MARY'S POV
Araw ng Sabado. Magkakasama kami ngayon nina Peter at She sa kotse ni Peter. We're on our way to a beach resort. Bigla na lang kasing nagyaya si Peter at ewan ko kung bakit pati ako ay kasama sa date nila.
"Peter, sigurado ka ba talaga na ayos lang na sumama ako sa inyo? Hindi ba ako makakaistorbo sa date ninyo?" nahihiyang tanong ko kay Peter na nasa driver's seat katabi si She habang ako ay mag-isa sa backseat.
"Ano ka ba naman, Mary? Hindi ka makakaistorbo sa 'min. Saka mas masaya nga kung kasama ka namin sa mga lakad namin," masayang tugon ni Peter saka binalingan ng tingin si She.
"Right, bhe?" pagbaling ni Peter kay She na kilig na kilig pa nang hawakan ni Peter ang kaliwang kamay niya.
"Of course," kinikilig pa ring sagot ni She.
Binalingan naman ako ng tingin ni She mula sa likuran.
"Kaya huwag ka na mag-inarte riyan kung ayaw mong ihulog kita mula rito sa kotse," pagbabanta ni She.
Sa inis ko ay hinila ko ang buhok ni She. Hindi niya naman magawang manlaban dahil nasa unahan siya ng sasakyan. Good for me.
"Aray! Mar, masakit!" daing ni She habang pinapalo ang kamay kong nakahawak sa buhok niya.
"Hindi ako nag-iinarte, baliw!" singhal ko kay She bago ko bitiwan ang buhok niya.
"Mar, naman. Kung naiinggit ka sa shiny hair ko, magpa-straight ka na lang. Hindi 'yong kakalbuhin mo pa ako," maarteng sabi ni She at sinuklay pa ang nagulo niyang buhok gamit lang ang kamay niya.
Shiny hair? Saang anggulo? Bakit hindi ko makita?
"A-Aray! Ano ba namang klaseng buhok 'to? Daig pa nito ang alambre," reklamo ni She habang sinusuklay ang buhok niya na shiny raw.
Hindi na ako nakapagpigil pa at humagalpak na ako ng tawa dahil sa itsura ni She na parang natatae habang pwersahang sinusuklay ang buhok niya.
"Shiny pala ah. Saka sobra ka kung mag-react. Kalbo agad? Hindi ba pwedeng malagas muna 'yang buhok mo? Ang hina lang kaya ng pagkakasabunot ko sa 'yo. Gusto mo ulitin ko pa e," nang-aasar na sabi ko at pinataas-baba pa ang kilay ko para mas asarin pa si She.
Agad namang napalayo sa akin si She nang tinangka kong hawakan ulit ang buhok niya mula sa likuran.
"Sige, subukan mo at nang ihulog na talaga kita riyan," banta ni She.
"Sige nga. Subukan mo at nang kalbuhin na talaga kita," ganti ko.
Bigla namang umamo ang mukha ni She dahil sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang ngumuso siya at humarap kay Peter.
"Bhe, kakalbuhin niya raw ako," pagsusumbong ni She kay Peter na mas lalong ikinahagalpak ko ng tawa.
"Don't worry, bhe. I won't let that happen," wika ni Peter na halata namang nagpipigil na ng tawa niya dahil sa kabaliwang pinaggagagawa ng girlfriend niyang kinulang sa aruga.
"Talaga?" nakanguso pa ring tanong ni She.
"Of course. Ayoko namang magkaroon ng kalbong girlfriend. Kapag nagkataon ay baka mas magmukha ka pang lalaki kaysa sa 'kin," natatawang biro ni Peter.
"Ang haharot ninyo," tumatawang komento ko.
Bigla namang nabaling ang tingin sa akin ni She.
"Ang bitter mo," ganti sa akin ni She at inirapan pa ako.
"Ang iingay ninyo," tumatawa ring sabad ni Peter.
Matapos ang asaran namin ni She ay mas pinili ko na lang munang umidlip sa biyahe dahil may kalayuan pa ang destinasyon namin. Nagising lang ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng kotse.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...