CHAPTER 46: Firmness With Their Decisions

2.4K 59 3
                                    

SHEENA'S POV

Agad kong hinabol si Mar nang makabawi ako mula sa pagkagulat. Hindi na kami nakapasok pa sa unang klase namin dahil hinigit ko siya papuntang gym sa sobrang inis ko dahil sa ginawa niya.

"Mar, tell me! Bakit mo ginawa 'yon?!" galit kong sigaw sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung sobrang lakas na ng boses ko. Wala na rin akong pakialam kung ma-guidance pa kami dahil sa hindi namin pagpasok sa klase. Ang gusto ko lang ngayon ay mailabas ang sama ng loob ko. Sobra na kasi ang ginawa ni Mar. Kahit sinong taong makakita sa nangyari kanina ay siguradong magagalit din sa kaniya katulad ko.

Bastusan ba ang gusto niya? Porke ba nasaktan siya noon ay may karapatan na rin siyang manakit at magpahiya ng tao? For heaven's sake! Kailan pa naging lisensya sa pananakit at pagpapahiya ang mapait na karanasan?

"Because I want to," walang kabuhay-buhay niyang sagot na nagpalaglag ng panga at balikat ko sa sobrang disappointment ko.

"Are you out of your mind? Sinaktan at pinahiya mo si Chris dahil lang sa gusto mo? You're unbelievable!" dismayadong wika ko.

Mariin akong pumikit at tumungo upang subukang kalmahin ang sarili ko ngunit bigo ako. Muli akong nag-angat ng tingin para harapin siya. Saglit kong nakalimutan ang galit ko nang magtama ang mga mata namin. Iyong mga mata niya ay punong-puno ng sakit na para bang iiyak na siya ano mang oras dahil sa sobrang bigat ng dinadala niya. Ngunit agad ding nagliyab ang galit ko at nagtagis ang bagang ko nang maisip ko na maaaring inaartehan lang niya ako para makuha niya ang simpatiya ko.

"Why can't I? He also did the same thing before. He made fun of me! He played with my feelings," sumbat niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata at handa na sana akong muli siyang bungangaan ngunit umurong ang dila ko nang mapagtanto kong totoo ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya. Hindi siya nagpapanggap lang. Totoong nasasaktan siya. Pero kung totoong nasasaktan siya, bakit ayaw pa niyang kalimutan lahat ng nangyari noon? Bakit ba kasi kailangan pang balik-balikan ang nakaraan? Can't they just forget everything that happened in the past and just enjoy and treasure every moment we have in the present?

"So this is all because of what happened in the past? My God, Mary! Ang tagal na no'n!" Bahagya na akong napapasabunot sa sarili ko sa sobrang pagpipigil na sa kaniya dumapo ang kamay ko.

"But the pain is still here." Mangiyak-ngiyak niyang itinuro ang kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. "I can't help it but hate him even more and remember what he did every time I get to see his face." Tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang pisngi. Nasundan ito ng isa pa at ng isa pa hanggang sa magtuloy-tuloy na sa pagtulo ang mga luha niyang kanina pa niyang pinipigilan.

Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya dahil ang ugali niyang pagsasarili ng problema at pagkimkim ng lahat ng sakit at sama ng loob niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kung may dapat mang sisihin kung bakit siya nahihirapang makalimot at makawala sa bangungot ng kahapon ay siya 'yon. Tinatago at kinikimkim niya ang lahat ng sakit sa halip na ilabas ito kaya kahit na anong gawin niya ay hindi mawala-wala ang sakit. Paano naman kasi mawawala ang sakit kung ayaw niya ngang aminin sa sarili niya na nasasaktan pa rin siya?

"Kung ganoon ay bakit ka pa bumalik kung bumabalik pala lahat ng alaala at sakit sa 'yo tuwing makikita mo siya?" inis na tanong ko.

Ang labo niya e. Nasasaktan siya tuwing makikita niya si Chris pero ito siya at bumalik. Para ano?

"Because I want to make him suffer the way I did! Gusto kong maranasan niya lahat ng sakit at hirap na naranasan ko!" puno ng galit at hinanakit na sigaw niya.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon