CHAPTER 35

1.7K 38 1
                                    




Camella point of view;







" B-baka nagkakamali ka lang Shandy, si Richard magkakagusto sa akin? Naku! imposibly!" Sabi ko, pero may pag-asa parin sa akin na sana totoo na may gusto siya sa akin.



" Hindi ako bulag Camella, alam ko na nakatitig sa'yo si Richard kanina hindi mo lang napansin." Sabi pa niya at nakinig na uli kay Prof.



Hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Shandy sa akin, haggang sa nag lunch na lutaw parin ang utak ko. Ayaw kong umasa na meron talaga, pero baka meron nga..



Naaninag ko sila ni Chacha at Janine kasama ang mga boyfriend nila, lumapit nalang ako sakanila kahit labag sa kaluoban kong lumapit.



" Hi Camella.." Sabay bati ni Rico at Ivan sa akin, nginitian ko lang sila at umupo na.



" Saan ka kakain?" Tanong ni Janine sa akin.



" Hindi ako kakain, pupunta lang ako sa star bucks.." Sabi ko.



" Tamang-tama bilhan mo nga si Kuya ng strawberry cake.." Sabi ni Janine.



"  Ha?" Gulat kong tanong kay Janine.



" Camella naman, magpapabili lang ng strawberry cake may meaning agad? ano  ba yan!" Sabi ni Chacha.



" Hindi ko naman sinabi na may meaning ah?" Reklamo ko.



" Sige na Camella, may date kasi kami ni Rico kaya hindi ko na mabibilihan si Kuya at paki hatid narin sa classroom niya, alam mo naman ang classroom niya diba?" Sabi pa ni Janine.



" Ano..Hindi sa ayaw ko, pero si Chacha nalang kaya?" Sabi ko.



" Ako na naman!? busy ako!!" Sigaw niya, umirap nalang ako.



" Sige na nga lang ako na.." Sabi ko.



" Ito Cam o pera.." Sabay abot ni Janine sa akin ng 1000 pesos pero inismiran ko lang ito at naglakad.



" See Janine? 'yan ang mga mayayaman, gayahin mo nga kami ni Camella ng style." Rinig kong sabi ni Chacha kay Janine.



Pagdating ko sa star bucks, agad agad akong nag-order ng makakain at maiinom ko at syempre ang strawberry cake ni Richard.



Habang tinatahak ko ang daanan patungo sa classroom ni Richard, bumibigat ang pakiramdam ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.



Ano ang sasabihin ko? ibibigay ko nalang ba ang cake tapos tatakbo na ako paalis? ang bastos ko naman kung ganun o ilalagay ko nalang sa pintuan ng classroom nila ang cake tapos kakatukin ko tapos aalis agad ako? tutal sarado naman din ang pintuan nila.



" Good Idea Camella.." Bulong ko sa sarili ko, sumilip muna ako sa bintana ng classroom nila Richard at wala naman masyadong mga istudyante dahil lunch time narin at nakita ko naman si Richard na busy kakausap sa mga babae kaya hindi niya ako napansin.



Agad kong nilagay ang kahon na may lamang strawberry cake at kakatok na sana ako pero bumukas ito bigla, kaya napapikit nalang ako sa inis..Bakit sa lahat ng mga kaklase niya? siya pa ang bumukas.



" Anong ginagawa mo dito Camella?" Tanong niya sa akin.



" Ah ano, itong strawberry cake pinapabigay ng kapatid mo." Sabi ko at dali daling pinulot ang kahon ng strawberry cake na nasa sahig at binigay sakanya.



" Ah salamat, nga pala bakit mo inilapag sa sahig?" Tanong niya.



" Ah ano..Kasi..B-basta akin nalang 'yon!" Ano ba tong sinasabi ko? tama ba?



" Okay. By the way, gusto mong kumain rin nitong strawberry cake?" Tanong niya, pasimply naman akong sumilip sa likuran ni Richard kung saan ang mga kaklase niyang babae masama ang tingin sa akin. What is there problem?



" Ah ano, 'wag na baka burolin pa ako ng mga babae mo.." Sabi ko.



" Ikaw talaga palabiro, kaya ikaw ang gusto ko e.." Sabi niya at ginulo ang buhok kong nakalugay.



O__O>



GUSTO NIYO AKO?


Hindi ako umimik mas lalong lumaki ang mga mata ko, anong sinabi niya? gusto niya ako?



" O-oh ano? sasama ka ba?" Tanong niya.


" W-wag na, busy ako eh!" Sabi ko at tumakbo ng mabilis.









To be Continue ...

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon