

"Hoy, walanghiya ka talaga! Aking bike yan tas ikaw ang gagamit?"

"Ako nalang ang mag-mamaneho. Nakakahiya naman ako ang nagpapahirap sa babae. Saka para bagay. Ayaw mo pa?" hinampas ko muna sya sa likod bago ako umangkas. Nagumpisa na syang magpidal. Yumakap naman ako sa kanya ng bumilis ang pag-andar namin.

"Ali."

"Hm?"

"Okay na ba tayo?" tanong nya. Okay na ba kami? Okay...nasiguro? Ang unfair kasi bakit di ko matandaan yun!

"Magkaibigan na ba tayo ulit?" tanong ulit nito sa akin.

"Argh, oo na lang!" sabi ko at ramdam kong ngumiti sya.

Kung ano man ang dahilan na yun, siguro naman mababaw lang kasi 'diba..bata pa lang naman kami nun.

Saka lahat naman deserve ng second chance...'diba?

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon