Richard point of view;
Makalipas ang dalawang araw nakauwi na ako dito sa bahay pati na rin si Camella na discharged na.
" KUYA!!.." Bigla nalang nagsisigaw si Janine at tumatalon.
ME: Huminahon ka nga, ano bang nangyari sa'yo ah?
JANINE: Ito naman si Kuya!, hindi mo ba alam? bukas na 'yung birthday mo! nakalimutan mo?.
Bigla nalang akong napaisip, birthday ko na pala bukas nakalimutan ko talaga kasi marami akong iniisip. Gaya nalang nung sinabi ni Francis..
JANINE: Ano na Kuya? are you excited? 21 kana!!oh my matanda kana Kuya.
ME: Tch, anong gurang diyan? baby face kaya ito, baka ikaw?.
JANINE: Eh kung gurang ako? ano naman sa'yo at tsaka mahal kaya ako ni Rico.
ME: Eww, hindi din kayo magtatagal kasi WALANG FOREVER.
JANINE: Ang bad mo Kuya!!ganyan naba ang impluwensya sa'yo ni Anna ngayun? ha?.
ME: Anak ng..Biro lang!, at tsaka 'wag mong idadamay sa usapan natin ang g-girlfriend ko.
JANINE: Eh dinamay mo rin si Rico eh..P-pero teka kayo na ni Anna? as in?.
Nabuking na ako, kaya kailangan ko ng sasabihin ang totoo.
ME: Oo
Ngumiti si Janine sa akin ng mapait.
JANINE: H-hehe Congrats, sige Kuya alis na muna ako.
Bigla nalang siyang tumalikod sa akin at lumabas na ng kwarto. " Weird.." Mahina kong sabi.
Kinabukasan, nagising nalang ako na may tuxedo akong katabi sa kama. Naligo nalang ako at nagbihis at tsaka bumaba na.
MAMA/JULIA: Happy Birthday Anak!( Sabay halik sa pisngi ko.)
PAPA/RYAN: Happy Birthday Son!( Sabay tapik sa balikat.)
JANINE: Yeah, Happy Birthday.
Walang ganang bati sa akin ni Janine at bumalik nalang siya sa ginagawa niya, nagtaka naman ako sa inasal niya pero sa halip hindi ko nalang iyon binigyan ng pansin baka kasi stress siya sa paghahanda ng birthday ko.
Umupo nalang ako sa sofa, hindi ako makapaniwalang 21 na ako kailangan ko na yatang mag mature. Inilibot ko ang paningin ko sa boung bahay, halos lahat ng tao ay mga trabaho maliban nalang sa akin...
" ANO!? MAG SI-SITING HANDSOME KA LANG BA DIYAN?!, HINDI PORKET BIRTHDAY MO HINDI KANA TUTULONG!!." Bulyaw sa akin ni Janine.
ME: Calm down lil sis, kakagising ko nga lang eh.
JANINE: Alam ko! may muta pa nga sa mata mo eh!!.
WHUUT!??..Tumingin ako sa salamin na maliit sa tabi ko, wala naman ah. Magsasalita pa sana ako kaso...
MAMA: 'Wag nga kayong mag-away, hindi pwedeng masira ang araw na ito okay.
PAPA: Ano?okay naba ang 18 roses?.
18 ROSES? Anak ng...Bakit may 18 Roses muka ba akong bakla? or babae?.
ME: Pa, hindi na kailangan hindi naman ako babae ah.
PAPA: Alama namin Anak, pero pagbigyan mo nalang ang mga babaeng nagkaka-gusto sa'yo, isayaw mo sila.
Ano sila seniswerte? ako ang may birthday hindi sila.
MAMA: Para na rin Anak maykaroon kana ng girlfriend.
JANINE: Naku Ma! hindi niyo lang alam, sila na ni---.
Agad kong kinuha ang pillow na nasa tabi ko at ibinato ito sa mukha niya kaya hindi niya natapos ang sasabihin niya.
MAMA: Ano ba Richard? bakit mo binato ang kapatid mo nagsasalita ayan tuloy na bitin. Ituloy mo nga iha.
Bago paman siya makapagsalita tinignan ko siya ng masama ng tumingin siya sa akin. ' Subukan mo lang sabihin na kami na ni Anna baka mag mukang unggoy yung boyfriend mo.' Banta ko sa isip ko.
JANINE: Ah...Ah...Eh...Ano...Sila..Chacha nalang ang sa 18 r-roses hehe.
MAMA: Yeaaah!!basta nandoon sina Camella at Anna ha?.
JANINE: Baka hindi na makapunta si Camella pero sana mapilit ni Chris na pumunta dito.
MAMA: Naku sayang naman kung hindi siya makakapunta.
Maya maya bigla nalang humagulgol si Mama kaya lumapit kami sakanya.
JANINE: Bakit Me? napuwing kaba?( Umiling naman si Mama.)
PAPA: May nasabi ba kaming mali Mahal?( Umiling naman si Mama.)
ME: Me anong nangyayari sa'yo?.( Tumingin naman siya sa akin.)
MAMA: H-hindi lang ako makapaniwala na malaki na ang anak ko, noon karga karga pa kita habang pinapa dede, ngayun malaki na ang baby ko ay! binata kana.
Niyakap ko naman si Mama...
ME: Ma, 'wag kang mag-aalala kahit binata na ako baby niyo pa rin ako.
Sa mga sandaling iyon napuno kami ng pagmamahalan..
To be continue..

BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Genç Kurgu#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...