Chapter 18

91 8 0
                                    

"Ano gusto mong panoorin?"

"Kahit ano d'yan basta wag barilan."

"Ano papanoorin natin, drama? Wag ng manood."

"Wag na nga, bahala ka d'yan!" sigaw ko sa kanya saka tumayo na at lalabas na sa entertainment room nila. Wow, may pa-ganon. Ang yaman naman kasi nila Lucas. Kami nalang kasing dalawa ang gising ngayon. Natulog na sila Tita at Tito. Pinabayaan na lang nila kaming dalawa kasi malaki na naman daw kami at may tiwala raw sila sa amin. Like may gagawin naman kaming masama, saka yuck ha! Magkaibigan kami nitong si Lucas kaya hindi 'yun mangyayari.

"Wait, oo na. Light action lang tapos may drama, okay na?" bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina. Aba, hindi naman ako pabebe. Ang sarap na ng magkakaupo ko doon kanina eh, umalis pa ako.

Ipi-nlay na ni Lucas yung movie. Dumakot naman ako nung popcorn na hawak n'ya. Ngayon na lang ako naka-experience ng movie night. Matagal na yung huli, noong hindi pa busy si Kuya sa pag-aaral. Kapag napatulog na namin si Abi, tumatakas kami para manood ng movie sa salas.

Hula ko, parehas lang yang pelikula na yan sa mga movies na napanood ko. Una may masayang pangyayari then magkakaconflict, doon lalabas yung action tapos baril baril then masosolve na 'yung problem. Hays.

Nag-iintro palang, nakaramdam na agad ako ng antok. Pinipilit ko idilat 'yung mata ko pero parang kusang naghahanap ng magandang masasandalan iyong ulo ko. Matagal pa naman yang movie gigising nalang ako mamaya...

***

"Beng, Beng, Beng. *riffle and bomb sound*"

"Get ready for the real battle!"

Ano ba yun? Bakit may nagbabarilan? Tapos may nagpapasabog pa ng bomba? Binobomba na ba 'tong bahay namin?

Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Nakatulog nga pala ako tapos nanonood pa nga pala ako ng movie. Tapos...

"Nasa climax na yung pelikula. Sarap ng tulog, tsk." sabi ni Lucas sa tabi ko. Naglalakad ba akong tulog? Medyo malaki naman ang agwat naming dalawa kanina ah, bakit katabi ko na sya—nakatulog pa ako sa balikat n'ya?

Napa-ayos naman ako ng upo saka tumingin ulit sa kanya.

"Iniisip mo d'yan? Ikaw 'tong lumapit sa akin at sumandal sa balikat ko, ha. Baka may iniisip kang kung ano d'yan." inirapan ko naman s'ya. Defensive masyado wala naman akong sinasabi sa kanya.

Kinuha ko na ulit yung unan na gamit ko kanina saka lumapit sa kanya ulit. Yung malapit talaga saka isinandal ulit yung ulo ko sa balikat nya.

"A—anong ginagawa mo?" taka tanong n'ya. Napatawa naman ako sa reaksyon n'ya.

"Oh, ano masama? Minsan lang maging clingy 'tong bestfriend mo. Sulitin mo na." sabi ko. Ang bipolar ng friendship namin. O baka ako lang? Minsan kasi nagsisigawan kami. May times na nag-aasaran tsaka minsan wala nalang imikan.

Pero s'ya naman iyong madalas maging clingy! Panay ang akbay eh. Bawi lang 'to 'no.

Magtatapos na yung pelikula at umupo muna ako ng ayos. Kumuha na rin ng makakain. Baka naman ngalay na iyong balikat n'ya. Mag-inarte pa 'yan sa akin.

Nailigtas na nung bidang lalaki sa danger yung leading woman niya. And like a typical movies, ayon. Nag-kiss sila, err.

"Titig naman ang isa d'yan, naku." rinig kong sabi ni Lucas. Inirapan ko nalang s'ya saka kumuha na ulit ng pagkain.

"Titig your face. Palibhasa marami na s'yang natikman—este nahalikan, neh!" asar ko rin. Nag-iba naman yung mood n'ya.

"Watch your words." tipid nyang sabi. Nakatanggap ulit s'ya ng irap sa akin.

"Heh! Totoo naman." sinamaan n'ya naman ako ng tingin. Binelatan ko nalang s'ya.

Inayos muna n'ya yung tv bago bumalik sa tabi ko. Tiningnan n'ya ako kaya tiningnan ko ulit s'ya.

"Alam mo, hindi ko gusto iyong ending ng movie." sumeryoso naman iyong tingin n'ya sa akin.

"Hindi mo kasi napanood ng buo yung film, hindi mo alam yung pinagdaanan nung lalaki para lang mailigtas 'yung babaeng mahal n'ya." sabi ni Lucas. Napatawa naman ako, may ipinaglalaban eh.

"Oo nga, pero hindi mo ba pansin na lahat na yata ng movie ang nage-end sa kiss?" mukha naman napaisip sya. Saka sumagot. "Oh, ano naman. Ayaw yata nila ng yakap lang, kiss daw para intense." sagot n'ya at parang nagwi-wiggle pa yung kilay n'ya. Ew!

"Itigil mo nga yan!" sita ko sa kanya at napanguso naman s'ya. "Hindi mo ba naiisip na mas maganda kung yakap ang ending? A tight hug. Mas comfortable kaya 'yun. Masarap kaya sa pakiramdam na may kayakap ka, lalo na kung iyong kayakap mo ay iyong pinakamamahal mo. Eh yung kiss naman isang nguso lang, pwede ng gawin pero hindi iyon nagtatagal. Eh ang yakap, it will last. At ang dali nitong hingiin. Mas romantic pa kasi sa bisig kayo ng isa't isa magtatapos." napangiti naman ako habang sinasabi ko iyon. Napayakap ako sa sa mga binti ko. Parang...ang romantic talaga n'un!

Napatikim naman si Lucas sa tabi kaya tumigil ang day dream ko. Panira talaga 'tong Lucas na 'to.

"May pagka-hopeless romantic ka na pala ngayon, Ali." pang-aasar n'ya sa akin.

"Hopeless ka d'yan? Hopeful kamo. Ang dami kayang gustong manligaw sa akin." sabi ko. Half true, half false? Haha! Meron naman talaga kaya lang very wrong. Yung mga classmate ko n'ung elementary na nagme-message request sa akin tapos sasabihin, 'Ali ang ganda mo na ngayon, miss na kita. Pwede bang manligaw?' napapangiwi nalang ako sa t'wing may nababasa akong ganon. Bakit hindi ba ako maganda n'ung elem? Saka hindi naman sila nag-aayos ng pag-aaral dahil repeater din sila n'ung highschool at hindi na rin sila nakapag-college. Ang judgemental ko sa part na 'to.

Halata naman hindi makapaniwala si Lucas sa sinabi. Nilapitan ko pa s'ya. "Baka nga ikaw eh, may balak ding ligawan ako? Tsk tsk tsk." nanlaki naman iyong mata n'ya sa sunod kong ginawa. Para kasing ikilulong ko s'ya sa dalawa kong kamay, hindi naman s'ya maka-isod kaya napaliyad nalang s'ya. Gusto ko lang s'yang pag-tripan, priceless kasi ang mukha n'ya pag napagti-tripan.

Nagpipigil ako ng tawa sa reaksyon n'ya pero medyo kinabahan ako ng sumeryoso 'yung mukha n'ya. Sabi na eh! Dapat hindi ko nalang s'ya inasar.

Kung kanina ay nakaliyad s'ya, inayos na n'ya iyong upo na kaya lalo kaming nagkalapit. Inalis ko na rin yung kamay ko sa gilid n'ya. Isang dangkal ng kamay ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Gusto ko mang umiwas at lumayo sa kanya pero parang naistatwa na rin ako. Ang lakas na rin ng tibok ng puso ko, dahil sa kaba.

"Again, watch your words." seryoso namang n'yang sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya sobra naman iyong titig n'ya sa akin. Umuna na s'yang tumayo saka kinuha iyong mga pinagkainan namin. Ako naman, iyon nakaupo pa rin.

"Baka gusto mong totohanin ko iyong mga sinabi mo. Madali naman akong kausap." huli n'yang sinabi bago n'ya ako iwan sa loob ng kwartong iyon.

Hindi na ulit ako magsisimula ng ganong biro, promise!

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon