CHAPTER 7: Matchmaking

3.9K 106 1
                                    

MARY'S POV

"Mar, sabay na tayong pumunta ng parking lot. Susunduin kasi ako ngayon ni ate," pangungulit ni She kahit na nakasunod na naman siya sa akin at idagdag pang palagi naman talaga kaming magkasabay umuwi dahil iisang parking lot lang naman ang mayroon ang school na pinapasukan namin.

Hindi na ako nagulat pa nang sabihin niyang si Ate Cha ang susundo sa kaniya dahil ganoon siya kabaliw kay kuya. Sinusundan ni Ate Cha si kuya saan man ito magpunta.

Maganda, sexy, mabait at matalino si Ate Cha. Ewan ko nga lang kay kuya kung bakit pagdating sa kaniya ay para bang isang ordinaryong babae lang si Ate Cha. Palibhasa ay masyado siyang workaholic kaya hanggang ngayon ay single pa rin siya at hindi niya mapansin-pansin si Ate Cha kahit anong pa-cute ang gawin nito. Kulang na nga lang ay i-seduce niya si kuya.

"Mar, kung saka-sakali ba, are you in favor with ate to be your sister-in-law?" she asked out of nowhere.

Napatingin naman ako sa kaniya ng may nagtatakang ekspresyon dahil sa naging tanong niya. Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat kaya tipid ko siyang nginitian bago ako sumagot.

"Yeah. She's a perfect wife figure for kuya," I answered with sincerity in my voice.

"Ako nga rin e," mahinang sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Anong ikaw rin?" naguguluhang tanong ko.

"Ako rin in favor kay Kuya Sky. Sa gwapo niya ba namang 'yon," kinikilig pa niyang sabi na siyang ikinatawa ko.

Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ang hilig-hilig ni She sa lalaki gayong wala pa naman siyang nagiging boyfriend. Makakita lang siya ng gwapo, halos mawala na siya sa katinuan.

"Sis/Princess!" sabay na tawag sa amin ng dalawang pamilyar na boses na umagaw sa aming atensiyon.

Agad akong lumapit kay kuya at yumakap sa kaniya. Ganoon din naman ang ginawa ni She sa ate niya.

"Sis, how's school?" Rinig kong tanong ni Ate Cha kay She sa malambing na boses.

Pabebe. Palibhasa nandito si kuya.

"It's fine. Kaya nga lang ay hindi ko nakita si crush the whole day," nakasimangot na sagot ni She na akala mo naman ay ang laki-laki ng problema niya.

"Ikaw talaga, manang-mana ka sa 'kin," natatawang sabi ni Ate Cha.

"Kuya, kanina ka pa ba rito?" pagbaling ko kay kuya.

"Medyo," nakangiting sagot ni kuya.

I knew it. Kaya good mood itong si Ate Cha dahil nabuwisit na naman niya si kuya. It's her way of getting kuya's attention.

"Pia, may lakad ba kayong magkapatid?" Ate Cha asked the both of us but kuya didn't bother to answer.

"Wala naman, Ate Cha," nakangiting sagot ko saka binalingan ng tingin si kuya na bigla na lang tumahimik.

"Right, kuya?" pagbaling ko kay kuya.

Bahagya lamang tumango si kuya nang balingan ko siya ng tingin at tanungin.

"Then, do you mind to come with us? Mayroon kasi kaming kaunting salo-salo sa bahay. Mommy wants the both of you to be there. Matagal na raw kasi kayong hindi bumibisita," pag-anyaya sa amin ni Ate Cha.

Tatanggi pa sana si kuya pero mabilis akong nakasagot.

"Of course. We would like to join you. Miss ko na rin naman sina tita at tito," masayang sagot ko.

Totoong na-miss ko na sina tita pero ginagawa ko rin ito para kay Ate Cha. I know that she wants to be with kuya and as a supportive soon to be her sister-in-law, I'm willing to do anything and everything to make her wish come true. Gusto ko na rin namang makahanap si kuya ng babaeng makakatuluyan niya na katulad ni Ate Cha o mas maganda kung si Ate Cha mismo. Hindi 'yong puro trabaho na lang ang inaatupag niya. I just want him to find his own happiness. That's all I ever wanted.

"Okay. Then, ano pa ang hinihintay natin? Pasko? Tara na! Masamang pinaghihintay ang pagkain," masiglang sabi ni She na daig pa ang may megaphone sa lalamunan sa lakas ng boses niya.

Sumakay na kami sa kotseng dala nina kuya. Si She ay nasa kotse ni Ate Cha habang ako ay nasa kotse naman ni kuya.

"Why are you doing this, bunso?" kuya asked while we're in the middle of the road and he's in the middle of driving.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko habang nasa labas ng bintana ng kotse ang atensiyon ko.

"Sa tingin mo ba hindi ko napapansin ang ginagawa mo para ipagtulakan ako kay Cha?" seryosong tanong niya.

Dahil sa sinabi niya ay tuluyan nang nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Kuya, I'm not pushing you for clarification. Ginagawa ko lang ang makakaya ko para mapalapit kayo sa isa't isa," pagtatama ko.

"Aren't we close enough?" he asked.

Napaisip naman ako sa naging tanong ni kuya. May punto naman siya dahil magkababata rin sila ni Ate Cha. Pero ang closeness na tinutukoy ko ay iyong hindi na sila mapaghiwalay at sila na ang magkasama ng panghabambuhay.

"Oh? Hindi ka nakasagot diyan. Gusto mo ba talaga kaming mas magkalapit pa ni Cha?" seryoso pa ring tanong ni kuya.

Marahan na lamang akong tumango bilang sagot dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Why bother keep it from him?

"Then be successful in life and achieve your dreams. In that way, I can ensure that there's a bright future that awaits you and in that case, I can live in peace without any worries about you and your future," seryosong sagot niya.

Hindi ko naman maiwasang mapatulala sa sinabi ni kuya. Is that his reason? All this time he was single because of me?

Why is he always like this? Nakokonsensya tuloy ako na malaman na kaya siya hindi nagkaka-girlfriend ay dahil mas inuuna niya ako. He should prioritize his own happiness. Not mine. He doesn't have to worry about me and my future. I'm old enough. I can handle myself.

Kuya and Ate Cha were best friends since they were kids. Kaya nagtataka ako noon pa man kung bakit hindi man lang naging sila. But now I know. It's all about me and my future that kuya wants to secure.

"We're here!"

Natauhan lang ako nang magsalita si kuya at saka ko lang din napansin na nasa harapan na pala kami ng bahay nina She. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong bumaba ng kotse.

He always treat me as his princess and what I want is for him to find his queen. I will be the most happiest person living on Earth if that dream of mine for him will come to reality.

"Pia! Sky, hijo!" masayang salubong sa amin ni Tita Terry na kasalukuyang tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"I'm so glad to see the both of you here," natutuwang sabi ni tita at niyakap kaming pareho ni kuya nang tuluyan siyang makalapit sa amin.

Mahinhin si tita pero minsan ay hindi rin maiiwasang sumpungin siya ng pagkaingay, pagkalikot at pagkaisip-bata.

"Kumusta na kayo?" tanong ni tita nang kumalas siya mula sa yakap.

"We're fine, tita," nakangiting sagot namin ni kuya.

"By the way, tita, where's tito?" kunot-noong tanong ko.

I tried to search for Tito Charles, but no sign of him. He's nowhere to be found.

"He's on a business trip," tipid na sagot ni tita.

Sayang naman. I badly want to see him.

"Mom, aren't we going to eat yet? I'm hungry," nakangusong reklamo ni She na nakahawak pa sa tiyan niya.

"Okay. Let's now head to the dining room," natatawang sabi ni tita na bahagya pang ginulo ang buhok ng nakangusong si She.

Sabay-sabay na kaming nagtungong dining room at masayang nagsalo-salo habang pinag-uusapan ang kani-kaniya naming buhay na may kasama pang kulitan.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon