Camella point of view;
Agad kong pinasakay si Andres sa sasakyan niya, at umikot agad ako para makapunta sa driver seat.
" Kaya mo bang mag drive Camella? okay lang naman kong ako lang." Sabi ni Andres.
Umiling ako. " Kaya ko naman, magpahinga ka lang diyan." Sabi ko, tumagilid naman si Andres. Pinaandar ko ka agad ang sasakyan at nag drive patungong bahay.
" Doon ka muna sa bahay ngayun Andres magpahinga at doon ko na rin gagamutin ang sugat mo." Sabi ko.
" 'Wag na, e drop nalang kita sa inyo tapos uuwi na ako." Sabi ni Andres.
" Hindi pwede, ako ang may kasalanan kong bakit ka may sugat kaya hayaan mo akong makabawi." Sabi ko, narinig kong bumuntong hininga si Andres.
Tinulungan kong bumaba si Andres at inalalayan papasok sa loob ng bahay, pinaupo ko siya sa sofa at kinuha ang first aid kit.
" Ate anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Chrisy nakakababa lang. " At, bakit nandito si Kuya Andres? at bakit may nga sugat siya?" Dagdag niyang tanong.
" Napaaway siya Chrisy, eh ikaw bat gising kapa si Lola?" Tanong ko habang ginagamot na ang sugat ni Andres.
" Hinay hinay lang Cam.." Sabi ni Andres.
" Sorry.." Sabi ko.
" Nagising ako dahil may narinig ako dito sa baba at kayo pala iyon, tulog na si Lola buti pagod siya kaya ang hirap niyang magising." Sagot ni Chrisy.
" Buti naman, pahiramin mo muna si Andres ng damit Chrisy." Sabi ko.
" Naku 'wag na okay na ako dito sa sout ko." Sabi ni Andres, umiling ako.
" Kailangan mong magbihis at maligo para makatulog ka ng maayos, nagugutom kaba?." Sabi ko.
" Hindi okay lang ako.." Sabi ni Andres, hinatid ko siya sa guest room kung saan doon siya matutulog.
" Matulog kana Camella, alam kong pagod ka salamat pala ah?" Sabi niya.
" Sige walang ano man, kung may kailagan kapa mag text ka lang sa akin." Sabi ko.
" Wala bang goodnight kiss diyan?" Tukso ni Chrisy.
" Gago, tara na nga.." Sabi ko at hinila siya, aalis na sana kami ni Chrisy kaya lang..
" Camella!" Tawag sa akin ni Andres, lumingon naman ako. " Goodnight.." Sabi niya at ngumiti.
" Hmm..Goodnight rin." Sabi ko at naglakad na.
" Ayyiieehh!!" Tili nitong katabi ko na si Chrisy. " Bagay kayo Ate." Dagdag pa niya.
" Itulog mo lang 'yan, goodnight kapatid ko." Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.
Nilisan ko muna ang sarili ko pagkatapos humiga sa kama..
~ Ting ~
Dinampot ko ang cellphone ko at tinignan ang isang mensahi.
From: Kenly
~ Nandito ako sa labas ng bahay niyo.~
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako nag reply bagkus, sumilip ako sa bintana at nakita ko siya nakasandal sa kotse niya habang nakatingin dito sa kwarto ko.
Shit!
Bababa ba ako? o magtulog tulogan nalang? teka, bakit ko siya iniiwasan? URRGHH!
Pinatay ko ang ikaw ng kwarto ko at dahang dahang lumabas sa kwarto ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Teen Fiction#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...