Camella point of View;
Matapos naming malaman na kilala pala ni Kuya Andreo si Andrea, nabuhayan kaming dalawa ni Chrisy dahil sa wakas may mag-aalaga na kay Andrea. Hanggang ngayun, tulog pa rin si Andrea.
Bigla namang pumasok ang isang lalaking ka age ko lang yata, napatingin naman ako sakanya at nakatingin siya kay Andrea. Love/Crush at first sight? HAHA.
" Pare, buti nandito kana.." Singit naman ni Kuya Andreo, so magkakilala sila? hmp!.
" Anong nangyari sa kapatid ko Pare?." Tanong niya at sumulyap kay Andrea na mahimbing ang tulog. Ah, magkapatid pala sila(Sorry!)
" Nahimatay siya kanina, buti nalang nandito yung pinsan ko at tinulungan siya dalhin dito sa hospital at ang sabi nung doctor pagod lang daw si Andrea at kulang sa sustansya." Paliwanag ni Kuya Andreo.
" Pasensya na talaga sa abala Miss, pero salamat." Tukoy niya sa akin.
" Walang ano man, Camella nga pala at kapatid ko si Chrisy." Sabi ko.
" Ah, Andres.." Sabi niya, sabay shake hand sa akin. " Salamat talaga.." Sabi niya, napatingin kami kay Andrea dahil sa ungol niya.
Unti unting namulat ang mga mata ni Andrea hanggang sa maaninag niya kami at ngumiti siya ng malapad.
" Andrea!!" Sigaw ni Andres at niyakap ang kapatid niya. " Nag-alala ako sa'yo sobra, okay kana ba?." Dagdag pa niya habang nakayakap pa rin.
" Too tight." Mataray na sabi ni Andrea at kumawala sa yakap. " Yeah I'm fine naman." Dagdag pa ni Andrea.
" Good. Gutom kana ba? gusto mong kumain?." Tanong ni Andres.
" No need,kumain na ako kanina pa." Sabi niya, sinungaling tong babaeng to hindi pa nga niya ginalaw ang binili ni Chrisy na pagkain hmp!.
" Ah ganun ba, mas mabuti nga.." Sabi ni Andres at bumaling sa akin ng tingin. " Kailan daw siya makakalabas Camella?." Tanong niya.
" Bukas pwede na siyang lumabas, nga pala paki bili nitong mga risita niya." Sabi ko at binigay sakanya ang papel.
" Salamat, nga pala baka pagod na kayo pwede na kayong umalis para magpahinga, nakakaabala na yata kami eh." Sabi ni Andres.
" Ah yeah, paalis na kami hinintay ka lang talaga namin, tara Ate?." Singit nitong kapatid ko kaya wala akong magawa kong hindi nalang sumunod.
" Sige alis na kami, Andrea paggaling ka ah?." Sabi ko, tumingin muna ako kay Kuya Andreo. " Una na kami Kuya, bisita ka sa bahay ha?."
" Oo naman, ingat kayo pag-uwi salamat." Sabi ni Kuya Andreo, lumabas na kami at tinahak ang daan patungong bahay.
" Napansin mo ba Ate na may kulang." Biglang sabi ni Chrisy habang nag dra-drive.
" Kulang ang alin? tayo? dalawa lang naman tayo dito ah!." Sabi ko.
" Hindi. Doon sa hospital.." Sabi niya.
" Hospital? anong kulang doon?."
" Diba sabi nung Andrea ewan na 'yon na may best friend siya? pero ba't wala." Sabi niya.
" Ewan ko, baka hindi sumama. Bakit? kilala mo ba ang best friend niya?."
" Nope, I'm just asking." Sabi niya, agad naman kaming pumasok sa bahay at nagkanya kanya ng pumunta sa kwarto, at wala na rin tao sa bahay dahil natutulog na lahat.
Nilinisan ko muna ang katawan ko at humiga sa kama ng may nag text sa akin.
From: Unknown
Time: 12:30~ Hello Camella si Andres to, naalala mo paba ako? thank you nga pala ah?.~
To: Andres
~ Ah yeah natatandaan pa kita,your always welcome balitaan mo nalang ako sa kapatid mo okay?.~
From: Andres
~ Hmm sure, matulog kana alam kong pagod ka goodnight at salamat rin pala sa kapatid mo. ~
Hindi na ako nag reply dahil dinapuan na ako ng antok..
To be Continue..

BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Fiksi Remaja#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...