CHAPTER 56: Friendship Matters

1.7K 43 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nang sandaling makapasok sila ng gubat ay agad na napako ang tingin nila sa isang gasera na nasa tabi ng isang puno. Madilim na ang lugar dahil sa maggagabi na at idagdag pang natatakpan ng malalapad at mayayabong na dahon ng mga puno ang liwanag na nanggagaling sa buwan. Tanging ang gasera lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na paligid kaya agad nitong nakuha ang kanilang atensiyon.

Mabilis na nilapitan ni Chris ang nasabing gasera habang tahimik lang na nakasunod sa kaniya si Mary na sinundan din naman ng iba pa. Nang tuluyan nang makalapit si Chris sa gasera ay doon niya lang napansin ang isang papel na nakadikit dito. Walang pag-aalinlangan niya itong kinuha at binasa ang nakasulat. The word 'courage' was written on it. Ngunit bukod dito ay wala ng ibang papel o kahit clue man lang ang makikita sa paligid.

"Oh? Paano na 'yan ngayon? Saan na ang next station?" nanlulumong tanong ni Ryan nang mapansin niyang isang papel lang ang hawak ni Chris.

"Hindi ko rin alam. Wala namang nakasulat dito," kibit-balikat na sagot ni Chris.

"Naku! Paano na 'to?" nag-pa-panic na tanong ni Chiella na nanginginig na sa takot at napapakapit na sa laylayan ng damit ni Justin.

Naramdaman ni Justin ang panginginig ni Chiella kaya agad niya itong hinawakan sa kamay nito para pakalmahin at upang kahit papaano ay mabawasan ang takot nito na epektibo naman dahil hindi na nanginginig si Chiella. Naramdaman din niya ang paghigpit ng hawak ni Chiella sa kamay niya.

"Walang mag-pa-panic, okay? Subukan na lang nating maghanap baka sakaling may matagpuan tayo. Pero kapag lumipas ang sampung minuto at wala pa rin tayong nakikitang kahit anong magtuturo sa atin sa next station ay aalis na tayo sa gubat na 'to. Alam kong lahat kayo ay pagod na at gusto nang magpahinga kaya kumilos na tayo," pagpapagaan ni Mary ng loob ng mga kasamahan niya.

"Mabuti pa nga. Tayo na para makaalis na tayo rito," pagsang-ayon naman ni Bea na nakakapit na sa braso ni Karla.

"Sandali lang. Mabuti pa ay dalhin na natin 'tong gasera para may ilaw tayo," pigil ni Mary sa kanila.

"Ako na," pagprisinta ni Chris.

Mabilis na kinuha ni Chris ang gasera at nang akmang aalis na sila ay biglang natigilan si Mary at napako ang tingin niya sa puting papel na nandoon sa mismong kinalalagyan kanina ng gasera. Ngayon niya lamang ito napansin dahil natatakpan ito kanina ng gasera. Agad na kinuha ni Mary ang papel at mabilis namang nagsilapitan sa kaniya sina Karla para makibasa na rin sa nakasulat.

"Your height is nothing compared to mine. I'm your superior. You can only see my upper body with your head held high. Without me, you can't live. But my life depends on you. You can cut my lifespan anytime you want. I am providing you with your basic needs. Climb up high through me and you'll see what you are looking for," basa ni Mary sa nakasulat sa papel.

"Do you have any idea what—"

Hindi na naituloy pa ni Mary ang sana ay itatanong niya nang makita niyang lahat ng kasamahan niya ay nakatingala na nang balingan niya ang mga ito ng tingin.

"Oh? Anong mayroon?" natatawang tanong ni Mary sa mga kasama niya.

"What do you mean?" inosenteng tanong ni Bea.

"Ba't kayo nakatingalang lahat? Anong tinitingnan ninyo?" Sinubukang hanapin ng mga mata ni Mary ang tinitingnan ng mga kasamahan niya pero wala naman siyang nakitang kahit ano.

"Sabi kasi riyan, makikita mo lang daw ang upper body niya with your head held high e," parang batang sagot ni Chiella.

"May point naman kayo ro'n. So anong nakita ninyo?" tumatawang tanong ni Mary.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon