Camella point of view;
Bumaba agad ako sa kotse ng makarating na ako sa school, at pumasok sa loob ng school na matamlay.
" Camella..."
" Camella.."
" HOY CAMELLA!!" Naalimpungatan ako sa sigaw na iyon.
" Ha? ako ba?" Taka kong tanong, tumingin ako sa taong sumigaw sa akin at si Chacha pala ito kasama si Janine na nasa likuran niya.
" Malamang ikaw, may Camella pabang iba ha?!." Sabi niya, umirap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad ganun din silang dalawa.
" Ano bang nangyari sa'yo Camella? bakit lusaw sa lugaw ka ngayun ha?" Tanong naman ni Janine.
" H-hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil.." Nag-isip-isip pa ako ng dahilan. Ano nga ba?
" Dahil...Saan?" Sabay tanong pa ni Janine at Chacha.
" Ano kasi..yung aso ang lakas tumahol naiingayan ako.." Sabi ko.
" Aso!? wala naman kayong aso ah?" Gulat na tanong ni Chacha.
" I mean aso ng kapitbahay namin.." Sabi ko, napapikit nalang ako dahil sa pagsisinungaling ko.
" Ah oo nga, yung aso ng kapitbahay niyo ang ingay hindi nga ako makakatulog doon pag mag sle-sleep over tayo." Komento naman ni Janine.
" Nga pala guys, ngayun lang tayo nagkita uli dahil busy tayo.." Pag-iiba ko ng topic.
" Oo nga eh, buti na nga lang nagkita pa tayo!" Masayang sabi ni Chacha.
" Camella, yung birthday mo pala malapit na. Anong plano mo?meron naba?" Tanong ni Janine.
Kailangan ko pabang e celebrate ang birthday ko? pwede namang hindi ah!.
" Ano..Birthday ko ba?..Wala pa siguro, ewan!" Sabi ko.
" Teka ka nga guys! bago ang birthday ni Camella ako ang unang magbibirthday, remember?" Sabi ni Chacha.
" Ay oo nga no, so anong balak mo Chacha may party ba?" Tanong ni Janine.
" Syempre ako pa, meron talagang party. Balak ko ngang sa bar nalang gaganapin 'wag nasa bahay nakakasawa din doon e." Sabi ni Chacha.
" Okay lang naman din kong sa bar, pero diba malaki ang gagastusin nun?" Tanong naman ni Janine.
" Alam mo Janine, kay yaman mong tao pero ang kuripot mo! kaya nga meron tayong pera para ewaldas!" Sabi ni Chacha.
" Eh bakit ka galit?" Tanong na naman ni Janine. Away ang magiging resulta ng pag-uusap nila.
" Hindi naman ako galit, pero galit pala ako, minsan kasi Janine ayusin mo yang pagkabit ng turnilyo sa utak mo." Sabi ni Chacha, umirap nalang si Janine.
Nakakatuwa ring isipin nasa lahat ng mga sakit na naranasan mo nandiyan ang mga kaibigan mong magpapasaya sayo..
Naghiwalay-hiwalay na kami ng daanan nina Janine at Chacha dahil nasa second floor ang aking classroom habang si Janine at Chacha naman sa isa pang building.
Nandito na ako sa harap ng pintuan ng classroom ko, tinignan ko ang orasan sa phone ko and it's already 7:59am at sakto 1min nalang dadating na rin ang prof namin, hinigit kuna ang door knob para makapasok at t*angina nag klase na kami?
Tumingin lahat ng mga kaklase sa akin pati narin si Prof kasama si Richard, nakakahiya naman oh, akala ko pa naman 8 pa ang class, advance ba ang relo nila?
" Miss Ho, you may sit down now.." Sabi ni Richard, dali dali akong umupo sa upuanan ko at nag face palm nalang.
" So what I said kanina, may training kayo mamayang 5pm at St. Luke's hospital so please be prepare.." Sabi ng prof namin.
" I will be your tour guide mamaya sa st. Luke dahil I know hindi niyo pa medyo kabisado doon and ako narin ang magbabantay sa inyo kasama pa ang iba ko pang kasamahan.." Sabi naman ni Richard.
" Yeaah finally, mga gwapo ang magbabantay sa amin!" Sigaw ng isa naming baklang kaklase. LANDI!
" So yeah see you at 5am please be prepared.." Sabi ni Richard at lumabas na ng classroom namin.
" UNDERSTOOD GUYS!?" Biglang sigaw ng proof namin.
" YES SIR!!" Sabay nilang sabi except sa akin. Nag start ng magturo si Sir kaya tudo kinig na kami.
" Pssstt Cam.." Sabay kalabit, nilingon ko ang katabi ko nasi Shandy.
" Bakit may kailangan ka?" Tanong ko.
" Wala may tanong lang ako.." Sabi niya, tumango naman ako." May crush ba si Richard sa'yo?" Dagdag niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa tanong niya. " H-ha? p-paano mo naman nasabi?" Tanong ko.
" Panay tingin niya kasi sa'yo kanina.." Sabi niya.
Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Shandy. Totoo ba ang mga sinasabi niya?
To be continue..
BINABASA MO ANG
Should I Let Go?
Roman pour Adolescents#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo siya kasi hindi ka naman niya mahal pero ang tanong kaya mo ba?. My Name is Camella Jane Ho, I'm just...
