Camella point of view;
" CHRISTOPHER MANUEL HO!KAILAN KABA TITIGIL SA MGA GINAGAWA MO HA?." Rinig naming sigaw sa labas, agad pumintig ng malakas ang puso ko.
Tumingin ako kay tangkad na naka cross arm lang at kalmado, agad ko siyang hinampas.
" Hoy!ano ba?!!." Reklamo niya, agad naman akong umirap.
" Bakit ang kalma kalma mo diyan? dapat nga mag-alala ka kay Chrisy eh!." Reklamo ko.
" Relax ka lang pre, magtiwala ka lang kay Chrisy.." Sabi niya.
" G*go kaba!!guidance po 'yan!hindi yan si Lola." Bulyaw ko.
" Eh anong gusto mong gawin ko!?tatalon ako at mahihimatay ng dahil sa kaba?." Bulyaw din niya sa akin.
" Kung pwede sana eh gawin mo!!." Bulyaw ko rin.
Bigla nalang may umubo. " Excuse me lang po ah, kung gusto niyong mag-away dalawa 'wag po kayo dito kasi nakaka istorbo po kayo sa dumadaan." Sabi ng isang teacher, napatingin naman ako sa paligid.
O_O
Nakakahiya ang daming mga istudyanteng nakatingin sa amin, tapos nandito pa kami sa gitna ng daanan. Nahihiya akong tumabi at ganun din si Tangkad.
" At sa susunod mga iho at iha, 'yang mga tabil ng dila niyo ayusin niyo.." Dagdag pa nung teacher at umalis. Tumingin naman ako sa mga istudyante pero nakatingin pa rin sila sa amin.
" Gusto niyo tusukin ko 'yang mga mata niyo para makaalis na kayo!!." Banta ko sakanila, agad naman silang nag takbuhan.
" Sana hindi mo nalang sila sinigawan.." Sabi naman nitong katabi ko.
" Eh anong gusto mong gawin ko!?hahayaan ko nalang silang tignan tayo? okay lang sana kung artista tayo pero hindi eh!." Sabi ko at natahimik naman siya.
Bumukas naman ang pintuan ng guidance, at iniluwal nito si Chrisy na naka sando lang at gulo ang buhok habang bitbit niya ang kanyang bag.
" Kamusta sa guidance pre?" Tanong ni tangkad, ngumisi naman si Chrisy.
" Ang saya.." Sarcastic niyang sabi at napatingin sa akin. " Okay Noona, I'll get it sa bahay nalang.." Paalam niya at umalis.
Umiling nalang ako habang nakakunot ang noo." Ano nabang nangyayari?" Bulong kong tanong.
" Tara hatid na kita sa class mo." Sabi ni tangkad at umakbay sa akin, sabay naman kaming pumunta sa next class ko.
Habang naglalakad kami sa hallway, hindi maiwasan ng mga istudyante na manlaki ang mga mata..
" Salamat tangkad.." Sabi ko.
" Always welcome, see you nalang mamaya." Sabi niya at umalis. Pumasok na ako sa loob at umupo sa upuanan ko, wala pa kasi si prof.
Siya ang Kuya ko, bali cousin ko siya magkapatid kasi ang Papa niya at ang Papa ko kaya cousin ko siya. Siya nga pala si Andreo Niel Ho, galing siyang US nag bakasyon lang dito actually, education ang course niya he is Grade 12.
To be Continue..
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Teen Fiction#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...