CHAPTER 14

2.5K 51 2
                                    







Camella point of view;





Nung gabing nag celebrate kaming dalawa ni Richard sa bahay nila o kwarto niya, wala kaming ibang ginawa kung hindi mag kwentuhan tungkol sa kabataan namin at nagtatawanan din kami.




At pagkatapos nun, hindi na kami nagkita pa uli baka siguro busy na kami sa isat-isa dahil balik klase na naman.




~ ENNNNKKK ~

4:30am



Iminulat ko ka agad ang mga mata ko ng tumunog ang alarm clock ko at tumayo na at nag stretching at agad tumungo sa banyo.



~ LA..LA..LA..LA..~



Kanta ko habang naliligo, after a couple of minutes nagbihis agad ako at nag-ayos sa sarili ko. Bago paman ako makatungo sa kusina dumaan muna ako sa kwarto ni Chrisy at kinatok ito.



ME: Chrisy gumising kana diyan, baka ma late ka.


CHRISY: Tch!inaantok pa ako eh.



Reklamo niya, huminga ako ng malalim at pumasok sa kwarto niya at nakita ko siya na natutulog pa nga.



ME: Gusto mo bang buhatin pa kita papuntang banyo?



ME: Chrisy, gumising kana.( Sabay yugyug)



CHRISY: I'm still sleepy Noona, okay?



ME: Ayaw mo talagang gumising ha?


Nagtungo ako sa banyo niya at kinuha ang tabo na may laman na tubig at winiwisik ko ang tubig sakanya para magising si Chrisy.



CHRISY: Ano ba yan Noona!pati laway mo umabot pa dito.( Sabay upo sa kama.)



ME: Sinong may sabi na laway ko yan!?



CHRISY: Malamang ako, tayo lang namang dalawa dito eh.



ME: Tch! maligo ka na nga.



CHRISY: Ibang klase talaga ni Noona, kahit masungit panget pa rin haha. ( Sabay tawa ng malakas.)



ME: Panget mo mukha mo!.



Padamog akong lumabas sa kwarto niya at tumungo sa kusina, at ito namang mukong kong kapatid tawa pa rin ng tawa mukang nasasapian na.



LOLA: Good morning Apo, ang aga aga nakakunot niyang noo mo.



ME: Kung alam mo lang Lola kong ano ang ginawa ng kapatid kong bakulaw sa akin.



LOLA: Pag pasensyahan muna isip bata eh.



ME:Wala naman akong magawa Lola diba? kung hindi intindihin ang kapatid ko kasi ako ang Ate.



LOLA: Tama. Segi na kumain kana ako ng bahala sa kapatid mo.



Umalis na si Lola at pinuntahan si Chrisy, ako naman kumakain na.



CHRISY: Hoy panget kong Noona! baka inubos muna ang pagkain ah?.( Sabay upo sa harap na upuan.)



ME: Ha ha ha, alam mo Bakulaw na Bansot kong wala kang magawa sa buhay mo 'wag mo akong idamay.


CHRISY: Ikaw talaga Noona ang sungit mo kaya nga mahal na mahal kita eh.



ME: Tch! napaka Cheesy. Lola, mauna na ako ah? bye.



CHRISY: Noona 'wag mo akong iwan, hintayin mo ako.




ME: Bahala ka diyan sa buhay mo!!.



Agad akong lumabas ng bahay at nagpahatid sa driver namin. Maaga pa naman mga 6:30 pa kaya dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng kape at nag take out, baka antukin ako mamaya ang aga ko kasing gumising.



SPELL EXCITED..



Pagpasok ko palang sa school, may naririnig na agad akong mga chismis alam mo yung atat na atat kang mang chismis kahit maaga pa?. Mga tao nga naman ngayun walang ibang magawa buhay kong hindi mangolekta ng mga sabi sabi.



Pumunta na ako sa building ko, nga pala STEM ang course ko dahil nursing ang kukunin ko and while si Richard STEM din siya galing lang STEM 12 siya.



GIRL 1: Diba mag jowa na si Anna at si Richard?



Hindi sana ako makikinig sa tatlong babae na nag-uusap galing lang si Anna at Richard ang pinag-uusapan.



GIRL 2: Oo nga ang sweet nga nila nung wala pang pasukan nag dadate sila kung saan saan.



GIRL 3: Pero haller gurl! hindi niyo ba na notice na wala si Anna sa birthday ni Richard?.



GIRL 1: Yeah baka busy lang, alam mo naman si Anna tumutulong din siya sa family business nila.



GIRL 3: Well, yan ang akala niyo pero break na daw sila.



O__O>

BREAK NA DAW SILA!

BREAK NA DAW SILA!

BREAK NA DAW SILA!



What?



GIRL 2: What? sinong nagsabi sayo? baka fake news lang yan ah?.



GIRL 3: Anong fake news? ako mismo ang nakatuklas. Ganito kasi yan, magkasabay kasing nag enroll si Richard at Anna at pagkatapos pumunta sila sa garden at ako naman dumaan doon at ayun naka-isyoso na ako tapos ayun break na sila.



GIRL 2: ANO NGANG DAHILAN!?


GIRL 3: Akin nalang muna 'yon, at tsaka ang haba haba nung eexplain ko no? next time nalang.



GIRL 1: Kaya pala malungkot si Richard kanina at himala ang aga niyang pumunta dito sa school.


GIRL 2: Hay sana mag-kaayos na sila no? sayang pa naman.


GIRL 3: Tara na nga lang.



Umalis na ang tatlong babae na nag-uusap, ako naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Huminga ako ng malalim at inisip uli ang mga pinagsasabi ng mga babae.



Totoo ba talaga 'yon? pero bakit!?



Akala ko mahal nila ang isat-isa? bakit sila naghiwalay?


Akala ko sila na sa huli pero hindi pala..


Wala talagang kasiguraduhan ang pag-ibig..





To be continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon