EPILOGUE

2.5K 47 9
                                    






Camella Point of View;





Kumuha ako ng tissue sa bag ko ng makaramdam ako ng isang likido na lumandas sa pisngi ko.




" Okay ka lang ba? tara, labas muna tayo." Yaya sa akin ni Chacha pero umiling lang ako.



" Don't worry, magiging okay din ako." Mapait akong ngumiti at tumingin uli sa altra. Kahit ayaw kung tumingin pinipilit ko parin.



" You may now kiss your wife.." Anonsyo nung pari. Napapikit naman ako nung naglapat na ang kanilang mga labi..



Ang sakit makita na ang mahal mo ay ikinasal na, at ang mas masakit yung bridesmaid kapa nila.



" Bakit ba kasi pumayag kapang maging bridesmaid nila?" Tanong naman ni Janine.



" Janine, alam mo naman na m-mahal ko ang Kuya mo diba? at isa pa, nakakahiya naman kung tatanggi ako." Pangatwiran ko.


" Makaka-move ka pa ba?" Tanong naman ni Chacha. Dahan dahan naman akong tumango at ngumiti.



Mahirap man mag move on pero kailangan. Kailangan mo siyang bitawan para sa kaligayahan niya. But letting go of him doesn't mean that you don't love him, you just need to do it for your happiness and his happiness..



Hindi naman lahat ng pagmamahal kailangan mong ipaglaban, kailangan mo ring magparaya at masaktan. Sabi nga nila; Love is like your assignment una, kakayanin mo pang mag-isa pero sa huli, pag hindi muna kaya pinapaubaya muna sa iba.



Seeing him with someone else is so painful. But you need to be happy for him because he's happy with that someone else.



Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa reception kumakain. Nang dahil sa dami kung iniisip nawalan na ako ng gana at tumunga-nga nalang.



Bigla nalang tumugtug ang isang musika na napaka romantic.



NOW PLAYING: A Thousand




" Lalabas muna ako magpapahangin.." Sabi ko sa kapatid ko na si Chrisy.



" Ha? hindi mo pa nga nagalaw ang pagkain mo.." Sabi niya.



" A-ano..Busog ako. Sige labas muna ako, babalik din naman ako kaagad." Sabi ko at lumabas na.


Dito sa beach ginanap ang reception dahil romantic dito, at dito narin nalang daw sila mag ho-honey moon sa hotel.



Napaupo ako sa buhangin at tinanggal ang heels ko dahil sa sobrang sakit na ng paa ko. Tumingin ako sa dagat at ngumiti ng parang timang.



Feeling ko, ako ang pinaka-malas na tao sa mundong 'to. Dahil ako ang pinaglaruan ni tadhana, pinapaikot at binitag. Ilang beses nasaktan at umasa pero sa huli ako parin ang sawi.



But anyway,



if you didn't hurt twice, you cannot call the word LOVE TO LOVE.



Oo, hindi natin matatawag ang pag-ibig kung hindi ka nasaktan ng paulit-ulit. Dahil hindi lang naman puro saya ang naidudulot ng pag-ibig meron rin 'tong sakit at pighati..


Pero kahit ganito man ang naranasan ko, tuloy parin ang buhay. Huwag matakot magmahal ng paulit-ulit. Huwag mag mukmuk sa sulok habang umiiyak. Huwag itigil ang mga pangarap ng dahil lang sa sakit.



.

.

.






" Ate! bilisan mo diyan baka maiwan ka na ng flight niyo!" Sigaw ni Chrisy. Dali-dali naman akong bumaba dala ang mga bag na may laman ng mga gamit ko.



" Bye Lola!ingat kayo dito. Chrisy, inga-tan mo si Lola ah? mag-aral mabuti." Habilin ko.



" Opo Ate, ikaw din Ate mag-ingat ka doon. Huwag munang mag-mahal okay? pagkatapos ng mag-aral." Sabi ni Chrisy, tumawa naman ako.



Bumaling ako kay Lola na umiiyak, " Apo, ingat ka ah? kumain ng marami at sorry hindi ako makakasama sa iyo matanda na ang lola eh.. I love you!" Sabi ni Lola.



" I love you too Lola!" Sigaw ko.



" Tch! tama na ang drama, hindi naman end of the world. Tara na nga, baka ma late pa tayo!" Bulyaw ni Kuya Andreo sa amin.



Nagyakapan kaming lahat. At sa huling pagkakataon kumaway na ako sakanila. Iiwan ko sila para sa pangarap ko, doon ako mag-aaral ng collage sa Korea kasama si Kuya Andreo. Pangarap ko rin kasing makapag-aral sa Korea at doon grumaduate.



" May dadaanan ka pa bang iba?" Tanong ni Kuya Andreo.



" Meron pa sana, kaso baka ma late tayo sa flight." Sabi ko.



" You have a point." Sabi niya. Nakarating kaagad kami sa airport at hindi ko inaasang nandito ang dalawa kung kaibigan at siya.



" Bestie! nakakaiyak naman oh, mang-iiwan ka naman!" Sigaw ni Chacha.



" Hindi naman ako mamatay, para 'to sa pangarap ko no!" Sabi ko naman.



" Mami-miss ka talaga namin Cam." Sabi naman ni Janine, niyakap ko silang dalawa.



" Babalik naman ako. PROMISE!" Sabi ko, ngumiti naman silang dalawa. Bumaling ako kay Richard na nakapamulsa.



" Hindi naman siguro ako ang dahilan ng pag-alis mo diba?" Sabi niya at lumapit sa akin.



" Hindi ah. Asan si Anna? bakit hindi mo siya kasama." Tanong ko.



" Umuwi muna sa parents niya at mamaya susunduin ko siya." Sabi niya.



" Ah." Nasabi ko nalang. May gusto sana akong sabihin sakanya pero nahihiya ako.



" Mag-ingat ka doon.." Biglang sabi niya at tinapik ang ulo ko.



" Richard..Thank you. Salamat sa lahat ng nagawa mo sa akin noon, hindi ko 'yon malilimutan, I will treasure it. At sana hindi mo rin ako malilimutan." Sabi ko.



" Ang dami mo namang sinasabi sana nag messenger ka nalang." Sabi niya, ngumiti naman ako, " Pero seryoso, mag-ingat ka doon okay? Promise, hindi kita malilimutan." Sabi niya, niyakap ko siya.



" Cam, tinawag na ang flight natin." Sabi ni Kuya Andreo, napabitaw ako sa pagkayakap kay Richard.



" So, paano ba 'yan guys aalis na ako. Mag-ingat kayo ah? bye!" Sigaw ko at kumaway sakanila.



" Bye!" Sigaw nilang lahat.



At sa huling pagkakataon, nakita ko siyang naka-ngiti..




• lahat ng tanong ko nasagot na. Kailangan kung mag move on dahil hindi talaga siya para sa 'yo. •






THE END...



THEME SONG: Let go by: BTS[ English Cover] by: Ysabelle( Search on youtube)

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon