CHAPTER 31

2K 38 6
                                    





Camella point of view;





" Ako ng ang magpupunas.." Sabay uli nilang sabi at sabay dinampot ang tissue, suminghap ako at napairap nalang sa kawalan.




" Ako na nga lang ang magpupunas.." Sabi naman ni Anna kaya napatingin ako sakanya na dumampot rin ng tissue at aakmang pupunasan niya ang dibdib ko pero pinigilan ko siya.




" May kamay naman ako, kaya ako na." Sabi ko at kinuha ang tissue na nasa kamay niya at pinunasan ang dibdib ko na namumula at basa ng dahil sa mainit na kape na natapon.




" Sorry talaga Camella.." Sabi ni Anna, ngumiti lang ako at tumayo.




" Hmm.." Sabi ko at lalagpasan na sana siya para makalabas na pero hinigit niya ang braso ko. " Ano pa ba ang kailangan mo?" Iritado kong tanong sakanya.




" Hindi pa nga tayo nag-uusap aalis kana ka agad, parang ang bastos naman nun." Sabi niya.



Suminghap ako. " Oh, mag-uusap pa pala tayo? hindi ako na-inform. Importante ba 'yan? if hindi can I go?" Sabi ko.




" Uhmm..Medyo hindi naman importante, pero importante parin.." Sabi niya at hinigpitan ang hawak sa braso ko kaya binawi ko ka agad ito.



" Okay. But I'm sorry, pero ngayun palang hindi na ako interisado sa pag-uusapan natin!" Bulyaw ko at naglakad papalabas ng coffee shop.



" Camella!" Rinig kong tawag ni Andres at Richard sa akin pero hindi ako lumingon.




" Here comes the prince charming.." Rinig ko ring sabi ni Anna pero diri-diritso lang akong lumabas sa coffee shop.



" Camella wait!" Sigaw niya, pero hindi ako lumingon, huminto ako sa paglalakad para makahanap ng taxi.




" Camella.." Sambit niya sa pangalan ko, nag-tiim ang bagang ko ng dahil sa inis at hinarap siya.



" Ano bang kailangan mo An--R-richard?" Tanong ko, akala ko si Andres si Richard pala.



" Are you okay?" Tanong niya at tumingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin sakanya.



" Yes."




" Are you sure you okay?" Tanong naman niya uli kaya tumingin ako sakanya, pero nakatingin siya sa dibdib ko.



O__O>



" A-anong tingin tingin mo?" Tanong ko at tinakpan ang dibdib ko gamit ang kamay ko. I'm wearing a sleeveless kaya kitang kita ang dibdib ko na natapunan kanina.



" I'm just wanna to check out if its okay, namumula kasi.." Sabi niya.



" When I said that I'm okay I'm okay, did you understand!?" Sigaw ko.




" Then okay, pero pwede ba kitang ihatid pauwi?" He said.



" Kaya ko ng ang sarili ko.." Sabi ko at pumara ng taxi at tumigil ito sa harap ko.



" Bakit ka mag-tataxi?" Tanong na naman niya.



" Because obviously, hindi ko dala ang sasakyan ko!" Sigaw ko at binuksan ang pintuan ng taxi.



" Pwede ka namang sumakay sa kotse ko if you want.." Sabi niya sabay kindat, umirap naman ako dahil alam kong namumula na ang mga pisngi ko ngayun.



Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon