CHAPTER 42: Her Coldness

3.9K 84 3
                                    

MARY'S POV

Maaga pa lang ay sinundo na ako ni Ford sa bahay para ihatid sa school. Mahigpit kasing ibinilin ni kuya sa kaniya na bantayan ako mula sa pagpasok ko hanggang sa pag-uwi ko.

Hindi ko nagawang tumutol sa pabor na hiningi ni kuya kay Ford dahil kung hindi ako pumayag sa gusto niya ay wala sana ako ngayon sa Pilipinas. Pumayag ako sa kondisyon ni kuya sa dalawang rason: para makauwi ako at dahil sandali lang naman akong magtitiis. May aasikasuhin lang si Ford na may kinalaman sa business kaya siya sumama sa akin pauwi. Babalik din siya kaagad ng States.

"We're here," pagbibigay-alam sa akin ni Ford na siyang umagaw ng aking atensiyon.

Masyado yatang napalalim ang pag-iisip ko. Ni hindi ko man lang namalayang nakarating na pala kami sa aming destinasyon.

Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang maunahan niya akong buksan ito mula sa labas.

"Thanks," walang emosyong pasasalamat ko nang makalabas ako ng kotse.

"I'll fetch you at five," pagpapaalala niya.

"Okay," tipid kong sagot.

"Good luck on your first day. Bye," he said with a smile on his face.

"Bye." Kumaway ako sa kaniya hanggang sa makapasok siya ng kotse.

Nang makaalis si Ford sakay ng kotse ni kuya na siyang gamit niya sa pananatili niya sa Pilipinas ay agad akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga upang humugot ng lakas. This is really is it. Ngayon ay maisasakatuparan ko na ang bagay na matagal ko nang pinagplanuhan at pinag-isipan. I will make him suffer the way he made me suffer in any way I can.

As soon as I entered the campus, eyes were on me. The students around started to gossip with each other. But instead of listening to their gossips, I just headed to the principal's office to ask for my schedule, classroom and the rest. It's almost time for class and I don't have much time to spare.

Agad akong kumatok sa pinto ng principal's office nang marating ko ito. I knocked on the door and waited for someone to respond.

"Come in," someone said with full of authority.

I went inside the office and greeted the principal.

"Good morning," walang emosyong bati ko.

I don't care if I look like a zombie or a walking dead the way I act. It's my way of showing to everyone that they can't mess up with me and I am not the girl they used to know.

Hindi ko na inabala pa ang sarili kong magpakilala dahil alam kong alam na ng principal kung sino ako lalo pa't nasa harapan niya ang mga dokumento ko na may kasama pang larawan ko.

"Here's all you need. I'm sorry but we don't have much time to discuss it thoroughly. Classes have already started. You can now head to your designated classroom," pormal na wika ng principal at inabutan ako ng isang brown envelope.

"Thank you, ma'am," tanging sagot ko at agad na rin akong nagpaalam at nilisan ang silid.

Despite of being late, I didn't bother to run nor walk as fast as I could. I walked like a model as if I own the whole campus. I learned how to be calm in a situation like this.

Ilang minuto ang binilang bago ako nakarating sa tapat ng magiging classroom ko. No one noticed my presence, so obviously, I have to get the teacher's attention who is busy talking in front of the whole class.

"Excuse me, ma'am," pagkuha ko sa atensiyon ng guro na nagtuturo sa harapan ng buong klase.

Nasa labas pa rin ako. No one can see me from the inside but I assume that they could still hear me.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon