CHAPTER 27: Movie Booth

2.4K 71 0
                                    

MARY'S POV

It's the third day of the Sports Fest and the booths are now open until tomorrow which is Thursday and the day after tomorrow will be the awarding of the winners in every competition.

The booths that are available in the campus are Movie Booth where you can watch movies through the projector, Photo Booth where you can take photos as much as you want which will be developed a little later, Harana Booth where you can request for a song to be sang for your special someone, Jail Booth where you will be imprisoned in a room with someone together with the other prisoners in which you can talk until the time is over, Marriage Booth where you can be married to someone in front of a fake priest, Message Booth wherein you'll send a letter to the officers-in-charge and they will read it with the aid of a microphone connected to the speakers all over the campus, Horror Booth where some of the classrooms will serve as the Horror House which the officer and the volunteers decorated to make it look like a real horror house inside and out, and lastly, the Dating Booth where there are tables provided for the couple in the designated classroom with some music to add a romantic vibes and there are also some foods provided as far as I can recall from what the officer said a while ago.

Marami na akong mga nakikitang napoposasan na pares, napipiringan o nagyayayaan. May ilan ding hinaharana na sa publiko ng Music Club members habang may ilan namang namumutla na sa hindi malamang dahilan at may ilan ding halos maputulan na ng ugat sa lalamunan sa lakas ng sigawan at tilian nila.

Marami-rami na rin ang mga nagpa-message booth dahil kanina pa walang tigil kababasa ng mga mensahe ang mga officer na nasa stage. Magandang makinig sa mga mensaheng binabasa ng officers dahil kung basahin nila ito ay para bang ramdam nila ang emosyon ng sumulat at idagdag pa ang background music na nagtutugma sa laman ng mensahe. Halatang pinaghandaan nila ang araw na ito.

"Tara sa movie booth!" pagyayaya ni She.

Bago ko pa man maibuka ang bibig ko para magsalita ay hinila na ako ni She. Naiiling na lang na sumunod sa amin sina Peter at Chris.

Kumpara kahapon ay maayos na ngayon ang lagay ni Chris dahil hindi naman pala ganoong kalala ang injury niya. Nawala na raw agad ang pamamaga nito noong ikatlong beses na nilapatan niya ito ng pressure gamit ang cold compress kasabay ng pagkawala ng pananakit nito kaya maayos na niya itong nailalakad. Pero kahit ganoon pa man ay pinayuhan ko pa rin siyang limitahan ang paggamit ng paa niyang na-sprain dahil hindi makabubuti kung bibiglain niya ito. Baka sa halip kasi na magtuloy-tuloy na ang paggaling nito ay lumala pa ito.

Hindi namin kasama sina Stanley dahil sabay-sabay silang sinundo ng officers mula sa iba't ibang booth. Nasa marriage booth si Stanley habang si Justin naman ay nasa Dating Booth at nakikipag-date sa hindi na mabilang na mga babae. Si Ryan naman ay nasa Jail Booth at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil doon siya nakulong sa kulungang puno ng mga babaeng nagbayad para lang makasama siya. Kukunin din sana ng ilang officers sina Chris at Peter pero palaging nanlalaban ang dalawa kaya hindi sila nagtatagumpay na matangay ang mga ito.

"Ate, ano pong mga movie ang available?" magalang na tanong ni She sa babaeng nasa entrance ng building kung saan matatagpuan ang Movie Booth.

"We have comedy, romance, horror, action, fantasy, historical and drama. What do you prefer?" pormal na tugon ng officer in-charge.

"Action/Romance/Fantasy/Historical!" magkakaibang sagot naming apat.

Bigla namang sumama ang tingin sa amin ng babaeng in-charge sa entrance. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming apat at mukhang naguguluhan siya kung sino sa amin ang pakikinggan niya.

Si Chris ang may gusto ng romance sa hindi ko malamang dahilan habang action naman ang kay Peter. Samantalang si She ang pumili ng fantasy dahil sa pagiging isip-bata niya.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon