Camella point of view;
" HAPPY BIRTHDAY MOMMY DADDY!HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY!!,HAPPY BIRTHDAY MOMMY DADDY!!." Kanta ko sa harap ng puntod nila.
" Gutom na ba kayo mom and dad? may dala kaming mga pagkain." Sabi ko at inilabas ang lahat ng pinabili naming mga pagkain. " Nga pala Mom Dad, may gwapo akong kaibigan na kasama dito sa tabi ko si Andres, 'wag kayong mag-alala mabait po siya." Sabi ko pa.
" Hi tito tita, nice to meet you po and happy birthday po sa inyong dalawa!!." Bati ni Andres.
" Salamat daw Andres sabi nila Mom and Dad.." Sabi ko naman.
" Ha!? nandito ba sila? nakausap mo sila or nakikita?" Tanong niya.
" Oo, nandiyan nga sila sa likod mo eh!" Sabi ko sabay turo sa likod niya, bigla naman niya akong niyakap.
"Ah--sorry matakutin kasi ako.." Nahihiya niyang sabi at kumalas na sa yakap.
" Okay lang, at tsaka 'wag ka ngang matakot sakanila Mama at Papa mabait kaya sila.." Sabi ko, tumango naman siya at tumingin sa puntod nila Mama at Papa.
" Bakit sila namatay?." Biglang tanong niya, nag-isip isip ako kung sasagutin ko ba at sabihin sakanya kung bakit sila namatay.
Tumingin siya sa akin. " Kung ayaw mong sagutin 'wag nalang.." Sabi niya.
" Okay lang.." Sabi ko at ekwenento sakanya lahat ng nangyari. Habang nagsasalita ako sinasabayan ito ng mga luha ko hanggang sa natapos akong mag kwento.
" Sshh!!tahan na.." Sabi pa ni Andres at niyakap ako." Siguro kaya ito nangyayari dahil may magandang plano ang diyos sa inyo." Sabi niya.
" H-hindi ko naman hiningi na may gawin siya sa buhay namin na maganda, okay lang naman sa akin kahit mahirap kami basta ang importante walang mawawala sa pamilya namin." Sabi ko habang umiiyak pa rin.
" Tumahan kana, baka magalit pa sila Tita at Tito dahil pinaiyak kita." Sabi niya pa, pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na.
" Saan ka pupunta?." Tanong niya at tumayo din.
" Tara sa bar tayo.." Yaya ko.
" Ha!? bakit?"
" Syempre iinom tayo, doon kasi gagaan ang loob ko."
" Pero--."
" Sige na please??." Sabay puppy eyes.
" Hay sige na nga lang, pero ligpitin mo muna natin itong mga pagkain." Sabi niya.
~ Sweat Bar ~
.
.
.
WARNING: May kaunting SPG!!
Someone's point of view;
" Dahan dahan lang sa pag-inom Camella, hindi ka naman mauubusan e." Sabi ni Andres kay Camella, ngumisi naman si Camella.
" Hindi naman talaga ako mauubusan, talagang ang sarap sa pakiramdam ang sunod sunod na lagok mo.." Sabi ni Camella at lumagok ng isang inumin.
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Novela Juvenil#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...