CHAPTER 3: Her Childishness

4.6K 138 1
                                    

MARY'S POV

"How was your first day in school, princess?" pagbubukas ni daddy ng usapan sa kalagitnaan ng aming hapunan.

"It's fine, dad. Nothing much happened," tipid kong sagot.

This is the usual scenario at home every dinner during weekdays. They will ask me some questions about school and some stuffs that happened within the day and within the school premises.

"Kinulit ka na naman ba ni Sheena? Pinasakit na naman ba niya ang ulo mo, Pia, anak?" pagtatanong din ni mommy na kilalang-kilala na si She mula pa pagkabata kaya alam na alam niyang hindi matatapos ang isang araw na hindi ako kinukulit o binibigyan ng sakit ng ulo ni She.

"Naku, mom! Nagtanong ka pa. Kilala mo naman 'yong babaeng 'yon. Hindi buo ang araw niya kapag hindi niya ako nabubuwisit," natatawang sagot ko kay mommy na siyang ikinatawa rin naman nila ni daddy.

"Basta kapag may ginawang kabaliwan 'yong si Sheena, sabihin mo kaagad sa akin. Babatukan ko talaga 'yon para magtanda," bilin ni mommy habang nagpipigil ng tawa.

Ngiti na lamang ang naging tugon ko sa sinabi ni mommy dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Princess, pagkatapos mong kumain, umakyat ka na sa kwarto mo. I have a surprise for you," nakangiting sabi ni daddy.

Bigla naman akong na-excite kung anong sorpresa ang sinasabi ni daddy kaya mas binilisan ko pa ang pagkain ko na siyang ikinatawa ni daddy.

"Princess, be careful. Baka mabulunan ka," natatawang pag-awat sa akin ni daddy pero patuloy pa rin ako sa pagkain.

Sunod-sunod ang naging pagsubo ko hanggang sa mahirapan na akong nguyain ang lahat ng pagkaing magkakasabay kong isinubo. Bumara ito sa lalamunan ko, dahilan para mapaubo ako.

Natataranta akong inabutan ni daddy ng isang basong tubig habang patuloy pa rin siya sa pagtawa dahil nagdilang anghel ang kaniyang sinabi. Agad ko naman itong inabot at mabilis na ininom.

Geez. That was close.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, princess. Dahan-dahan lang," sabi ni daddy habang patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Ikaw naman kasi, hon. Alam mo namang mahilig sa sorpresa itong bunso natin," natatawa ring sabi ni mommy habang marahang hinahagod ang aking likod.

Ipinagkibit-balikat lang naman ito ni daddy at saka niya pinuno ang aking baso ng tubig mula sa pitsel.

"Princess, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni mommy habang patuloy pa rin sa ginagawa niyang paghagod sa aking likod.

"Yes, mom," tipid kong sagot at nginitian na lamang silang pareho para hindi na sila mag-alala pa.

Saka lang ni mommy itinigil ang paghagod sa likod ko nang masiguro niyang ayos na ako. Bumalik na rin siya sa pagkain niya.

"By the way, dad, what's your surprise?" nananabik kong tanong na may kasama pang pagpapa-cute sa harapan nila.

"Surprise nga, princess, 'di ba? Just go to your room and you'll find out," nakangiting sagot ni daddy.

"Okay. I'll just go upstairs," paalam ko saka sila hinalikan sa kanilang pisngi.

"Enjoy your food!" sigaw ko pa bago tuluyang lisanin ang dining area.

Kaagad akong dumiretso sa kwarto ko para tingnan kung ano ang sorpresa na sinasabi ni daddy. Patakbo akong umakyat sa taas at halos magtatatalon ako sa tuwa nang makita ko kung ano ang sorpresang naghihintay sa akin.

Mabilis kong tinakbo ang human-size na pink teddy bear at mahigpit itong niyakap. Habang yakap ko ang malaking teddy bear ay may napansin akong note na nakadikit sa bandang tiyan nito. Kunot-noo kong kinuha ang note at binasa ang nakasulat.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon