A/N: As you can see, puro tayo ngayon third person's pov. Ang pangit naman kasi kung nakapokus lang tayo sa point of view ng iisang tao gayong nasa outing nga sila. Hindi naman pokus nito ang emotions ng characters. It focuses more on activities and events that will take place during their outing so it's much better to use a third person's point of view. Hope you get my point. Enjoy💜
♡•♡•♡•♡•♡
THIRD PERSON'S POV
Abala ang lahat sa kani-kanila nilang ginagawa. Lahat ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan ngunit kung mapapansin ay tanging grupo lang nina Mary ang ginagawa ang gawain nila katulong ang kanilang mga kapareha. Ang ibang grupo ay parang may kani-kaniyang mundo at walang pakialam sa mga kagrupo nila. Ang tanging mahalaga lang sa kanila ay manalo sa kompetisyon at magawa nang tama ang nakatalagang gawain sa kanila ng tama.
May isang grupo namang gumagawa nang tulong-tulong ngunit ang grupo nila ay nahati lamang sa dalawa: grupo ng kalalakihan at grupo ng kababaihan. Ang mga babae ang naghahanda ng mga lulutuin nila at nag-aayos ng mesa habang ang mga lalaki naman ang nagpapasiga ng apoy at naghihiwa ng mga kakailanganin nilang sangkap sa pagluluto. Samantalang ang natitirang grupo naman ay nagkakagulo na dahil lahat sila ay nagmamarunong at nakapokus lamang sa iisang gawain. Puro lamang suhestiyon ang karamihan ngunit wala naman talagang naitutulong at nanggugulo lang.
Sa kabilang banda naman ay abala sina Chiella at Justin sa paggawa ng pink lemonade. Marami na silang nagawang inumin at ito ang pinakahuli nilang gagawin.
"Ako nang maghahalo," pagprisinta ni Justin at kinuha mula kay Chiella ang panghalo.
"T-Thanks," nahihiyang pasasalamat ni Chiella na hindi makatingin nang diretso kay Justin.
"You're welcome. Mabuti pa ay magpahinga ka na muna. Ako na rito. Mukhang masyado kang napagod sa dami ng ginawa mo." May bahid ng pag-aalala sa boses ni Justin at bakas din ang senseridad sa boses nito.
"Si-Sige," naiilang na sagot ni Chiella.
Sina Karla at Stanley naman ay kanina pang natapos sa gawain nila kaya nagprisinta silang sila na ang maghahain ng mga naluto na nilang pagkain sa mesa.
"Ako na magdadala niyan. Baka mapaso ka pa," pagprisinta ni Stanley at maingat na hinawakan niya ang food container na hawak ni Karla para sana agawin ito mula rito.
"Hindi na. Kaya ko na 'to," pagtanggi ni Karla saka hinila palapit sa kaniya ang hawak niyang lalagyan.
"Akin na nga kasi. Ikaw na lang mag-ayos nito mamaya sa mesa," pagpupumilit ni Stanley.
Inis na itinulak ni Karla palapit kay Stanley ang lalagyang pareho nilang hawak dahil sa kakulitan nito. "O ayan. Sige, sa 'yo na."
Natawa na lamang si Stanley sa inasal ni Karla.
"Ito naman, para inaalala lang kita e," natatawang sabi ni Stanley.
"Naku! Naku! Huwag mo nga akong umpisahan diyan. Bilisan mo na lang diyan para matapos na tayo rito at nang matulungan pa natin sina Mary sa loob," utos ni Karla na agad namang sinunod ni Stanley.
Maaga ring natapos sina Bea at Ryan sa task nila kaya ngayon ay tinutulungan na lang nila sina Peter at Sheena sa pagluluto.
"Ano ka ba, Ryan! Hindi ganiyan ang paghiwa niyan!" saway ni Bea kay Ryan nang mapansin niyang napakapino na ng pagkakahiwa nito ng sibuyas at bawang. "Ganito lang o! Huwag mong masyadong durugin!" inis na singhal niya rito habang ipinapakita niya rito ang tamang paghihiwa ng sibuyas at bawang.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
Storie d'amoreMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...