SHEENA'S POV
Huling araw na namin sa villa at bukas ng madaling araw na ang alis namin. Hatinggabi na ngunit nakaupo pa rin kami sa mga troso na nakapalibot sa bonfire. Nasa pagitan ako nina Mary at Peter.
Labintatlo na lang kaming lahat na gising pa at nakapalibot sa siga ng apoy: kaming sampung magkakagrupo, ang aming classroom president na si Ara, ang SSG president na si Kevin at si Ma'am Alyson.
"Total pare-pareho naman tayong hindi makatulog, what if we play a game?" masayang suhestiyon ni Ma'am Alyson na abot hanggang tainga ang ngiti.
Hmm? Mukhang masaya 'to ah. Hindi pa naman ako inaantok, so why not agree to it?
"Sounds exciting!" masiglang sigaw ni Bea na mas mataas pa ang energy kaysa sa akin dahil kahit gabi na ay hyper na hyper pa rin.
"But what kind of game, ma'am?" tanong ko dala ng aking kuryusidad.
Mabuti na ang nagtatanong. Mamaya niyan spirit of the glass pala ang lalaruin namin. Baka ikamatay ko pa.
"Sharing of secrets," masayang tugon ni Ma'am Alyson na may sinusupil na ngiti sa labi na mukhang may binabalak na masama.
"What? Ma'am, ba't naman 'yan pa? Hindi ba pwedeng iba na lang?" reklamo ni Karla.
Ano naman kayang problema nitong si Karla? Masaya nga 'yong larong naisip ni Ma'am Alyson e. We'll get to know each other better.
"Oo nga naman, ma'am. Paano pa naging secret 'yon kung ise-share namin?" segunda naman ni Bea.
Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Bea. Sabagay. May point siya.
"You have a point, Miss Rodelas. Okay, ganito na lang. Iyong ayaw mag-share ng secrets, you can just say something about your self. Like stories, hobbies, like and dislikes, dreams and many more. It's up to you," masayang suhestiyon ni Ma'am Alyson.
"Sounds interesting," komento ni Kevin.
"Ayes! Ano pang hinihintay natin? Simulan na ang laro!" excited kong sigaw.
"Let's start with me. Next will be Kevin, followed by Ara and so on hanggang sa matapos na ang turn ng lahat. Understand?" pagboluntaryo ni Ma'am Alyson.
"Yes, ma'am!" masayang tugon naming lahat na may kasama pang saludo.
"So let me tell you a secret," pagsisimula ni Ma'am Alyson.
Bigla naman akong kinain ng kuryusidad ko kaya itinuon ko ang buong atensiyon ko kay Ma'am Alyson.
"Sa lahat ng class na na-handle ko, kayo lang ang talagang nakasundo ko. I don't know why but I feel comfortable when I'm with you, guys. It feels like I'm back on my teenage years at barkada ko lang kayo. I like this feeling I'm having right now and I want to thank all of you for making me happy every time that I'm with you. Dahil sa inyo ay nababawasan kahit papaano ang stress at pressure ko sa trabaho," masayang kwento ni Ma'am Alyson na tiningnan pa kami isa-isa at nginitian.
"Char! Touch naman si ako, ma'am," masayang komento ko na ikinatawa naman ni Ma'am Alyson.
"You should be, Miss Alcantara," natatawang tugon ni Ma'am Alyson.
"At dahil diyan... let's group hug!" hyper na sigaw ni Bea.
Dahil sa sinabing iyon ni Bea ay nagsilapitan kaming lahat kay Ma'am Alyson at nagyakapan. Mabilis lang ang yakapang naganap dahil umepal si Bea na hindi na makapaghintay na i-resume ang laro.
"Okay. Next is Mr. Ferrer," Ma'am Alyson said referring to Kevin.
"Ang isa sa mga babaeng nandito ngayon sa gabing ito at kasali sa laro ay ang siyang nagmamay-ari ng puso ko. Pero ni hindi niya ako magawang tapunan ng tingin kaya nakuntento na lang akong mahalin siya mula sa malayo," malungkot na pag-amin ni Kevin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...