MARY'S POV
Ngayon ang alis nina kuya at Ate Cha pabalik ng States. We're at the airport bidding our goodbyes.
"Mag-iingat kayo palagi, especially you, princess. Make sure to take good care of yourself while I'm not with you and call me from time to time to update me, okay?" mahigpit na bilin ni kuya habang ginugulo ang buhok ko.
I'm going to miss this sweet gesture of him. He's such a sweet and loving brother. I'm so lucky to have him.
"I will, kuya. Don't worry about me. I'll be fine. You must worry about yourself. Make sure na sa sunod mong uwi rito ay may girlfriend ka na," natatawang biro ko.
I tried to lighten up the mood. However, I mean it. I want him to meet his queen and enjoy every moment of his life with the one he love.
"Ano ka ba naman, Mar? No need to remind him. Nandyan naman si ate. One call away lang 'yan," panunukso ni She kay Ate Cha at bahagya pa itong tinulak-tulak palapit kay kuya gamit lamang ang baywang niya.
"Kayo talaga, puro kayo kalokohan. Sige ka, baka totohanin ni Sky," tumatawa ring biro ni Ate Cha na titig na titig na kay kuya habang may ngiti sa kaniyang mga labi at nag-aabang sa sasabihin ni kuya.
"Let's see," pagsakay rin ni kuya sa trip ng magkapatid at bahagyang tumawa.
Hindi na kami nakapagpigil pa at tinawanan na lang ang sarili naming kalokohan. Malapit pa rin kami sa isa't isa kahit madalas na wala sina kuya at Ate Cha. Kung iisipin nga ay para lang kaming magbabarkada. Mahilig magbangayan, mahilig sa kalokohan, mahilig gumala at kung ano-ano pang mga kabaliwang ginagawa ng mga magkakaibigan.
"Ang dami ninyong sinasabi. Let's just group hug," wika ko na agad naman nilang sinang-ayunan.
Ilang saglit lang ay narinig na naming tinawag ang flight nila kaya humiwalay na kami ng yakap. Sinundan na lamang namin sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aming paningin.
"Mar, tahan na. Babalik din naman si Kuya Sky. Magkikita rin ulit kayo," pang-aalo sa akin ni She habang marahang pinupunasan ang pisngi ko gamit lamang ang kaniyang kamay.
Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Alam ko namang magkikita rin kami ulit ni kuya pero hindi ko lang talaga maiwasang malungkot na matagal pa bago kami muling magkakasama.
"Ano? Uwi na tayo?" tanong ko kay She at pilit akong ngumiti.
"Sige," tipid niyang sagot at hinawakan ako sa baywang saka kami sabay na naglakad.
Malapit na kami sa exit nang biglang may humarang sa amin.
"Hi, Sheena. Hi, Mary," nakangiting bati sa amin ni Peter na siyang kinababaliwan ni She.
He's with Christopher while Justin, Stanley and Ryan are a distance away from us. Nakatingin silang tatlo sa direksyon namin na para bang nanonood sila ng isang eksena habang natatawa pa. May kung ano ring namamagitan sa titigan nilang lima na hindi ko maintindihan.
"He-hello," nahihiyang bati ni She pabalik habang maarteng isinusumping ang buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.
"Are you going home? Mind to come with us?" Peter asked in a seductive voice.
Hindi ko naman maiwasang mapaikot ng mata sa narinig ko.
Ano kayang masamang espiritu ang sumapi sa mga 'to at bigla na lang lumapit sa'min?
"Sorry but we're on our way home," walang emosyong sagot ko sa tanong ni Peter dahil mukhang naputulan na ng dila si She kaya hindi agad nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...