MARY'S POV
Ikalawang araw na namin sa resort at sinusulit na namin ang pananatili namin dito dahil bukas balik na ulit sa normal ang lahat.
Nasa labas si She at malamang na nagliliwaliw na naman siya kasama si Peter. Mas pinili ko na lang magpaiwan sa kwarto kaysa maging third wheel sa kanila.
Nasa kwarto lang ako, nakakulong at nanonood ng kung ano-ano gamit ang laptop na dala ni She. Hinihintay ko na lang na bumalik ang dalawa mula sa paglalakad-lakad nila para makakain na kami ng tanghalian.
Agad naman akong napatingin sa pinto nang bumukas ito.
"Oh? Mar, ba't hindi ka pa naliligo?" takang tanong ni She.
"Hinintay ko pa kasi kayo para sabay-sabay na tayong maligo. Saka hindi pa kaya tayo nanananghalian, hindi ba?" paalala ko.
"Oo nga pala. Gutom na rin ako," natatawang sagot ni She.
"Mabuti pa, tara na sa baba. May nakahanda nang tanghalian para sa atin sa cottage," yaya ni Peter.
Pinatay ko na muna ang laptop at iniwan na lang ito sa ibabaw ng kama bago ako sumunod pababa para pumunta ng cottage.
"Mary?" pagtawag sa akin ni Peter habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin.
Agad naman akong nag-angat ng tingin para salubungin ang tingin ni Peter.
"Ano 'yon?" tanong ko na may bahid ng pagtataka sa bigla-biglang pagtawag sa akin ni Peter.
"I just want to warn you about Chris," seryosong sagot ni Peter na nagpakunot ng noo ko.
Sinong Chris? Christopher John Rodriguez? Iyong kaibigan niya? Anong babala? Para saan?
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.
"Just stay away from him. In that way, you won't be hurt," tanging sagot ni Peter na hindi ko malinaw na naintindihan.
"I don't get it. Bakit ko naman siya lalayuan? Ni hindi ko nga siya nakakausap o nakakasama. Saka bakit naman ako masasaktan sa oras na lumapit ako sa kaniya?" naguguluhan pa ring tanong ko kasabay ng pagsalubong ng kilay ko.
"Just do it. It's for your own sake," mariin at seryosong wika ni Peter.
"Sino bang Chris 'yan? Is that Christopher, your friend?" pagsabad ni She na hindi na nakatiis na makinig lang sa usapan namin.
Tanging pagtango na lang ang naging sagot ni Peter.
"E ba't mo naman pinalalayo sa kaniya si Mar? Wala namang ginagawang masama 'yong tao. Saka isa pa, kaibigan mo kaya 'yon" naguguluhan na ring tanong ni She na salubong na rin ang mga kilay katulad ko.
"Sa ngayon, wala pa," makahulugang sagot ni Peter.
"Anong ibig mong sabihin?" sabay pa naming tanong ni She.
Ibig bang sabihin ay may gagawin nga ang Chris na 'yon na hindi maganda? What would it be?
"Mas makabubuti kung hindi ninyo alam ang dahilan. I don't want any of you to get hurt. Just do as I say. Doon na muna ako sa dagat. Sumunod na lang kayo pagkatapos ninyong kumain," mahabang sabi ni Peter at basta na lang kaming iniwan ni She na parehong naguguluhan.
"Ang gulo. Kakain na nga lang ako," nayayamot na sabi ni She at ipinagpatuloy na lang ang pagkain niya.
Kung siya naguguluhan, ano pa kaya ako?
Nang matapos kaming kumain ay agad nagyaya si She na maligo na. Hinubad ko na muna ang suot kong salamin at iniwan na lang ito sa cottage.
"Ang lamig," ginaw na ginaw na sambit ni She na akala mo ay nasa ice bucket challenge kung umarte.
"Oo na lang," pambabara ko kay She at inirapan siya.
Hindi naman nagpadaig si She kaya inirapan din niya ako at basta na lang akong iniwan sa mababaw na parte ng dagat.
"Diyan ka na! Sundan ko lang si bhe!" sigaw ni She bago siya tuluyang lumangoy palayo.
Hindi ko na hinabol pa si She dahil ayokong maging third wheel na naman sa kanila.
"Hi, miss."
Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang nagsalita. Naningkit ang mga mata ko nang makita kong nasa gilid ko ang lalaking nakabanggaan ko kahapon. Tipid ko na lang siyang nginitian habang siya naman ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa 'kin.
"Hi. I just came here to ask for an apology. I'm sorry for what happened yesterday. I just enjoyed watching the scenery that's why I wasn't able to feel your presence," paghingi niya ng tawad nang mas makalapit pa siya sa akin.
Sorry. That's the only word that I'd been waiting since yesterday.
"It's okay. I would also like to apologize. I'm also at fault because I wasn't paying attention that time," paghingi ko rin ng paumanhin.
"I'm Ford by the way," pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.
"Mary," pagpapakilala ko rin sa sarili ko at nakangiti kong inabot ang nakalahad niyang kamay.
"Nice to meet you, Mary," nakangiting wika niya.
"Likewise," nakangiti ko ring tugon.
"Mind to roam around the place with me?" pag-aalok niya.
Bigla naman akong napaisip sa alok niya. Hindi pa pala ako nakakapaglibot sa kabuuan nitong resort dahil nang sinubukan kong maglakad-lakad ay nabangga ako sa kaniya kaya napilitan akong bumalik na lang ng cottage.
"Okay," tipid kong sagot at nauna na akong umahon ng dagat para maglakad-lakad kasama siya.
A/N: Who's your bet? Chris or Ford?
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...