MARY'S POV
"Princess, what happened?" dad asked in a worried voice the moment I entered the house with lots of band aids on my arms.
Naka-tee-shirt na lang ako nang umuwi dahil nasira ang uniporme ko dahil sa nangyari sa akin kaya napansin kaagad nina daddy ang ilang galos ko at ang mga sugat ko na natatakpan ng band aids.
"Wala po ito," nakayukong tugon ko.
"Anong wala? My God, Pia! Halos mapuno na 'yang braso mo ng sugat tapos sasabihin mong wala lang 'yan sa 'yo?" nag-hy-hysterical na sabi ni mommy habang mangiyak-ngiyak niyang sinusuri ang ilang mga galos ko na hindi natatakpan ng band aid.
"Ano ba talagang nangyari, anak? Bakit puno ka ng galos at sugat?" seryoso ngunit nag-aalala pa ring tanong ni daddy.
"Long story, dad. I'll just tell you after dinner. I'm hungry. Hindi pa po ba tayo maghahapunan?" pag-iiba ko ng usapan dahil wala pa ako sa mood magkuwento.
Masyado akong napagod sa mga nangyari ngayong araw at kung pwede ko lang kalimutan na lang ang gulong nangyari ay ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil kailangan ko pang sagutin ang mga katanungan nina mommy. Hindi sila titigil at mapapanatag hangga't hindi nila nalalaman ang totoo kaya kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay napapansin ko ang pagsulyap-sulyap nila sa akin. Alam kong kanina pa nila gustong makuha ang sagot na hinihintay nila pero pinili pa rin nilang galangin ang pakiusap ko at hinintay muna nila akong matapos kumain bago nila ako muling tinanong tungkol sa nangyari.
"Ngayon, anak, sabihin mo sa amin. Ano ba talagang nangyari sa 'yo?" seryosong tanong ni daddy nang matapos kaming kumain.
I can sense that he's dead serious through his voice and the way he called me. Princess ang talagang tawag niya sa akin pero sa oras na galit o seryoso siya ay napapalitan ng anak ang princess at minsan naman ay tinatawag niya na ako sa second name ko.
"Nagkaroon lang po ng gulo kanina sa school," nakayukong sagot ko.
"Anong gulo? Saka paano ka naman nasali sa gulo?" naguguluhang tanong ni daddy.
Alam naman kasi nila na wala akong interes sa pakikipag-away. Kahit kailan ay hindi pa ako nasangkot sa kahit anong away o gulo. This is my first time so far. Kaya ganiyan na lang sila mag-react.
"Oo nga naman, Pia, anak. Hindi ka naman namin tinuruan ng daddy mo na makipag-away," dagdag pa ni mommy.
"Hindi naman po talaga ako kasali sa gulo. I just did what I thought was right," pagtatanggol ko sa side ko.
"Right? Tama ba ang makipag-away ka? Anak, naman! Prinsesa ka namin at hindi ka siga sa kanto." Bahagya nang tumaas ang tono ng boses ni daddy kaya agad siyang pinakalma ni mommy.
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa tensyong namamagitan sa aming tatlo. Wala na talaga akong pamimilian. I have to tell them everything.
"Napaaway si She dahil pinagsalitaan siya ng mga masasakit at nakakainsultong salita ng dalawa sa schoolmates namin. Kilala naman ninyo si She. May pagkamaldita 'yon at ayaw na ayaw niyang nakaririnig ng hindi magandang komento tungkol sa kaniya kaya napaaway siya. Sinubukan ko silang awatin pero nagalit ang isa sa nakaaway ni She kaya ako nito sinugod at hindi sinasadyang maitulak ako nito sa isang matinik na halaman kaya nakatamo ako ng ilang sugat at galos," pagkuwento ko sa kanila sa tunay na nangyari para hindi na sila mag-isip pa ng kung ano-ano.
Hindi ko na ipinaalam pa sa kanila na sinadya naman talaga ng babae ang pagtulak nito sa akin dahil baka mas lumala pa ang gulo at umabot pa sa korte at demandahan. Ayaw pa naman nina mommy na may naaapi isa man sa amin ni kuya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...