MARY'S POV
Natapos na ang party at nauna nang umuwi si She dahil hinatid na siya ni Peter habang ako ay nasa school pa rin at naghihintay ng susundo sa 'kin. Hindi ko magawang tawagan o i-text ang sundo ko para alamin kung papunta na ba ito dahil nag-shut down na ang phone ko.
"Hey. Should I drive you home?" alalang tanong ni Christopher na nagpaiwan din para samahan ako.
"No need. My driver will be here any minute from now," pagsisinungaling ko kahit hindi naman talaga ako sigurado kung parating na ba ang susundo sa 'kin.
Gustuhin ko mang makauwi na pero ayokong sumabay sa kaniya. Natitiyak ko na bubuwisitin lang niya ako buong biyahe.
"You sure?" hindi kumbinsidong tanong niya.
"Yeah. So you can now leave," pagtataboy ko sa kaniya.
Napagdesisyunan kong lumabas na ng campus at doon na lang maghintay. Lumipas na ang ilang minutong paghihintay ko pero wala pa rin ang sundo ko.
Dahil nababagot na ako sa paghihintay at gustong-gusto ko na talagang umuwi ay naglakad-lakad na muna ako para salubungin ang sundo ko. Sigurado naman ako na madadaanan ako ng sundo ko dahil ang daang tinatahak ko ay patungo sa direksyon ng bahay namin.
Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo ng school ay may bigla na lang humarang sa akin na dalawang lalaki na malalaki ang katawan at mukha pang hindi gagawa ng mabuti.
"What do you want?" lakas-loob kong tanong sa mga humarang sa akin kahit sa loob-loob ko ay nanginginig na ako sa takot.
Ito ang unang beses na makaharap ko ang ganitong klase ng tao kaya sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa mga isipan nila pero isa lang ang nasisiguro ko—hindi sila gagawa ng mabuti.
"Ibigay mo sa amin ang bag mo kung ayaw mong masaktan," sabi ng lalaking nasa kaliwa sa nakakatakot na boses at tinutukan ako ng isang patalim.
He was referring to my sling bag but I can't give this to them. It contains all of my things: my phone, my credit cards, my money and most especially, the jewelries that mom gave me during my eighteenth birthday. Hindi ko pwedeng ibigay sa kanila ang mga alahas na nasa loob ng bag ko dahil pinahahalagahan ito ng buong angkan namin. Pinagpasa-pasahan pa ito ng ilang henerasyon.
"No, I won't," pagmamatigas ko at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa bag ko na itinago ko na sa bandang likuran ko.
"Ibibigay mo sa amin nang maayos o papatayin ka namin?" pananakot ng lalaking nasa kanan.
"Brad, huwag mong patayin. Mapapakinabangan pa natin 'yan." Rinig kong bulong ng lalaking nasa kaliwa sa lalaking nagbantang papatayin ako.
Mas lalo naman akong nanginig sa takot nang pinasadahan nila ako ng tingin na parang natatakam.
"Tama ka, brad. Ang sexy. Mukhang swerte tayo ngayon," nakangising sagot ng lalaking nasa kanan at nakangisi akong tiningnan.
Wala nang dumadaan na kotse o tao sa kinaroroonan namin at kahit sumigaw ako ay walang makakarinig sa 'kin kaya pilit akong nag-isip ng ibang paraan para makatakas.
Dahan-dahan akong humakbang paatras sa nanginginig kong tuhod nang hindi nila napapansin. Nang makailang hakbang ako ay saka ako bumuwelo at tumakbo nang mabilis papunta sa direksyon ng school ko.
"Hoy! Bumalik ka rito!" Rinig kong sigaw ng dalawang lalaki mula sa aking likuran.
Nilingon ko ang direksyon ng dalawang lalaki at mas binilisan ko pa ang takbo ko nang makitang sinusundan pa rin nila ako. Kailangan kong makarating ng school. Nasa school pa ang guwardiya at tiyak na matutulungan niya ako.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...