MARY'S POV
Dahil sa pagiging overreacting ng mga magulang ko ay dinalhan na lamang ako ng katulong ng pagkain sa kwarto ko. Alagang-alaga nila akong lahat mula pagkagising ko. Nakahanda na ang susuutin ko sa pagpasok at maging ang mga gamit ko ay nakahanda na rin. Ako na lang ang kulang.
Nang matapos na akong maghanda sa pagpasok ay kaagad akong bumaba kung saan naabutan ko si She na komportableng nakaupo sa sala.
"Oh? She, naligaw ka yata? Anong ginagawa mo rito?" sarkastikong tanong ko kay She nang tumigil ako sa kaniyang harapan.
"Nandito ako para sunduin ka," seryosong tugon ni She na ikinasalubong ng kilay ko.
'Sunduin? Kailan pa ako sinundo ng isang 'to?' naitanong ko na lamang sa aking isipan.
"And why would you?" nakataas ang kilay kong tanong.
"I just want to make sure that you're okay," she answered with a streak of guilt in her voice.
"Tss! I'm fine," I answered while rolling my eyes in so much irritation.
"Anak, aalis na ba kayo?" tanong ni mommy na kagagaling lang ng kusina.
Hindi pumasok ngayon sa trabaho si mommy dahil nga sa gusto niya akong alagaan. She even cooked breakfast for me. Ngayon ko lang naisip na kahit pala papaano ay may mabuting dulot ang pagiging overreacting nila dahil nakikita at nararamdaman ko ang pag-aalala at pagmamahal nila sa akin sa simpleng paraan lang.
"Yes po, tita." Si She na ang sumagot dahil siya naman itong atat nang umalis para makita ang manliligaw niya.
"Sheena, hija, ipauwi mo na lang sa driver mo iyong kotse mo. Ako na ang maghahatid sa inyo. Paalis na rin naman ako," pagprisinta ni daddy na kabababa lang ng hagdan.
"Okay po, tito," nakangiting tugon ni She bago ako binalingan ng tingin.
"Mar, tara na!" sigaw ni She at walang sabi-sabing hinigit ako palabas.
Hindi na ako tumutol o nagsalita pa dahil maaga pa naman at hindi naman mahuhuli si daddy sa trabaho niya kung ihahatid niya kami. Alam ko rin naman na gusto lang niyang masigurong maayos at ligtas kaming makakarating ng school.
"We're here, ladies. Mamayang uwian, hintayin na lang ninyo ako rito at ako na ang susundo sa inyo," wika ni daddy nang huminto ang kotse sa mismong tapat ng gate ng school.
"Dad, hindi na po kailangan. Pwedeng-pwede naman po kaming sunduin ng mga driver namin. I know you still have a lot of works to do. Huwag na po ninyo kaming intindihin," pagtutol ko at tipid na nginitian si daddy.
"Princess, whether you like it or not, I'll fetch you later in the afternoon. No more buts. Now, go to your classroom," dad insisted.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. I kissed him on his cheeks and She also did the same as a sign of goodbye before we went inside the campus.
Nang makarating kami ng classroom ay agad kaming sinalubong ng mga nag-aalala naming kaklase na panay ang tanong sa amin kung ayos lang ba kami. We are not that close but we care for each other since we consider each other to be our second family.
Nang matapos ang klase namin sa umaga ay agad kaming lumabas ng classroom ni She para pumuntang canteen. Pero hindi pa man kami nakalalayo ay humarang na sa daraanan namin ang dalawang babaeng nakaaway ni She kahapon. Nakayuko lamang ang mga ito sa harapan namin at tila ba may kung ano silang itinatago na ayaw nilang ipakita sa amin.
"What are you doing here? Hindi pa ba kayo nagtanda? You want a round two, aren't you?" mataray na bungad ni She sa mga humarang sa amin habang nakakrus pa ang dalawa niyang braso sa kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...