Camella point of view;
" Alam mo bang sa bawat paglapit mo sa akin nahuhulog ako ng sobra? hindi ko maiintindihan, ikaw tong nagsabi sa akin na layuan kita pero ikaw tong lumalapit. Ano ba talaga? is this a game?" Tanong ko.
" Then okay, mag move on kana at hindi na kita gagambalain pa.." Matigas niyang sabi at umalis na, pinanood ko siyang tumalikod sa akin, ang sakit..
Habang papalayo siya, sunod sunod namang tumutulo ang mga luha ko na pinupunasan ko..
" Bakit ang dali lang niyang bitawan ang mga katagang 'yon?. Bakit ang dali dali niya lang akong iwan at saktan?" Bulong ko sa sarili ko.
Nang mawala na siya sa paningin ko, unti unti na akong naglalakad pauwi habang humihikbi parin, pinunasan ko kaagad ang mga luha ko ng nakita ko si Chrisy na pababa sa hagdanan na nakatingin sa akin.
" Naka-uwi kana..Saan kagaling?" Tanong niya.
" N-ngayun lang ako nakarating.." Mahinhin kong sabi at umupo sa sofa at tinagilid ang ulo ko.
" Liar. I saw you kanina kapa nakadating hinatid ka ni Kuya Andres and lumabas ka kasama ni Richard at nag-usap kayo. Am I right?" Sabi niya.
" Hmm.." Nasabi ko nalang at tumango. Tumayo ako at naglakad papunta sa taas.
" Gutom ka?" Tanong ni Chrisy, umiling ako at dumiritso sa kwarto ko at humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.
Na-ngingilid na naman ang mga luha ko, kailan ba 'to mauubos lahat?
~ Ring, Ring, Ring ~
Dinampot ko ang cellphone ko at nilagay sa tenga ko, " Hello?" Sabi ko.
" Apo, kamusta na kayo diyan?" Tanong ni Lola sa kabilang linya.
" Okay naman po kami Lola..Ikaw po?" Mahinhin kong tanong sakanya.
" Okay naman din ako dito Apo, sayang wala kayo dito ni Chrisy.." Nanghihinayang niyang sabi.
Tumikham ako, dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko..
" Apo, yung birthday mo pala. May plano kana ba?" Tanong ni Lola.
" Wala.." Simply kong sabi.
" Bakit wala pa? two days nalang birthday muna.." Sabi ni Lola.
" Yep. Pag-iisipan ko muna Lola.." Sabi ko.
" Sige Apo pag may kailangan ka sabihan mo lang ako. I love you!" Sabi ni Lola.
" I love you too!" Sabi ko at binaba ko na ang linya.
" Hey Noona!" Nagulantang ako ng pumasok si Chrisy sa kwarto ko at umupo sa kama.
" B-bakit ka andito?" Mahinhin kong tanong at tumagilid sakanya habang nakahiga parin.
" Hey! bakit ka ganyan Noona? are you sick or just tired?" Tanong niya.
" I'm tired at feeling ko lalagnatin ako.." Sabi ko.
" Oh! ganun ba? paglulutuan kita ng lugaw?" Sabi niya, tumango nalang ako.
" Sige, baba muna ako.." Sabi niya at lumabas nasa kwarto ko.
Lumipas ang mga araw 'yon parin ang naging patungo ko sa kasama ko, oo nagsasalita ako pero hindi masyado, hanggang dumating na ang kaarawan ko.
Umuwi na si Lola at nung umuwi siya, siya ang nag-asikaso lahat para sa birthday ko kaya may magaganap na party sa bahay at imbitado ang lahat pati narin si R-richard..
" Ate nandito na ang mga kaibigan mo!" Sigaw ni Chrisy sa labas ng kwarto ko.
" Hmm..Baba ako mamaya." Sabi ko, nilagyan ko ang eye bugs ko ng kahit anong koloreti para hindi halata at bumaba na.
" Hi! happy birthday!" Sigaw ni Janine at niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik.
" Happy birthday besh!" Sigaw naman ni Chacha at bumiso sa akin.
" Salamat.." Sabi ko, umupo kami sa sofa habang pinag-uusapa nila ang mangyayari mamaya.
" Ano kayang ibibigay na regalo ng tatlong prinsepe?" Sabi ni Chacha at nag-isip isip.
" Ewan, pero mukang mga espesyal!" Sigaw naman ni Janine.
Nang pasado alas 6:30 na ng hapon nag-bihis na kami dahil 7 daw magsisimula. Napasinghap ako ng makita ko ang aking sarili sa salamin habang naka-ngiti.
" That's smile is weird!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya Andreo.
" Happy Birthday payatot!" Bigla sabi ni Kuya Andreo at ginulo ang buhok ko.
" Tangkad! yung buhok ko masisira!" Maktol ko.
" Ay sorry, ito naman. Nga pala, regalo ko sa'yo, napaaga dahil gusto ko ako ang unang magbigay sa'yo." Sabi niya, kinuha ko naman ito, " Open it now!!" Sabi niya.
" Ayaw ko nga!" Sabi ko.
" Open it, magugustuhan mo 'yan promise!" Sabi niya, nakanguso akong pinunit ang cover nito at..
" Whats this? libro?" Nagtataka kong tanong sakanya.
" No. Just open it!" Sabi niya, agad ko naman itong binuksan pero ayaw.
" May susi 'yan!" Sabi niya at pinakita sa akin ang susi agad ko naman itong kinuha at inopen ito..
Pagbuklat ko nakita ko ka agad ang mukha kong nakabusangot, kaya umirap ako.
" This is an album." Sabi ko, tumango naman siya. May mga picture kami doon ni Kuya Andreo nung mga bata pa kami, at ako rin nung bata pa ako. Nang makarating na ako sa last na page..Nakatayo ako habang may tinitignan, at nakalagay pa doon sa baba ng picture, 'She's in love with that guy..'
Nawala ang mga ngiti ko sa labi ng malaman ko kung sino ang tinitignan ko, si Richard pala..
To be continue..
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Teen Fiction#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...