Kenly point of view;
Hindi ko alam kong anong senyason ang nararamdaman ko ngayun, may halong kaba at mas nangigibabaw ang galit ko, nababaliw naba ako?
Sumandal ako sa sasakyan ko habang hinihintay si Camella na bumaba at harapin ako, nag text ako sakanya pero hindi siya nag rereply.
Diretso akong nakatingin sa kwarto ni Camella na bigla nalang pinatay ang ilaw kaya napabuntong hininga ako habang nakatingin pa rin sa kwarto niya na wala ng ilaw.
" Anong ginagawa mo dito? gabi na ah." Lumingon ako sa nagsalita, at nakita ko si Camella na nakayakap sa sarili niya.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang balikat niya. " Niloloko mo ba ako? ha!?." Sigaw ko at niyugyog siya.
" Kenly..nasasaktan ako, ano ba!" Piglas ni Camella, kaya binitawan ko at siya at sinipa ang gulong ng sasakyan ko.
.
.
.
Camella point of view;
Nabigla ako sa ginawa ni Kenly sa akin, at hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin.
Napatalon ako sa gulat ng sinipa niya ang gulong ng sasakyan niya, ano bang nangyayari sa'yo Kenly?
" Kenly.." Lumapit ako sakanya at hinawakan ang balikat niya, sa di ko inaasahan bigla nalang niya akong niyakap, kaya wala akong magawa kong hindi yumakap nalang din.
" O-okay ka lang ba?" Nangangamba kong tanong habang yakap yakap namin ang isat-isa.
" G-gusto ko sanang magalit sa'yo sobra, pero nung niyakap kita nawala nalang bigla lahat ng sakit." Sabi niya, ako nalang ang kumalas sa yakap.
" B-bakit kapa kasi andito? dapat umuwi kana para magpahinga, alam kong pagod ka sa trabaho." Tanong ko.
" Gusto ko kasing malinawagan sa lahat ng nangyari, kung may boyfriend kana ba or wala o niloloko mo ba ako." Sabi niya.
" Ikaw talaga!" Sabi ko at pinisil ang pisngi niya. " Kung may boyfriend man ako hindi na ako nagpapaligaw at sino naman ako para lukuhin ang isang gwapong katulad mo." Dagdag ko pa.
" Eh, sino yung kasama mo kanina sa bar? boyfriend mo 'yon no?" Tanong niya.
" Ah sus! kaibigan ko 'yon at kaibigan din iyon ni Kuya Andreo, kaya 'wag mo nga akong paghinalaan." Sabi ko.
" Tama talaga ang pagpili ko sa'yo, hindi mo ako papaasahin.." Sabi niya, doon na nawala ang mga ngiti ko.
" A-ah ano pala, inaantok na ako gusto ko ng matulog." Palusot ko.
" Sige sige, pasok kana.." Sabi niya at itinuro pa ang daan.
" Paano ka?"
" Hihintayin kitang makapasok tsaka na ako aalis." Sabi niya, ngumiti naman ako at maglalakad na sana ng tinawag niya ako.
" Goodnight sweet dreams.." Sabi niya pa.
" Goodnight din, sweet dreams." Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko si Kenly na nakatingin sa kwarto ko at yumuko muna bago pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito.
To be continue..
![](https://img.wattpad.com/cover/150198428-288-k214163.jpg)
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Ficção Adolescente#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...