Richard point of view;
Hindi ako makasagot sa sinabi niya, nanatili lang kaming magkatingin sa isat isa at nilalabanan ko naman ang mga titig niya.
CAMELLA: Kung hindi ka masagot ito nalang, minahal mo ba ako?.
At sa wakas nag iwas din siya ng tingin, at ako naman yumuko dahil hindi ko alam kong anong isasagot ko..
ME: Anong klaseng tanong 'yan Camella?.
CAMELLA: Hindi ka makasagot kasi hindi mo ko minahal at hindi mo ako kayang mahalin.
Bigla nalang nag taas ang tono niya kaya nagulat ako, nag taas ako ng tingin at nagtama ang aming mga tingin. Bakas ang galit at lungkot na nababasa ko sakanya.
ME: Camella..Ano bang nangyayari sa'yo? hindi ka naman ganyan ah.
CAMELLA: 'yun na nga e, ano bang meron sa Anna na 'yan na wala ako? gaano ba kalaki ang pagmamahal mo kay Anna na hindi mo man lang maibigay sa akin!?.
ME: Bakit pilit mong kinukumpara ang sarili mo sakanya!?.
CAMELLA: Kasi ang tanga tanga mo, ewan ko sa'yo habol ka ng habol na nandito naman ako, hinihintay mo ang pagmamahal ni Anna e naghihintay din naman ako sa pagmamahal mo.
ME: Pero Camella, worth it naman ang ginawa ko diba? tignan mo ako ngayun girlfriend ko na ang hinabol ko noon.
CAMELLA: Ha! napaka selfish mo! hindi mo man lang ba ako inisip? ni minsan wala akong ibang inisip Rich kung hindi ikaw, pero ganun ganun nalang ba 'yun? napaka selfish mo! isipin mo naman minsan ang taong nasasaktan mo!.
ME: Lasing kana Camella, dapat hindi mo yan sinasabi pa. Diba okay naman tayong maging kaibigan lang?.
CAMELLA: 'yun ang inaakala mo, at sa tingin mo ba kung lasing ako sasabihin ko sa'yo to? itong mga hinanakit ko!? ah?!
ME: Camella just move on okay? walang papatunguhan yang mga sakit na nasa puso mo at pwede ba!? bitawan mo na ako! let go 'wag mo na akong mahalin move on.
CAMELLA: Sana ganun lang 'yun kadali Rich, paano ako makaka move on kung nasaan ako nandoon ka rin!? at alam mo ba kung bakit kita hindi kayang mabitawan? dahil natatakot ako na balang araw na mahal mo na ako tapos hindi na kita mahal. Mas gusto ko pang 'wag kang bitawan at masaktan nalang kesa aa huli pagsisihan ko naman.
Natigilan ko sa sinabi niya, tumagos lahat sa puso ko ang bawat linyang binitawan niya.
CAMELLA: Uuwi na ako( Sabay tayo ).
ME: Ihahatid na kita?.
CAMELLA: Gaya niyan!? yang ginagawa mo, alam kong para sa inyo maliit lang bagay ang paghahatid sa aming mga babae pero para sa amin malaking puntos iyan para mas lalo namin kayong magugustuhan.
CAMELLA: 'wag mo na akong ihatid, kaya ko na ang sarili ko. At please, kalimutan na natin ang isat-isa at kalimutan mo na rin na nag-usap tayo ngayon.
Pinanood ko lang siyang lumabas sa bar at hindi ko alam kung susundan ko ba siya o hindi?
Hindi ko magawang habulin siya at pigilan, dahil walang lumalabas sa bibig ko kapag kaharap ko siya at hindi ko alam kong anong nararamdam ko ngayun.
Bigla nalang may lumapit na isang waiter sa akin..
WAITER: Sir kayo po ba si Richard?.
ME: Oo, bakit may kailangan ka?.
WAITER: Hindi po ako ang may kailangan sa inyo sir, yung kaibigan niyo pong babae na kasama niyo kanina.
Sino!?. Si Camella!?
ME: Nasaan siya!?.
WAITER: Nandoon siya sa labas sir, bigla kasi siyang natumba tapos binabangit niya po ang pangalang ' RICHARD '.
Dali dali akong lumabas at nakita ko doon si Camella na nakahiga kaya lumapit ako sakanya
ME: Camella okay ka lang ba!?.
CAMELLA: Richard..Ikaw ba yan?.
Sambit niya habang nakapikit, hinimas naman niya ang pisngi ko..
ME: Si Richard ito Camella.
Sabi ko, ngumiti naman siya ng dahan dahan at bumuhos ang mga luha sa mga mata niya.
CAMELLA: Mahal na mahal kita.
Iyon ang huling sinabi niya bago mawalan ng malay...
To be Continue..
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Roman pour Adolescents#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...