MARY'S POV
Kasalukuyan kaming nasa mall nina kuya, She at Ate Cha. Sinusulit na namin ang mga araw na nandito pa sila dahil aalis na sila ng Pinas at babalik ng States sa makalawa.
Pagpasok pa lang namin ng mall ay nabaling na sa amin ang atensiyon ng karamihan. Isa-isa nila kaming pinasadahan ng tingin. Iyong tinging mula ulo hanggang paa na parang sinusuri kami saka sila tatawa nang malakas.
"Pre, ang hot ng isang chic oh."
"Ang cute naman ng babae. Mukha siyang manika."
"Gosh! Why so handsome naman this guy?"
"Are they in a costume party?"
"Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ba ang theme nila?"
"Araw ba ngayon ng pagkakaisa?"
"Hashtag, unity!"
Napatingin naman ako sa suot namin at doon ko lang din napansin na may sense naman talaga ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid dahil sa mga ayos namin na hindi nagkakatugma-tugma.
I'm wearing a black jeans paired with a loose white shirt na pinatungan ng black jacket. Naka-flat shoes lang ako at ang buhok ko na kulot at buhaghag ay nakalugay lang. And of course, I'm wearing my eyeglasses.
Kuya is wearing a red polo and black jeans paired with a black leather shoes. Unang tingin mo pa lang sa kaniya ay masasabi mo nang mula siya sa isang mayamang pamilya at isang propesyonal. Idagdag mo pa ang aura niya na sumisigaw ng awtoridad.
She looks so childish in her white tee-shirt and pink bubble skirt paired with a white flat shoes. May suot din siyang pink headband na nakapagpalitaw sa baby face niya.
Ate Cha is wearing a faded blue cut off shorts, black and white curvy jeans top and a white sneakers. May suot din siyang headphone sa kaniyang leeg. She's also wearing a shades. Napakaangas niyang tingnan sa suot niya at ang lakas ng dating niya lalo na pagdating sa mga lalaki.
Isang propesyonal, nerd, astig at isip-bata na nagsama-sama. Imagine how funny it is. Hindi na ako nagtatakang maraming natatawa habang nakatingin sa direksyon namin.
"Don't mind them, princess," mahinang sabi ni kuya habang nakaakbay sa akin.
Tipid na lang akong ngumiti kay kuya at tumuloy na kami sa pagpasok ng mall.
Napagdesisyunan naming kumain na muna sa isang fast food restaurant na nasa loob lang din ng mall bago gumala dahil gabi na rin naman. Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nagtungo sa second floor ng mall kung nasaan ang mga boutique.
"Doon tayo oh!" sigaw ni She habang nakaturo sa isang boutique kung saan lahat ng mga damit ay mga elegante at masyadong sunod sa uso.
"Ayoko. Sa iba na lang. Sa mas simple 'yong mga damit at hindi ganiyan ka-sexy," pagmamaktol ko habang pilit akong nanlalaban sa baliw na si She na wagas kung makahila sa 'kin.
"Ano ka ba, Mar? Ang kj mo. Magsuot ka naman niyan kahit minsan," iritang sabi ni She.
"Oo nga naman, Pia. Tingnan mo nga 'yang balat mo. Ang puti na masyado dahil hindi nasisikatan ng araw," natatawang pagsang-ayon ni Ate Cha at bahagya pa niyang hinila pababa ng balikat at braso ko ang jacket na suot ko para ipakita ang balat ko.
"E sa ayokong magsuot niyan e," nakangusong sabi ko nang tuluyan na kaming makapasok ng boutique.
"Come on, princess. Just try it. Malay mo magustuhan mo, hindi ba?" pamimilit pa sa akin ni kuya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...