MARY'S POV
Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang lapitan ni Peter si She at sa isang linggong 'yon ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Palagi silang magkasama tuwing lunch, break time, vacant at maging sa uwian.
Isang linggo na rin akong buwisit na buwisit sa mga asong nakabuntot kay Peter. Mabuti na lang talaga at minsan lang sumama sa kanila iyong Christopher dahil abala sa pambababae. Kung kasama pa nila ang lalaking 'yon ay baka tuluyan na akong mabaliw. Tatlong buwisit pa nga lang ay halos masiraan na ako ng ulo. Ano pa kaya kung dadagdagan pa ng isa?
Kahit papaano ay unti-unti ko nang nagugustuhan si Peter para kay She dahil iba siya sa tatlong kaibigan niyang panira ng araw ko. Sa isang linggong nakakasama siya sa mga lakad namin ni She ay mas nakikilala ko pa siyang mabuti. He's a funny person just like She. Nakikita't nararamdaman ko rin na malinis ang intensiyon niya kay She. Magmula rin nang magkalapit silang dalawa ay nagbago na ang pananamit ni She. Hindi mo na siya ngayon makikitang magsuot ng mga pambatang kasuotan. Pero kung ugali naman ang pag-uusapan ay ganoon pa rin, walang pinagbago.
"What's your order, Claire?" malambing na tanong ni Peter sa katabi kong si She.
Lihim na lamang akong napailing nang marinig ko ang itinawag ni Peter kay She. Naaalala ko pa kung paanong nag-tantrums si She nang tawagin siya ni Peter sa first name niya. Sheena na raw kasi ang tawag ng karamihan sa kaniya at para maiba ay gusto niyang ang second name niya ang itawag sa kaniya ni Peter.
Nakakatawa rin noong minsang sinubukan nina Justin na tawagin siya sa second name niya. Halos mabingi 'yong tatlo sa walang tigil na kasisigaw sa kanila ni She. Halos nabugbog niya rin ang mga ito dahil ayaw niyang may ibang tumatawag sa kaniya nito. Magmula noon ay hindi na nagtangka pa ang tatlong baliw na tawagin si She sa pangalang 'yon. Takot lang nilang mabugbog.
"Spaghetti and apple juice sa 'kin," tipid na sagot ni She.
"How about you, Mary?" pagbaling sa akin ni Peter.
"Katulad na lang din kay She ang sa akin," sagot ko at nginitian si Peter.
Pumunta na si Peter sa mga nakahilera at umorder kasama si Ryan. Katulad ng nakasanayan ay libre na naman ni Peter ang snacks namin.
"Mary, ba't mukhang wala ka sa mood?" pagpuna sa akin ni Stanley habang nakapangalumbaba sa harapan ko.
"None of your business," tipid na sagot ko bago ko inirapan si Stanley.
Mas pinili ko na lang na magbasa ng libro kaysa pansinin ang dalawang baliw na nasa harapan ko.
"Nag-aaral pa lang ako. Wala pa akong business," pambabara sa akin ni Stanley.
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa pamimilosopo ni Stanley.
"Use your common sense," sabi ko sabay irap kay Stanley.
Ewan ko ba kung bakit ang init-init ng dugo ko sa kanilang tatlo. Siguro dahil sa pagiging pasaway nila na siyang hindi ko magawang sakyan lalo pa't nasanay akong mga isip-bata ang nakapaligid sa akin na walang ibang ginawa kundi magpabebe at magpa-cute.
"E paano 'yan, bro? Wala ka namang common sense," pang-aasar ni Justin kay Stanley.
"Kaya nga hindi ko na lang siya kakausapin e," natatawang sagot ni Stanley kay Justin.
Well, at least he's aware. But still, it doesn't change the fact that he's being silly most of the times and teasing me is what makes his day complete.
"Sheena, matanong ko lang. Tomboy ba 'tong kaibigan mo?" seryosong tanong ni Stanley kay She na akala mo naman ay wala ako rito at hindi ko naririnig ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...