CHAPTER 41: Her Comeback

3.9K 85 4
                                    

MARY'S POV

Mahigit walong buwan na ang lumipas magmula nang maaksidente ako. Sa halos siyam na buwang lumipas ay marami na ang nagbago. Mga pagbabagong hindi ko inakalang mangyayari sa buhay ko. Mga pagbabagong naging bunga ng lahat ng pinagdaanan ko. Pagbabagong nagsimula noong araw na makaalala ako at bumalik sa akin ang lahat ng sakit na idinulot ng mga taong inakala kong totoo sa akin.

"Princess, are you sure about this? Pwede ka pang umatras," muling pangungulit sa akin ni kuya.

Magmula pa kanina pagkagising ko ay paulit-ulit lang ang tanong ni kuya. Tutol siya sa desisyon kong umuwi ng Pilipinas. Hindi niya magawang intindihin ang dahilan ko kung bakit ko ito gagawin.

Ang tanging gusto ko lang naman ay harapin ang mga taong pilit kong tinatakasan noon nang sa gayon ay magawa ko na talagang makapagsimula ng bagong buhay. Bagong buhay kung saan wala ng bakas ng dating ako at ano mang bakas ng kahapon.

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na nakapadesisyon na ako. I'm going back for good," iritang sagot ko.

Nakakarindi na sa tainga ang paulit-ulit na pagtatanong ni kuya. Napag-usapan na namin ang bagay na 'to at pumayag na siya kaya mas lalo lang akong naiirita dahil sa pabago-bagong desisyon niya.

Hindi ko maintindihan pero parang umikli ang pasensiya ko magmula noong araw na makaalala ako. Parang nawalan na rin ako ng ganang makipag-usap sa mga tao sa paligid ko kaya madalas akong magkulong sa kwarto ko. Dati na akong nagkukulong sa kwarto ko para magbasa pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. Literal na nagkukulong lang ako at walang ginagawa.

Sa dami ng mga nangyari ay maging ako ay nagugulat na rin sa mga pagbabago ko. I have never isolated myself before, especially from kuya.

"For good nga ba? What if—"

"I know what you're thinking, kuya. Don't worry, I'll be fine. Saka kasama ko naman si Ford," sabi ko na lang para mapagaan ang loob ni kuya at hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano.

Isa pang dahilan kung bakit ko pinutol ang sana'y sasabihin ni kuya ay dahil hindi ko gustong pag-usapan siya o ang kahit ano tungkol sa kaniya.

"I'll be her instant bodyguard, bud. There's nothing to worry about," pagsingit ni Ford sa usapan na sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na at nakaakbay na sa 'kin.

"Take good care of her. Call me if anything happens," bilin ni kuya na bigla na lang sumeryoso habang matamang nakatingin kay Ford.

Sa paraan ng pagtitig ni kuya kay Ford ay parang may sinasabi siya rito gamit lamang ang mga mata niya. At kung ano man 'yon ay sila lang ang nakakaalam.

"I will," naninigurong sagot ni Ford.

Nabaling ang atensiyon namin sa pinto nang marinig namin ang marahas na pagbukas nito. Iniluwa nito si Ate Cha na nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa kwarto ko.

"Kayong dalawa, wala pa ba kayong balak umalis? Mahuhuli na kayo sa flight ninyo," pagpapaalala sa amin ni Ate Cha.

"We should be on our way there by now if someone did not had his tantrums," pagpaparinig ni Ford kay kuya na wala namang epekto kay kuya.

"Asus! Ma-mi-miss lang nitong kupal na 'to ang prinsesa niya," tukso ni Ate Cha kay kuya na ngayon ay katabi na niya.

"I'm just worried about her," depensa ni kuya.

"Woshoo! Worried daw o," panunukso ni Ate Cha kay kuya.

Bago pa tuluyang magkaasaran sina kuya at Ate Cha ay agad na akong namagitan sa kanila at nagpaalam na aalis na bago pa kami maiwan ng flight namin.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon