Chapter 24

74 7 1
                                    

Matumal ang mga nag-oorder kay Mama ng Leche Flan ngayon. Wala pa kasing masyadong okasyon. Siguro next month marami na siyang pa-order kasi December na! Yes pasko na!

"Dadalaw tayo sa mga Lola nyo sa Sabado. Nagtatampo na kasi yun di na raw tayo pumupunta." sabi ni Mama habang nag-aayos ng mga pinamili namin kanina.

"Uuwi ba si Papa para makasama sa atin, Ma?" tanong ko. Umiling naman si Mama.

"Hindi. Iipunin daw nya yung mga leave niya para mahaba ang panahon na makasama natin siya sa Pasko." ngumiti ako. Mabuti na yun, basta makasama namin si Papa sa Pasko.

"Ma, hindi ako sasama." sabi ni Kuya habnag pababa ng hagdan. "May exam kami at recit sa Saturday saka kailangan ko rin mag-aral sa Linggo kasi may exam ulit kami eh. Diba malapit na rin ang finals nyo, Ali?" bumaling naman sila ng tingin sa akin.

"Ah, oo pero okay na yun nakakapag-aral naman ako sa vacant eh. Matalino naman ako kaya keri na yun." sabi ko. Binato naman ako ni Kuya ng papel at sumama ang tingin sa akin ni Mama.

"Yabang mo, Alandria ah."

"Mana sayo, Alejandro. Hmp!"

Nagpaalam na ako na pupunta ako kila Lucas ngayon. Syempre pinayagan naman ako ni Mama. May pabigay pa nga siya Leche Flan eh. Ano pa bang bago?

Naglalakad ako habang inaakay yung bike ko. Ipapaayos ko na, nakakadala kasi yung nangyari kahapon.

"Kalbo na yung gulong mo, Ali. Butas na rin yung interior oh." sabi ni Tito Oscar. Kamag-anak namin na nag-aayos ng mga bike.

"Ah, ganon po ba Tito? Papapalitan ko na po yung gulong tapos pa ayos na rin po ng kadena."

"Sige, Ali. Mukhang may pupuntahan ka ata ah? Di bale madali lang naman 'to." ngumiti ako sa kanya.

"Sige lang po. Willing to wait!"

Mamaya-maya ay tapos na rin yung pinapagawa ko.

"Okay ba, hija?" tumango naman ako. Ang galing talaga nitong gumawa ni Tito Oscar!

Inabot ko na ang bayad at saka umalis na. Ayoko kasing maabutan ng init habang nagba-bike nakakasunog masyado sa balat.

Malayo-layo na rin pala ang naba-bike ko, natatanaw ko na ang subdivision nila Lucas. Konting pidal nalang.

Nang nasa may harap na ako ng gate nila, nag-doorbell na ako. Parang walang tao ah!

Naka-sampong doorbell na ako, saka lumabas si Lucas. Gulo-gulo pa ang buhok at halatang bagong gising. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata. Di nya ata ako makita.

"Lucas." sabi ko at kumaway sa kanya. Tiningnan niya naman ako. Parang batang bagong gising!

"Aga mo naman, pasok ka." sabi niya at giniya ako papasok. Pumasok naman ako.

"Hindi ka naman excited na makita ako 'no?" sabi niya pagkatapos niyang maghilamos. May nakaalampay pa ngang towel sa balikat niya.

"Baliw, hindi naman ikaw ang pinunta ko dito. Nasaan na ba sila Tita?" tanong ko. Umupo naman siya sa sofa at kinuha ang remote ng tv.

"Wala pa, namamalengke pa."

"Wow, love na love talaga ako ni Tita pinaghandaan pa ang pagpunta ko dito!" masayang sabi ko. Ngumiwi naman si Lucas at binato ako ng unan.

"Assuming, pupunta kasi ngayon yung mga kamag-anak namin at nagkayayaan na mag-get together daw. Si Mama na yung umako ng place at ng pagkain. Minsan lang naman daw kasi magsama-sama."

"Ha?! Bakit di mo sinabi agad? Para di na ako pumunta dito nakakahiya!"

"Biglaan din naman kasi. Hayaan mo na, magiging part ka na rin naman ng family." Ha? Ano raw?

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon