SHEENA'S POV
Ilang araw na ang nakalilipas magmula nang makauwi kami galing outing. Balik na rin ang lahat sa normal. Maging ang panunuyo ni Chris kay Mar ay balik na rin sa dati.
Ilang araw nang sinusuyo ni Chris si Mar pero lahat ng effort niya ay binabalewala lang nito at palagi pa siyang deadma pagdating dito kahit na magkatabi lang naman sila kaya hindi ko maiwasang maawa kay Chris. Pero kahit naman ganoon si Mar ay alam kong may epekto pa rin si Chris sa kaniya at ang mga ginagawa nito. Iyon nga lang ay pinipigilan lang niya ang sarili niyang bumigay at lumambot ang puso niya kay Chris.
"Princess, remember what I told you? Don't be swayed with the things he do just to please you if you don't want the past to repeat itself," muling paalala ni Ford kay Mar na kanina pa niyang sinasabi.
Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis kay Ford dahil sa pagpapaulit-ulit niya. Daig niya pa ang sirang plaka. Nakailang ulit na niyang sinabi 'yon magmula nang sumakay kami sa kotse niya hanggang sa makababa kami.
Ano namang pakialam niya kung sakaling magpadala si Mar sa panunuyong ginagawa ni Chris sa kaniya? Kuya lang ang peg? E si Kuya Sky nga hindi nakikisawsaw, siya pa itong may kapal ng mukhang makisawsaw sa buhay ni Mar gayong kaibigan lang naman siya. Argh! Ang aga-aga pinapainit nitong si Ford ang ulo ko. Aalis na nga siya't lahat-lahat, ang dami pa niyang kaartehan. Sarap batukan e.
"Don't worry, Ford. I know what I'm doing. I won't let myself be fooled again," Mar assured him.
Tss! Neknek niya. E sa nakikita ko nga ay mukhang unti-unti ng lumalambot ang pusong bato niya kay Chris e. Kaunting push na lang ay bibigay na siya. Pero ang tanong, lumambot na kaya ang puso niya bago pa sumuko si Chris? Like hello? Hindi naman martir si Chris. Tao rin siya. Marunong din siyang mapagod at masaktan kapag sumobra na ang pambabalewala ni Mar sa kaniya.
"Then I don't have to worry anymore," masayang saad ni Ford na mukhang nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi ni Mar.
"Absolutely, yes. Kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Just focus on the things that you have to do." Mar gave him a reassuring smile.
Hindi na ako nakatiis at nakisawsaw na ako sa usapan nila.
"Oo nga naman, Ford. Saka hindi ba mamayang tanghali na ang alis mo pabalik ng States?" pag-iiba ko ng usapan bago pa ako tuluyang mairita kay Ford.
"Yeah. But I'll just be gone for a week. I'll be back soon," nakangiting sagot ni Ford na akala mo naman ay isang magandang balita na isang linggo lang siyang mawawala tapos ay babalik din agad.
"Sandali lang naman pala e. Tapos akala mo naman isang taon siyang mawawala. May pahabi-habilin pang nalalaman. Ano? Mamamatay lang ang peg?" pambabara ko kay Ford dahil hindi ko na talaga napigilan ang inis ko knowing na sandali lang naman pala siyang mawawala pero kung magdrama siya ay daig pa ang isang taon siyang mawawala.
Sa halip na mainis ay tinawanan lang ako ni Ford.
"Ewan ko sa 'yo. Sige na, pasok na kayo. Mahuhuli na kayo sa klase ninyo," pagtataboy ni Ford sa amin ni Mar.
"Sige, ingat ka sa biyahe mo. Pasensya ka na at hindi ka na namin maihahatid sa airport," paghingi ng paumanhin ni Mar.
Kung hindi ba naman kasi baliw itong si Ford e. Tirik na tirik ang araw bibiyahe. Saka may pasok pa kami. Wrong timing ang flight niya kaya bahala siya riyan.
"It's okay. As long as you'll listen to what I've been telling you," nakangiting sagot ni Ford na tila nawalan na ng alalahanin dahil panatag na siyang walang gagawin si Mar na labag sa kagustuhan niya sa isang linggong wala siya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...