CHAPTER 38

1.8K 42 6
                                    






Camella point of view;








Nakatunga-nga ako sa sofa habang iniisip ang naudlot na sasabihin sa akin ni Richard, ano kaya 'yon?



Hindi ko naman siya matanong dahil  umuwi na  siya bigla, ano ba talaga ang sasabihin niya?



" Camella, uwi na tayo!" Sigaw ni Chacha sa akin kaya bumaling ako sakanya, alas 5 na ng umaga at kaninang 4 natapos ang party kaya uuwi na kami ngayun.



" Hmm..Okay kana ba? hindi naba masakit ang ulo mo?" Tanong ko at bumaling sa iba naming mga kasama na natutulog sa lapag.



" Okay na ako, gisingin na natin ang mga to para makauwi na tayo lahat at magpahinga.." Sabi ni Chacha, tumango naman ako at ginising na namin silang lahat.



" Maya na tayo uwi Camella at Chacha, pagod pa ako." Nakangusong sabi ni Janine habang kinusot ang mga mata niya.



" Kung hindi ba naman umalis yang magaling mong Kuya edi sana nandoon kana sa bahay niyo ngayun! kaya 'wag kang maarte na diyan tayo na!. HOY KAYONG LAHAT TAYO NA!UUWI NA TAYO.." Sigaw ni Chacha.


Napabuntong hininga nalang ako at nauna ng lumabas sakanila, nakita ko naman si Kuya Andreo na naglalakad patungo sa kotse niya kasama ang mga kaibigan niya.



" Dating gawi Camella, sasabay ka kay Andres dahil ihahatid ko pa tong nga kumag na 'to." Sabi ni Kuya Andreo, tumango naman ako at bumaling kay Andres na kakarating lang.



" Pasabay uli?" Nahihiya kong tugon.



" Sige ba!" Naka-ngiti niyang sabi, bumaling naman ako kay Kenly na nakasimangot.



" Bakit sakanya ka sasabay? pwede naman ako eh!" Maktol niyang sabi, ngumisi naman ako.



" Ikaw talaga! ang cute mo.." Sabi ko at ginulo ang buhok mo.



" Alam mo pare, para kang bata ewan ko sa'yo!" Sabi ni Andres at hinila na niya ako papunta sa kotse niya.



" Wala kana bang ibang dadaanan? gusto mong mag-kape?" Tanong niya, kumaway muna ako sa mga kasamahan ko bago bumaling kay Andres.



" 'Wag na, gusto kong magpahinga. Ikaw gusto mo ba?" Tanong ko.



" Hindi na rin, pagod rin ako eh!" Sabi niya, tumango nalang ako at nag drive naman siya paalis.



" Salamat Andres.." Naka-ngiti kong sabi, ngumiti din siya pabalik sa akin. " Gusto mong pumasok muna?" Dagdag ko.



" Gusto ko sana kaso inaantok na ako, pasensya na. Pero thank you nalang." Sabi niya.



" Walang problema, umuwi kana ah? at kumain at magpahinga!" Bilin ko sakanya.



" Opo Ma'am, ikaw rin.." Sabi ni Andres, bumaba ako sa kotse niya at pinanood siyang umalis na at pumasok na ako sa loob.


Pag pihit ko palang sa door knob papasok sa bahay, bumukas ang pinto at nakita ko si Richard na nanlaki ang mga mata.



" A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.



" P-pwede ba kitang makausap? kahit sandali lang dahil  alam kong pagod ka." Sabi niya, tumango naman ako. Sasabihin na ba niya sa akin ang hindi niya nasabi?



Lumabas kaming dalawa at naglakad lakad lang habang nag-uusap.


" Do you still love me?.." Diritsong tanong niya sa akin, yumuko naman ako, " O, naka move on kana sa akin?" Dagdag niya.


Sasabihin ko na ang totoo, ayaw kong magsinungaling sa harap niya..



" Yes. I still love you so much and I can't move on.." Nanginginig kong sabi.



" Can you stop it? dahil Camella look, how many fucking years you love me? hindi ka maka move on, naaawa ako sa'yo.." Sabi niya, kahit gusto ng bumuhos ng mga luha ko pinipilit ko itong pigilan dahil ayaw kong maging mahina sa paningin niya.



" Naaawa ka sa akin dahil hindi mo ako kayang mahalin? o naaawa ka sakin dahil pinagpipilitan ko ang sarili ko sa'yo?, saan don?" Matigas kong tanong.



" Both. Camella, I tried to learn to love you but its so hard for me, I'm sorry.." Sabi niya.



" I understand. Alam ko namang mahirap akong mahalin Richard pero.." Tumulo na ang mga luha ko," Pero..sana Richard, hindi ka bumitaw ng ganon ganon nalang. Bakit ako ba? tumigil ba ako sa pagmamahal sa'yo nung palagi akong nasasaktan? at  pinipilit ko paring lumaban kahit wala akong kalaban-laban.." Sabi ko.



" I'm not like you Camella na isang sundalo, kahit lalaki ako hindi ako sundalo na kayang lumaban at isapilitan ang sarili ko." Sabi niya, " At diba Camella? sinabi ko sa'yo non na lumayo kana sa akin dahil nasasaktan na kita ng sobra.." Dagdag niya.



" Yes sinabi mo 'yon at pinilit kong lumayo, pero bakit ikaw tong lumalapit sa akin?" Tanong ko.








To be Continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon