Camella point of view;
Pagkatapos kong mag CR, bumalik na ako sa table namin kanina..
" Ang tagal mo namang nakabalik.." Bulong sa akin ni Janine na mukang may tama na.
" Ahmm, nagpahangin muna kasi ako bago bumalik dito." Sabi ko, tumango lang siya at yumakap kay Rico na nasa tabi niya.
" Baby.." Rinig kong bulong ni Rico kay Janine habang hinahalikan ang buhok nito, umirap naman ako at bumaling kay..RICHARD?
Bakit nandito siya sa table namin? hindi ko man lang napansin, what a nice eyes Camella.
" Camella, uminom ka nga oh? ikaw nalang kaya ang walang tama sa aming lahat.." Sabi ni Chacha na lasing narin at inabot sa akin ang beer.
Umiling ako." Wala ako sa mood ngayung uminom ng marami.." Sabi ko.
" Ang KJ mo naman!" Singit ni Janine na pumungay na ang mga matang nakatingin sa akin.
" Ihatid mo na nga yang girlfriend mo Rico.." Sabi ko kay Rico.
" No..I want to stay here pa and drink more alcohol.." Sabi ni Janine.
" Tss.." Nasabi ko nalang at bumaling sa dance floor na madami ng mga taong nagsasayaw, napatigil nalang sila ng biglang naging sweet ang music ang iba umalis nasa dance floor dahil walang kaparis.
Nagsitayuan narin sina Chacha at Janine kasama ang mga kaparis nila at pumunta sa dance floor. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan silang nagsasayaw.
Bigla nalang may kumalabit sa akin paglingon ko si Kenly pala." Pwede ba kitang maisayaw?" Yaya niya, ngumiti naman ako sakanya at tumango.
" Pare ako susunod ah?" Biglang singit ni Andres, kaya natawa nalang ako habang tumatango. Pumunta na kami ni Kenly sa dance floor, inilagay niya ang kamay niya sa aking baywang habang isa ay nasa balikat ko.
" O-okay lang ba?" Tanong niya tumango naman ako at inilagay ang dalawa kong braso sa balikat niya.
" Just listen to the music carefully and start dancing.." Biglang bulong niya sa akin, tumango naman ako at nagsayaw na kaming dalawa.
" Advance happy birthday.." Biglang sabi niya habang naka-ngiti.
" Salamat, kahit malayo pa ang birthday ko.." Natatawa kong sabi.
" Asus! mabilis lang ang panahon Camella.." Sabi niya.
" Uhmm, kasing bilis ng pagtakbo ng kabayo.." Sabi ko.
" Sana ganito nalang tayo palagi no?" Aniya.
" Alin?" Naguguluhan kong tanong.
" Ito, ganito ka sweet at ka close na pwede na kitang maging akin. Pero..Alam ko namang hindi." Bakas sa mga labi niya ang pait na ngiti.
" Kenly.." Nasabi ko nalaman." Alam kong huli na ang lahat para tumigil ka sa akin manligaw pero alam kong..balang araw makakahanap karin ng babaeng parang ako." Sabi ko.
" Sana nga makahanap ako dahil parin sa akin sapat kana at wala ng hihigit pa.." Sabi niya at hinalikan ang noo ko habang nagsasayaw kami, napapikit naman ako sa ginawa niya.
Bumitaw na siya sa pagkahawak sa akin at ngumiti at umalis, agad namang pumalit si Andres na may lapad na mga ngiti at sumayaw na kaming dalawa.
" You look pretty.." Sabi niya habang nasa gitna kami ng sayaw.
" Nanbola na naman si bolero!" Sabi ko at tumawa ng mahina.
" Hindi ah! maganda ka talaga, kaya nga nabitag mo ako diba?" Sabi niya.
" Anong nabitag? at tsaka maganda lang ba ang nagustuhan mo sa akin?" Sabi ko.
" Aaminin ko, maganda ka sa labas at loob ng puso mo Camella at hangang hanga ako sa'yo. Nung una, hindi kita pinansin dahil masungit ka pero may tinatago ka pa palang sekreto at hindi ko akalaing ang sekretong iyon ang nagpahulog sa akin." Sabi niya." You're complete package!" Natatawa niyang sabi.
" Thank you Andres.." Sabi ko.
" Hinding hindi ako magsisisi na niligawan kita kahit masaktan man ako sa huli.." Sabi niya at niyakap ako at bumitaw na, napatingin naman ako sa lalaking papalapit sa akin..
" Can I take this moment?" Tanong niya, na ngangamba naman akong tumango. Shit! bakit ako pinagpapawisan ng mainit na pawis? may sakit ba ako?
" Cam.." Bulong niya, nagsitaasan naman ang mga balhibo ko sa pagtawag niya sa akin. " Gusto ko lang na sabihin sa'yo na--"
" LETS PARTY!!" Sigaw ng Dj at pinalitan na ng music na pang Disco kaya hindi kuna narinig ang sinabi ni Richard.
" ANO 'YON?" Pasigaw kong sabi.
" WALA FORGET IT!" Sigaw din niya at nauna ng umalis at iniwan akong nakatunga-nga.
Ganun lang 'yon?
WALA NA?
DOON NALANG?
To be Continue..
![](https://img.wattpad.com/cover/150198428-288-k214163.jpg)
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Teen Fiction#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...