CHAPTER 36: Her Condition

3.4K 78 0
                                    

SHEENA'S POV

Matapos nilang magsisihan ay muli na naman kaming binalot ng nakabibinging katahimikan. Nagpapakiramdaman lang kaming anim habang hinihintay ang paglabas ng kahit sinong nurse o doctor na nasa loob ng emergency room kasama ni Mar.

Magdadalawang oras na yata kaming naghihintay o higit pa pero wala pa ring lumalabas na kahit sino mula sa emergency room. Maging ang nurse na nakausap namin kanina ay hindi na rin namin nakita pang lumabas matapos nitong pumasok ng silid kasama ang ilang staff ng ospital bitbit ang maraming bag ng dugo.

Nabasag ang katahimikang bumabalot sa amin nang tumunog ang phone ko. Nang makita kong si Tita Sandra ang tumatawag ay halos hindi ko na maramdaman pa ang sarili kong paghinga. Ayokong sagutin ang tawag dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero wala rin akong karapatan na ilihim kay tita ang nangyari sa anak niya kaya sa kabila ng nanginginig kong kamay ay pinindot ko pa rin ang answer button.

"He-Hello, ti-tita," kinakabahang sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Sheena, ano? Kumusta ang party? Are you both enjoying the night? Can I talk to Pia?" sunod-sunod na tanong ni tita na wala ng mapagsidlan ng tuwa.

Mas lalo akong kinabahan at nawalan ng lakas na sabihin kay tita ang nangyari dahil sa sigla ng boses niya.  Ayokong pag-alalahanin si tita lalo pa't wala pa naman ni isa sa amin ang may ideya kung ano na ang nangyayari kay Mar sa loob ng emergency room.

"Sheena, are you still there? Are you okay?" pagpukaw ni tita sa atensiyon ko nang mawalan ako ng imik.

"Ahh, ye-yeah. I-I'm still here," nauutal kong sagot.

"Nakung bata ka. Pinag-aalala mo ako nang wala sa oras. Kanina pa ako tawag nang tawag sa pangalan mo, hindi ka man lang nagsasalita," sikmat sa amin ni tita.

"Ti-Tita," nanlulumong tawag ko kay tita.

Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa hina at panginginig nito. Idagdag pang panay na ang singhot ko kaya hindi na ako makahinga at makapagsalita pa nang maayos.

"Ayos ka lang ba, Sheena, hija? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" natatarantang tanong ni tita.

Paunti-unting lumalakas ang pag-iyak ko habang tumatakbo ang oras kaya panay na ang hagod ni Peter sa likod ko para hindi ako mahirapang huminga. Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko sa pagtulo ngunit bigo ako. Para itong tubig sa gripo na patuloy lang sa pag-agos.

"Ti-Tita, s-si M-Mar p-po," nangangatal kong sabi habang walang tigil pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

Napapakagat-labi na ako dahil sa labis na pagpipigil ko sa sarili kong mapahagulhol.

"Anong nangyari sa anak ko? Nasaan siya? Sheena, answer me," nag-hy-hysterical na sabi ni tita.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko bago ko ibinuka ang bibig ko para magsalita.

"Na-Nasagasaan po si Mar. Na-Nasa emergency room po siya ngayon," umiiyak pa ring tugon ko.

"Ano? Nasaan kayo? Saang ospital mo dinala ang anak ko?" sunod-sunod na tanong ni tita kung saan mababakas na ang sobrang pag-aalala niya.

"Buezon's Hospital," agad kong tugon.

"We'll be there in a minute," wika ni tita bago niya patayin ang tawag.

Ibinalik ko sa pagkakatago sa pouch ko ang phone ko pagkapatay na pagkapatay ni tita sa tawag. Nang mag-angat ako ng tingin ay doon ko lang napansin na nasa akin na pala ang mga mata ng mga kasama ko na may nagtatanong na mga tingin.

"It's Tita Sandra, Mary's mother," tanging sabi ko na ikinatahimik nilang lahat.

Napansin ko ang biglang pagbabago ng kulay ng mukha nina Justin, Ryan at Stanley. Bigla na lamang silang namutla habang hindi sila mapakali sa kanilang kinalalagyan. Mayamaya'y napatulala sila at napatingin sa kawalan.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon