Camella point of view;
Bakit kung kailan ko siya lalayuan siya naman itong lumalapit?
Bakit kung kailangan kong pilitin na mag move on, gusto ko pang mag move forward?
Bakit sa lahat ng mga ginagawa niya, mas lalo pa akong umaasa kahit wala naman kasigurohan na may pag-asa..
* Beep..*
Bigla akong natauhan ng may bumusina, agad naman akong sumilip sa bintana ng kwarto ko at nakita ko ang kotse ni Andres kaya agad naman akong bumaba.
" Lola, aalis na po ako.." Paalam ko kay Lola at humalik sa pisngi niya.
" Mag-ingat ka apo, 'wag mong kalimutang tumawag sa akin at batiin mo rin si Chacha ng happy birthday para sa akin.." Sabi ni Lola, tumango naman ako.
" Chrisy alis na ako.." Bumaling naman ako kay Chrisy na nakabusangot ang mukha dahil hindi siya pinayagan ni Lola na sumama sa akin.
" Huwag kana sanang bumalik!" Sigaw niya at padamog na umakyat, umiling nalang ako habang pinag-mamasdan ang kapatid ko.
Magkasama kaming lumabas ni Kuya Andreo at nakita ko narin ang kotse niya doon na nakaparada kasunod nung kay Andres.
" Saan ka sasabay Camella?" Tanong ni Kuya Andreo at sakto namang bumaba si Andres at lumapit sa amin.
" Uhmm..May dadaanan kaba Kuya?" Tanong ko kay Kuya Andres.
" Yes yung mga kaibigan ko sa kabilang subdivision at sasakay narin sila sa kotse ko.." Sagot ni Kuya.
" Ah, okay lang ba sa'yo Andres na sasabay na ako sa'yo? hindi kasi ako pwedeng ma late dahil magtatampo sa akin si Chacha." Sabi ko at bumaling kay Andres.
" Sure.." Simpleng sabi lang niya, nagpaalam na ako kay Kuya Andreo at sumakay nasa front seat ng sasakyan ni Andres.
" Bakit hindi sumama yung dalawang babae?" Tanong ko habang tinutukoy si Andrea at Apple.
" Hindi ko sila pinayagan baka mapano pa sila doon.." Sabi niya habang nagmamaneho at tahimik na naman kami.
May gusto sana akong itanong kay Andres tungkol nung nangyari sa bahay kong totoo ba yung sinabi niya o hindi pero nahihiya ako, pero gusto kong malaman.
" Uhmm..Andres, tungkol nung sinabi mo na liligawan mo ako totoo ba yun? seryoso kaba doon? naring ko kasi." Nanga-ngamba kong tanong, huminto ang sasakyan dahil naka red light pa at tumingin siya sa akin.
Ngumiti siya." Hindi ko sana gustong totohanin iyon but Camella I like you at parang sasabog na ang puso ko.." He said.
" Alam kong na surprise ka dahil akala mo kaibigan lang ang tingin ko sa'yo pero Camella higit pa sa kaibigan ang turing ko sa'yo.." Sabi pa niya at nag drive na hudyat ay green light na.
" H-hindi nga ako makapaniwala e, pero Andres hindi naman sa hindi ko gustong hindi mo ako ligawan pero..P-paano kong masaktan ka?" I asked.
" Don't think about that. Alam ko naman nasa huli masasaktan talaga ako, but I will accept it basta hayaan mo lang akong ipakita sa'yo kung anong magagawa ko." Sabi pa niya at nag park na, nangamba naman ako sa sinabi niya.
Una siyang bumaba at pinag-buksan ako ng pinto kaya bumaba na ako." Salamat.." Sabi ko. Pumasok agad kami sa loob ng bar at ang ingay na dito at ang dami pang tao.
" Pupuntahan ko muna si Chacha, Andres salamat.." Sabi ko.
" Ihahatid na kita ang daming tao baka madapa kapa. " Sabi niya.
" Huwag na mag enjoy ka nalang diyan, kita nalang tayo mamaya.." Sabi ko.
" Sige ingat ka.." Sabi niya, naglakad na ako sa isang kwarto dito sa bar kung nasan nandoon nasi Chacha at Janine.
Pagpasok ko palang sa kwarto nakita ko agad si Chacha sa may salamin na nag-aayos at naka sout na ngayun ng sport bra(Calvin Klein) sa upper at naka short lang tapos sandal at nakakulot ang buhok.
" Happy Birthday!!" Sigaw ko at humalik sa pisngi ni Chacha.
" Thank you.." Sabi niya, umupo naman ako sa single sofa.
" Nasaan nga pala si Janine? hindi pa nakarating?" Tanong ko ng napansing wala si Janine.
" Nandoon sa CR nag-bibihis pa.." Sabi niya, hinead to foot niya ako kaya tumaas ang kilay ko.
" Yan na ang sout mo?" Tanong niya.
" Oo, ano ba ang dapat kong isout? hindi ko naman alam na required pala ngayun mag-sout ng mga dress.." Sabi ko.
" Ano ba yang sout mo Camella ang cheap, jeans tapos off shoulder lang?" Sabi niya." Mabuti pa mag bihis ka, may damit akong hinanda diyan para sa'yo." Dagdag pa niya.
" Huwag na Chacha, okay na ako sa sout ko." Sabi ko.
" Sige na please? kahit ngayun lang birthday ko?" Sabay puppy eyes.
Bumuntong hininga ako." Sige na nga, nasaan na ba ang damit?" Sabi ko, ngumiti naman siya at itinuro sa akin ang paper bag at sakto namang lumabas na si Janine galing na CR na nakabusangot ang mukha.
" Hoy Janine! birthday ko ngayun hindi byernes santo!" Sigaw ni Chacha.
" Ikaw kasi! okay na yung damit ko kanina pinalitan mo pa ng ganito!" Sigaw din ni Janine, tinignan ko ang sout niya naka sleeveless na siya ngayun at skirt.
" Eh ang cheap kaya ng sout mo kanina ang badoy!" Sigaw ni Chacha.
" Eh anong paki mo?" Mataray na sabi ni Janine, hindi ko nalang sila pinansin pumasok nalang ako sa CR at nagbihis.
Pagkatapos kong mag-bihis tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakasout na ako ngayun ng tube at short.
" Camella! bilisan mo na diyan lalabas na tayo.." Sigaw sa akin ni Chacha, tinali ko muna ang buhok ko at lumabas na ng CR.
" Ang buhay talaga!" Sigaw ni Janine, nagsilabasan na kaming tatlo at tumungo nasa table namin at ang daming bumabati kay Chacha habang naglalakad kami.
Umupo agad kami sa table namin na may mga pagkain na at inomin.
" Happy Birthday Chacha!" Sabay sabi ni Kuya Andreo at ang mga kaibigan niya sabay bigay ng regalo.
" Thank you, mag enjoy lang kayo.." Sabi ni Chacha, umalis nasi Kuya Andreo at ang mga kaibigan niya dahil may table din sila.
" Happy Birthday Chacha!" Sabay sulpot din ni Anna at binigay din ang regalo.
" Salamat.." Sabi ni Chacha, umupo naman si Anna sa tabi ko.
" Dito na ako uupo ah?" Sabi ni Anna tumango naman kami.
Nag si datingan narin sila Ivan, Rico, Andres at Kenly at naki-upo narin sa table namin.
Tumingin ako sa kabilang table at nakita ko si Richard doon na lasing na at sinasayawan na ang mga babae, napapikit naman ako dahil sa inis at sa inggit.
" Excuse me, alis na muna ako.." Sabi ni Anna at lumayo nasa table namin at pumunta siya sa table nila Richard at sumasayaw narin.
Iniwas ko ang tingin ko at uminom ng dalawang basong fundador..
" CR muna ako.." Sabi ko at pumunta nasa CR.
To be Continue...
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Teen Fiction#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...