MARY'S POV
Naramdaman ko na lang na ipinasok ako ng mga nakaalalay sa akin sa kung saan at doon lamang nila tinanggal ang piring sa mga mata ko. Noong una ay nanlalabo pa ang paningin ko pero hindi nagtagal ay luminaw na rin ito lalo pa nang ibalik na sa akin ang salamin ko.
Iginala ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko. Nasa loob ako ng isang malaking tent at may kasama akong dalawang babae sa loob nito.
Binalingan ko ang suot ko nang maalala kong pinagbihis ako ng mga pumiring sa akin kanina bago nila ako dalhin sa tent. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung anong pinasuot nila sa 'kin. Isang puting wedding dress ang ngayon ay suot ko at kung hindi ako nagkakamali ay maaaring ang mga officer sa Marriage Booth ang nasa likod nito.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ang maaaring nasa likod nito at kung sino ang groom. I don't have a good feeling with this. Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib kaya hindi ko magawang mapirmi sa aking kinauupuan.
Binalingan ko ng tingin ang nag-iisang daan papasok at palabas ng tent. Halos manlumo ako nang makita kong may bantay ito mula sa labas dahil nakikita ko mula sa loob ng tent ang dalawang bulto ng tao sa magkabilang gilid ng labasan.
"Ayusan na po kita," nakangiting sabi ng isa sa mga babaeng kasama ko.
Bago pa man ako makapagsalita ay pumunta na sa likuran ko ang babae at pinakialaman ang buhok ko habang naiwan naman ang isa sa harapan ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang makeup kit na hawak ng babaeng kaharap ko.
"Ah, miss. I-I'm sorry pero allergic ako sa makeup," pagsisinungaling ko para hindi niya na tangkain pang ayusan ako.
"Ganoon ba?" nanlulumong tanong ng babaeng mag-aayos sana sa 'kin.
Marahan na lamang akong tumango. Saglit na napaisip ang babaeng kaharap ko bago niya ibinaba ang hawak niyang makeup kit at pinalitan ito ng powder. Sa halip na muling magreklamo o mag-inarte ay hinayaan ko na lang siya sa balak niyang gawin sa mukha ko dahil wala namang kaso sa akin kung powder lang ang pag-uusapan.
Nilagyan ng babae ng kaunting powder ang mukha ko saka niya ako inutusang kagat-kagatin ang sarili kong labi para ito pumula nang walang ginagamit na ano mang cosmetics. Tinapik-tapik niya pa ang pisngi ko para papulahin din ito katulad ng labi ko.
"Viola! Simple and natural yet elegant," the girls said in chorus.
Nasa harapan ko na rin ang isa pang babae na nag-ayos ng buhok ko. Naka-rope twist bun ang buhok ko ayon sa nag-ayos nito. May inilagay rin itong belo sa buhok ko.
May inabot sa aking salamin ang nag-ayos sa 'kin na siyang ginamit ko para sipatin ang sarili kong ayos. Simple lang ang ayos ko at hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang salamin ko. Mukha namang mabisa ang pinaggagagawa sa akin ng babae kanina dahil mamula-mula nga ang pisngi ko at pati na rin ang mga labi ko.
Matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin ay itinakip na ng dalawang babae sa mukha ko ang belo. May iniabot din silang palumpon ng puting rosas.
"Miss, matagal pa ba 'yan? Huwag na kayong masyadong mag-effort! Hindi na gaganda 'yang best friend ko!" sigaw ni She mula sa labas ng tent.
"Humanda ka kapag nakalabas ako rito! Ingungudngod ko 'yang mukha mo sa lupa hanggang sa tuluyan kang pumangit!" sigaw ko pabalik kay She.
"Ay! Buhay ka pa pala!" natatawang tugon ni She na ikinaikot ng mga mata ko.
"Pwede ka nang lumabas," nakangiting sabi sa akin ng nag-ayos ng buhok ko kanina.
"You look beautiful, with or without your eyeglasses," pahabol naman ng isa pang babae.
Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ng nag-ayos sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...