CHAPTER 43

1.8K 39 6
                                    




Camella point of view;






Umuwi na agad ako sa bahay pagkatapos kung makipag-kita sa mga kaibigan ko. Kulang pa kasi yata ako sa tulog, napabuntong hininga naman ako ng maalala ko ang mga pinagagawa ko.



' Why did I do that? alam ko namang mali 'yon pero bakit ko pa ginawa?' Parang nagtatanong ang utak ko.



' Because I was hurt..' Simpleng sabi ng puso ko.



" I was hurt that's the reason?" Napatanong ako sa sarili ko, gulong-gulo na ako.



" Ma'am nandito na tayo.." Napatingin ako sa driver namin at sa labas, nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin.




Bumaba na ako at pumasok sa loob, naabutan ko naman si Lola, Chrisy at Kuya Andreo na nanonood ng palabas.



" You're here..Halika, umupo ka dito apo" Yaya sa akin ni Lola, ngumiti nalang ako at lumapit sakanila.




" Kamusta ang lakad mo?" Tanong sa akin ni Chrisy napabaling naman ako sakanya.



" Good." Simply kong sabi, " La, magpapahinga muna ako sa kwarto, medyo masama ang pakiramdam ko." Dagdag ko.



" Oh? may lagnat kaba?" Tanong ni Lola at hinawakan ang noo at leeg ko, " Wala naman ah." Dagdag ni Lola patapos niyang e check kong may lagnat ba ako.



" Ah, wala naman po akong lagnat pero masakit po ang mga katawan ko at inaantok pa." Sabi ko.



" Ah sige, mas mabuti ngang magpahinga ka nalang muna." Sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.



Agad naman akong umakyat sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko..



.

.

.





Nagising nalang ako ng sumakit ang tiyan ko kaya hinawakan ko kaagad ito, damn! hindi pa ako kumakain. Napatingin ako sa oras at its 2am? ang tagal ko naman yatang natulog, napatingin ako sa sout ko at hindi pa ako nakabihis.



" Nakakapagod.." Bulong ko sa sarili ko at tumayo, napag-isip isipan kong maligo muna bago kumain sa baba.



Naghanap agad ako sa ng makakain at may nakita akong sticky note sa ref, " May ulam diyan sa ref, initin mo nalang." Binuksan ko ang ref at may nakita akong mga ulam, kumulo naman ang tiyan ko.



Dali dali akong nag init ng mga pagkain at pagkatapos kumain narin..



" You okay?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba, napatingin agad ako at nakita ko si Kuya Andreo na may hawak-hawak na towel.



" Oo." Simply kong sabi at sumubo uli ng kanin na may ulam sa taas, nagsalin naman siya ng tubig at umupo sa harapan ko.



" You really okay?" Giit uli ni Kuya Andreo sa akin, tumango nalang ako, " I know your not okay, malalim ang iniisip mo." Dagdag niya.



" Bakit mo pa tinatanong kong alam mo naman pala?" Galit kong sabi.



" Chill. I just wanted to make sure okay? 'wag ka ngang magalit agad." Sabi niya, napasinghap ako at inilagay na ang pinagkainan ko sa lababo.



" Sorry nga pala," Sabi ko, hindi pa kasi ako nakahingi sakanya ng sorry simula nong may nangyari noong birthday ko.



" Its okay, I understand kong bakit ka nagkaganun.." Sabi ni Kuya Andreo, humarap naman ako sakanya at nginitian siya.



" Dalaga na talaga ang baby ko.." Sabi pa niya habang tumatawa, " Don't worry maayos din ang lahat okay?" Dagdag niya.



Hindi ko alam pero lumapit nalang ako sakanya at niyakap siya. Swerte ko sa Kuya ko.






To be Continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon