PETER'S POV
Sa isang buwang lumipas ay marami ang nangyaring hindi malilimutan. Isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa buhay ko sa nakalipas na buwan ay ang pagsagot sa akin ni Claire.
As time goes by, I am falling for her, deeper and deeper. She's sweet, caring and happy to be with. She makes my day complete. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko nakalutang ako sa ulap. She always makes me smile. Even her childish acts didn't fail to amaze me. She's really different from all the girls I have dated before. Oo, isip-bata siya pero sa paraang mapapangiti ka na lang dahil sa kakulitan niya. Hindi iyong tipong nakakaasar na.
"Bro, anong nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ni Chris na may sinusupil na ngisi sa kaniyang mga labi.
"I'm just happy," nakangiti pa ring sagot ko habang inaalala ang mga masasayang araw na magkasama kami ni Claire.
Every minute that I'm with her is the most happiest moment of my life. Kung pwede ko lang siyang makasama bawat minuto, bawat segundo, matagal ko na sanang ginawa para palagi ko siyang kasama.
"Happy because of what?" kunot-noong tanong ni Ryan.
Nagtataka na siguro sina Chris dahil tumatawa at ngumingiti akong mag-isa nang walang dahilan.
"Hindi ano, kung hindi sino," tanging tugon ko.
Hindi na talaga mawala ang ngiti ko. Para na nga akong baliw na ngumingiti nang mag-isa. Pero ganito siguro talaga kapag nagmahal ka. Sumagi pa lang sa isip mo ang taong mahal mo, mapapangiti ka na lang nang hindi mo namamalayan.
"Is it Sheena, bro?" nakangising tanong ni Justin na aktibo pagdating sa babae.
"The one and only," sagot ko nang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko.
Siya lang naman nakapagpapangiti sa akin ng abot hanggang tainga. Iyong ngiting bigay-todo na para bang wala ng bukas.
"Ibig sabihin ba niyan ay nanalo ka sa laro natin?" nakangisi ring tanong ni Stanley.
Bigla ko namang naalala ang larong madalas naming laruing lima kung saan ay hahanap kami ng target na paglalaruan namin at paiibigin saka biglang iiwan sa ere. Yes, it all started with a game but my feelings for her is real. Walang halong pagkukunwari. I have already loved her even the very first time that I asked her out for a date. She made my heart flutter and she taught me how to love unconditionally and unexpectedly. I never felt this way before but I'm certain that it's love that I'm feeling. Love at first date.
"Then, I guess it's time for you to break up with her to put an end to it and claim your victory," nakangisi ring pagsabad ni Chris.
Sa sinabing iyon ni Chris ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kung anong kirot sa dibdib ko. Para akong pinapatay sa sakit. Isipin ko pa lang na hihiwalayan ko siya ay hindi ko na kaya. Ano pa kaya kung gawin ko na? Baka doble-dobleng sakit pa ang maranasan ko, o mas malala, baka triple pa.
"I can't," mahinang sagot ko na nakakuha ng atensiyon nilang lahat.
"Bakit hindi?" gulat na tanong ni Stanley na hindi makuha ang ibig sabihin ng sagot ko.
"I love her and I can't break up with her. She's my life," pag-amin ko.
Kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya ay para ko na ring pinatay ang sarili ko. I can't afford to lose her. Masyado nang malalim ang pagmamahal ko sa kaniya kahit bago pa lang ang relasyon namin. Hindi ko hahayaang matapos na lang basta ang relasyon namin. Magkamatayan na pero hinding-hindi ko siya hihiwalayan.
Wala na akong pakialam sa larong inimbento naming lima at sa kung ano pa mang nakataya rito. Ang tanging mahalaga lang sa akin ngayon ay si Claire. Siya at siya lang.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...