CHAPTER 33

1.9K 38 10
                                    




Camella point of view;






Hindi muna ako dumiritso sa sala bagkus ay nagtago muna ako at nakinig sa pinag-uusapan nila..




" Nililigawan niyo ba ang Ate ko?" Tanong naman din ni Chrisy. Hindi ko alam kong bakit ang lakas ng pintig ng puso ko para bang may mangyayari.




" Hmm.." Panimula ni Kenly kaya tumingin ako sakanya habang nakatago parin." Matagal ko na pong nililigawan si Camella.." Sabi niya.



Tumango naman si Lola." Pansin ko nga iho at ang sipag sipag mo sa pag-aantay sa apo ko." Sabi ni Lola, bumaling ang mga mata niya kay Andres at Richard kaya napatingin din ako doon.



" Eh kayong dalawa mga iho?" Tanong naman ni Lola.



Unang sumagot si Andres kaya nangangamba na ako.." Hmm,alam ko pong bago lang po kaming magkakilala ni Camella at bago palang niya po akong kaibigan. Pero, liligawan kuna po siya ngayun.." Sabi ni Andres.




Bumuntong hininga naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Andres, all this time akala ko kaibigan lang ang tingin niya sa akin pero may lihim na pagtingin din pala siya.



" Good luck to you bro.." Sabi naman ni Chrisy. " Eh, ikaw naman Kuya Richard nililigawan mo ba si Ate?" Tanong ni Chrisy.




Inaamin ko sa sarili ko na may side sa akin na umaasa na sana ligawan ako ni Richard, alam kong unfair sa iba pero 'yon talaga e.




" Camella is good, mabait siya at maganda rin ang she's special to me.." Pabitin niyang sabi. " B-but, kaibigan lang ang tingin ko talaga sakanya.." Sabi niya.



Sana hindi ko nalang nadinig, sana bingi nalang ako ngayun, ayan tuloy nadudurog na ang puso ko. I CAN'T MOVE ON! I STILL LOVE HIM!



Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili ko at naglakad na papalapit sa sala..



" Natagalan ka yata apo.." Sabi ni Lola, tumingin ako kay Richard na nakatingin lang sa pagkain.



" May pinag-uusapan lang kami ni Kuya Andreo.." Walang gana kong sabi.



" If you don't mind guys, pwede ba muna akong magpahinga? medyo sumakit kasi uli ang dibdib ko.." Sabi ko.



" What happened to your breast?" Tanong ni Lola at Chrisy.



" Napaso lang.." Sabi ko. " Anyway, pwede ko ba muna kayong iwan?" Tanong ko.



" Sure.." Sabay nilang tatlo, tumingin muna ako kay Richard at nakatingin siya sa--DIBDIB ko and I know the reason, 'wag ng mag assume.



" I-ikaw ng bahala sakanila Lola.." Sabi ko at umakyat na at pumasok nasa kwarto ko, nag dive agad ako sa kama.



Why its to hard to let go?



Kung pwede lang sanang kunin ang pusong ito at palitan ng ibang puso sana ginawa kuna noon pa, para hindi na ako nakakaramdaman ng ganito..



I thought I already move on, pero akala ko lang pala, ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ang mga luhang lumandas nasa pisngi ko.






.

.

.






~ ENNNNKKKK!! ~



Agad kong kinapa ang alarm clock ko at pinatay ito, ayaw ko sanang gumising ng maaga pero kailangan mag eenrol pa ako para sa 2nd sem. 4:30am



Pagkatapos kong mag mourning routine agad akong bumaba para mag-almusal.


" Ang aga mo yata apo.." Bungad agad sa akin ni Lola habang nagkakape.



" Para rin po maaga akong matapos sa pag-eenrol ko, how about you Lola? may lakad po ba kayo?" Sabi ko.



" I'm going to a trip Cam, may reunion kasi kami ng kabatch ko sa London at sakto dahil doon ko kikitain ang business  partner ko." Sabi niya. Nagtratrabaho ngayun si Lola bilang isang manager sa isang boutique, piniligan ko sana siyang mag trabaho sana dahil matanda na siya pero ayaw naman niya kasi daw saan kami kukuha ng pera, pero nagpapadala naman sa amin ng pera ang mga relatives namin every end of the months.




Bumuntong hininga ako.." Kahit labag sa sikmura ko Lola papayag ako dahil 'yon ang gusto mo at napapasaya sa'yo.." Sabi ko.



Agad akong sumakay sa kotse namin at nagpahatid sa school...





To be Continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon