MARY'S POV
Nasa library kami ngayon at ginagawa ang research namin para sa topic na naka-assign sa amin sa reporting. It is all about marketing and its nature.
"Mar, matagal pa ba 'yan?" hindi mapakaling tanong ni She habang panay ang tingin sa wristwatch na suot niya.
"Yeah. Why?" takang tanong ko.
Kanina ko pa napapansin na parang nagmamadali siya at may hinahabol na oras kung kaya hindi ko na napigilan pang tanungin siya.
'Saan naman kaya ang lakad ng isang ito?' naitanong ko na lamang sa aking isipan.
"Kailangan ko kasing umuwi ng maaga," nag-aalangang sagot niya.
"Why? May lakad ka ba?" kunot-noong tanong ko.
"Kailangan ko pa kasing sunduin sa airport si Ate Cha—"
"You mean, uuwi si Ate Cha ng Pinas?" gulat kong tanong.
Si Ate Charlotte ay ang nakatatandang kapatid ni She na nasa States din katulad ni Kuya Sky. Matagal na siyang may gusto kay kuya, dahilan upang sundan niya ito hanggang ibang bansa. Sa pagkakatanda ko rin ay hindi niya maiwan-iwan si kuya kaya nakapagtataka lang na biglaan siyang uuwi nang walang pasabi.
"Yup. Mamayang alas singko na ang dating niya," sagot niya.
Awtomatiko naman akong napatingin sa oras at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang ilang minuto na lang bago mag-alas singko. Kapag hindi pa siya umalis ay hindi na niya maaabutan pa si Ate Cha dahil sa layo ng airport sa school at idagdag pa ang traffic.
"Sige na, mauna ka nang umalis. Ako na ang bahala rito," wika ko dahil masamang pinaghihintay si Ate Cha.
"Are you sure? Hindi ka ba sasama?" takang tanong niya.
"Gusto ko sana. But I still have to finish this one. Kaya, sige na. Just send my regards to her," sagot ko at tipid siyang nginitian.
Gusto kong salubungin ang pagdating ni Ate Cha pero marami pa akong kailangang gawin para sa report namin bukas. Kailangang matapos ko ito ngayon dahil unang klase namin sa umaga ang reporting nito.
"Sigurado kang ayos lang sa 'yo na ikaw na ang tumapos niyan? Hindi mo na ba kailangan ang tulong ko?" paniniguro pa niya.
"It's fine with me. You can now go. Sige ka, baka malagot ka na naman ni Ate Cha kapag hindi ka pa umalis," natatawang biro ko sa kaniya para hindi na siya magdalawang-isip pa na iwan ako.
"Subukan lang niya akong pagalitan at magkakasubukan kami," natatawang sabi niya.
Hindi ko naman maiwasang sabayan siya sa kaniyang pagtawa dahil sa kaniyang sinabi.
"O, sige na. I have to go. Bye. Text mo na lang ako kapag nakauwi ka na," nagmamadaling paalam niya habang inaayos ang mga gamit niya.
"Sige. Ingat," nakangiting tugon ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng library. Nang hindi na siya maabot ng paningin ko ay saka lamang ako nagpatuloy sa ginagawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...