SHEENA'S POV
After that breathtaking moment of us, we then head to the Photo Booth to take photos to treasure this day.
Mabilis na nag-abot ng bayad si Peter sa babaeng nasa labas ng tolda. Ang tolda ay napalilibutan ng makakapal na kurtina. Sa labas ng tolda ay may disenyo na mga litrato at camera habang sa loob ay hindi ko pa alam kung anong mayroon.
Nang abutan kami ng dalawang ticket ng babaeng bantay ay lumapit na kami sa mismong entrance ng tolda at ibinigay ang ticket sa lalaking nagbabantay ng nagsisilbing pinto.
"Enjoy," nakangiting sabi ng lalaking bantay at hinawi ang kurtinang tumatakip sa daanan.
Hindi na kami nagsayang pa ng oras ni Peter. Mabilis kaming pumasok ng tolda. Bumungad sa amin ang isang napakalawak na paligid. Ang makapal na kurtina na siyang nagsisilbing pader nito ay iba-iba ang disenyo kaya malaya kang makakapili ng background na gusto mo: may magical, may mga nagkalat na hugis-puso na para sa mga couple, plain na white background, may tarpaulin din ng Nami Island at Eiffel Tower kung saan pwedeng kumuha ng litrato na parang totoong nakarating ka na sa Korea at Paris.
May lumapit sa aming isang babae at dinala kami sa isang sulok kung saan may mga available na props ang nasa mesa: may mga headband, shades, eyeglasses, hats, cap, wig at kung ano-ano pa na pwede naming gamitin at suutin habang napapakuha ng litrato.
Pinili namin ang cute na cute na headband na may parang tainga nina Mickey Mouse at Miney Mouse saka kami pumuwesto sa area kung saan hugis-puso ang background at may bench kung saan kami pwedeng umupo. Sumunod naman sa amin ang isang lalaki na nasa loob din ng tolda. I think he's the photographer since he was holding a digital cam.
"Okay. Smile," nakangiting sabi ng lalaki.
Magkatabi kami ni Peter sa bench at ako ang nasa kaliwa. Ngumiti kami ni Peter sa harap ng camera at sakto namang nag-flash ito.
"Another pose," pormal na wika ng photographer.
Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni Peter kaya agad akong ngumiti sa camera dahil ano mang oras ay kukuhanan kami ng litrato.
"Next."
Sunod-sunod ang ginawang pag-click ng camera habang paiba-iba naman ang pose namin. Nang magsawa na kami at wala na kaming maisip na pose ay binayaran na namin ang lahat ng pictures namin na saglit lang ay na-print na kaagad ng lalaki na siyang nakatalaga sa pag-print ng mga larawan.
Nang makuha na namin lahat ng pictures namin ay itinago na namin ito at sunod naming pinuntahan ay ang Marriage Booth. Bigla na lamang akong nakaramdam ng excitement nang biglang magyaya si Peter na magpakasal kami. Kahit pa sabihing kasal-kasalan lang 'yon ay iba pa rin sa pakiramdam lalo pa kung ang lalaking mahal mo ang groom.
Lumapit na kami sa babaeng naglilista ng mga pangalan ng ikakasal. Magpapalista na sana kami nang may mapansin akong dalawang pangalang pamilyar sa akin.
"Ate, pwedeng patingin?" nahihiyang tanong ko sa babaeng may hawak ng listahan.
Laking tuwa ko nang walang pag-aalinlangang iniabot sa akin ng babae ang listahan kaya dali-dali ko itong tiningnan. Halos lumuwa ang mata ko nang makumpirma ko ang hinala ko. Ikaanim sila sa listahan at ang ikalima na ang susunod na ikakasal dahil may check na ang una hanggang ikaapat na pares.
"Is that Mary and Chris?" hindi makapaniwalang tanong ni Peter nang makibasa rin siya sa binabasa ko.
"Mismo," nakangising sagot ko.
"But who payed for them? Imposible namang si Chris dahil kj ang isang 'yon. Don't tell me, ikaw ang nagpalista sa kanila?" nagdududang tanong sa akin ni Peter kaya nakatanggap siya ng batok mula sa akin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...