CHAPTER 32

1.7K 40 1
                                        






Camella point of view;









" Anong ginagawa niyo dito?" Dinapuan ko ng tig-isang tingin sina Andres at Kenly.




Tumayo si Kenly at ngumiti sa akin kaya ngumiti nalang ako sakanya ng pilit. " Binisita lang kita, na-miss ka kasi nito.." Sabay turo sa puso niya.



O_O




" Ako naman, nag-alala sa'yo hindi ka kasi nagreply kaya pinuntahan nalang kita.." Sabi naman ni Andres at tumayo." Kamusta ang dibdib mo, masakit ba?" Dagdag na tanong ni Andres.



Bigla nalang lumapit si Kenly sa akin. " Anong nangyari diyan sa dibdib mo!?" Sigaw na tanong niya.



" Huminahon ka nga. Okay na ako, dinala kasi ako ni Richard sa hospital at binigyan ako ng doctor ng cream para dito.." Paliwanag ko, tumango naman sila.



" Umupo muna kayo. Pupuntahan ko muna si Lola.." Sabi ko at iniwan sila at tumungo sa kusina kong nasaan si Lola.




" Oh, nandito na pala ang apo kong ang haba ng buhok.." Biro ni Lola.



" Mas mahaba pa kay Rapunzel.." Singit naman nitong kapatid ko na kumakain ng cookies.



" Pano niyo naman nasabi?" Tanong ko sakanilang dalawa sabay kuha ng tubig sa fridge.



" Nag-aantay po kasi ang manliligaw mo sa sala.." Sabi ni Chrisy at sumilip pasa sala." At may isa pang dumating ang mahal ni Ate." Dagdag pa niya.



" Nandiyan ba kamo si Richard?" Tanong ni Lola habang nagtitimpla ng juice.



" Kaya nga po mahal ni Ate, Lola diba?" Sabi ni Chrisy kaya natawa ako ng kaunti.



" Hay, ang mga apo ko talaga binata na. Sige na dalhin na natin ang mga merienda baka gutom na ang tatlong hari.." Sabi naman ni Lola, dinala na namin ang mga pagkain sa sala.



" Mag merienda muna kayo mga iho.." Sabi naman ni Lola.



" Salamat po Lola.." Sabay nilang sabing tatlo at kumain na.



" CAMELLA!!PAKIHAT-DAN AKO DITO NG MERIENDA!!" Rinig kong sigaw galing sa isang kwarto.



" Sino 'yon Lola?" Tanong ko.



" Hay naku ang Kuya Andreo mo.." Sabi ni Lola.



" Bakit po ba siya nandito?" Tanong ko kay Lola.



" Dito kuna siya pinatira dahil mag-isa lang siya sa condo niya, at may bahay naman tayo bakit pa siya magcocondo." Sabi ni Lola.



" Ah sige, hahatdan ko muna siya ng merienda baka mamatay pa iyon sa gutom." Sabi ko at kumuha ng merienda at dumiritso sa kwarto.



" Ito na po boss.." Sabi ko at nilapag ang pagkain, napatigil siya sa pag-lalaro ng PS4 at tumingin sa akin.



" Hi Baby, long time no see.." Malambing niyang sabi.



" Che! baby ka diyan, may kasalanan kapa sa akin!!" Sabi ko.



" Ano naman 'yon baby?" Tanong niya.



" Nung last time na pumunta ka dito sa bahay inaway mo pa ako tungkol sa birthday ko.." Sabi ko.



" Asus! totoo naman 'yon e, dapat kang mag celebrate ng birthday mo dahil--" Pinutol ko ang sasabihin niya.



" Oo na!!" Sigaw ko at lumabas na ng kwarto niya.



Habang papalapit pa ako sa sala naririnig ko silang nagtatawanan hanggang sa...



" Nanliligaw ba kayong tatlo sa apo ko mga iho?"



O__O>





To be continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon