MARY'S POV
Dinala nila kami ni Chris sa Dating Booth kung saan ay maraming mga nagkalat na mga disenyong puso sa hallway. Ginawa ring pula at puti ang pintura ng apat na classrooms na nakahilera sa first floor ng building na siyang nagsisilbing dating area.
I wonder how much She spent for this silliness of hers. But I'm sure that Peter has a contribution with this and I'm thankful for the both of them. Sa tulong nila ay naramdaman kong posibleng magkaroon ng kami ni Chris kahit sa loob lamang ng isang araw. Pero masakit lang isipin na pagkatapos ng araw na ito ay balik na sa normal ang lahat at sasampalin na naman ako ng katotohanang kailanman ay hindi niya ako magugustuhan.
Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko namalayang basta na lang kaming itinulak nina She papasok sa loob ng mismong classroom nang hindi man lang nila inaalis ang pagkakaposas namin. Lalabas pa sana ako ng pinto para hingin ang susi ng posas nang bigla na lang magsarado ang pinto.
Dahil wala naman na kaming lalabasan at nakakulong na kami sa silid ay iginala ko na lang ang tingin ko sa kabuuan nito. Natatakpan ng pinaghalong puti at pula na makapal na kurtina ang lahat ng bintana para hindi makita ang loob mula sa labas upang bigyan ng privacy ang bawat pares na makukulong sa silid. Mayroon ding mga heart lantern at kung ano-ano pang dekorasyon na nakasabit sa kisame. Maging ang black board ay natatakpan ng kurtina. May mga nagkalat ding mesa sa paligid na may tigdadalawang upuan na magkaharap na pula at puti rin ang motif. Sa bawat mesa ay may flower vase at mga nakahandang pagkain na may takip pa at inihanda na nila bago pa hulihin ang couple na mag-de-date. May mga nagsabog ding talulot ng pulang rosas sa sahig at mga nagkalat na pulang hugis-pusong mga lobo. Unang tingin mo pa lang ay hindi mo iisiping classroom lang ang silid dahil nagmukha na itong mamahaling restaurant sa loob dahil sa mga dekorasyon nito, ibang-iba mula sa itsura nito sa labas.
May ilang mga pares na ang nasa loob ng silid at karamihan sa kanila ay nagkakailangan pa at hindi magawang tingnan ang isa't isa samantalang may iba namang masayang nag-uusap at mukhang nagkakapalagayan na ng loob.
"Mary, gusto mo na bang maupo?" masuyong tanong ni Chris.
Bigla naman akong napatingin kay Chris nang wala sa oras nang magsalita siya pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin na rin siya sa akin at hindi sinasadyang magsalubong kami ng tingin.
"Ta-Tara, upo na tayo," naiilang kong tugon.
Nauna na akong maglakad palapit sa isang mesa na medyo nasa pinakagitna. Agad naman siyang sumunod dahil nakaposas kami at hindi kami maaaring maghiwalay.
Tahimik lamang kaming kumakaing dalawa pero hindi ko naman magawang ma-enjoy ang pagkain ko dahil panay ang tapon niya sa akin ng tingin habang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Hindi ko magawang makakain nang maayos dahil sa kakaibang tinging ipinupukol niya sa akin. Idagdag pang nasa ibabaw ng mesa ang kamay naming dalawa na nakaposas kaya medyo nakakailang at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Napatungo na lamang ako habang pinaglalaruan ang pagkain ko dahil hindi ko naman magawang salubungin ang tingin niya at baka sapian pa ako ng masamang espiritu at masunggaban ko siya.
Habang nasa kalagitnaan pa rin kami ng aming pagkain ay nagulat na lamang ako nang makita kong nakalahad na sa harapan ko ang isang kamay niyang hindi nakaposas na para bang inaanyayahan niya akong sumayaw. Napatingin naman ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na nagsasayawan na pala ang lahat ng kasama namin sa silid at kami na lang ang nasa mesa namin kaya kahit nag-aalangan at kinakabahan ako ay tinanggap ko pa rin ang kamay niyang nakalahad.
Alam kong hindi ito ang unang beses na inalok niya akong sumayaw pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon kaysa dati?
Nang sandaling maglapat ang mga kamay namin ay parang may naramdaman akong kuryenteng dumaloy mula rito papunta sa katawan ko. Ngunit hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
Storie d'amoreMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...